Gary Valenciano talks about lovelife of his still-single children Gab and Kiana

IMAGE Noel Orsal

This photo of Gary Valenciano was taken last April 11, at his ARISE Gary V 3.0 concert in Araneta Coliseum, where his daughter Kiana (inset) was one of the guests. The repeat is slated for August 2, 2014, at the Mall of Asia Arena in Pasay City.


Sa press conference para sa repeat ng ARISE Gary V 3.0 noong July 1, nandoon ang dalawang anak ni Gary Valenciano na sina Paolo at Kiana.

Si Paolo ang direktor ng concert, at si Kiana naman ay isa sa guests.

Si Paolo ay ikinasal na, habang ang isa pa niyang anak na si Gab Valenciano ay engaged na sa girlfriend na si Tricia Centenera.

Ano ang pakiramdam na ikakasal na rin ang isa pa niyang anak na lalaki?

“Well, I guess it’s natural for any father that there’s another one who’s leaving the nest.

"Actually, medyo matagal na siyang umalis sa nest, 2009 pa yata.

"He moved to Eastwood so kami lang ni Angeli at Kiana ang at home.

“But now, he’s really going to tie the knot. Next year pa and it’s good.”

Masaya siya para kay Gab na finally, nahanap na nito ng para sa kanya dahil ilang relasyon na rin ang pinagdaanan ng anak.

“Yes and actually, I’m even thankful sa lahat ng ibang naging girlfriend niya because it taught him.

"Gabriel comes out of the relationship broken—sometimes wronged, sometimes broken, sometimes confused—but it has taught him.

“Every relationship he had had, taught him, not the relationship, the person itself. You name it and they all taught him in the past."

Ilan sa mga naging karelasyon ni Gab sa showbiz ay sina Nikki Gil, Rachelle Ann Go, at Coleen Garcia.

Sa pagpapatuloy ni Gary, "Like Nikki Gil, when they see each other in ASAP, it’s like they are friends and it’s true.”

Si Coleen Garcia, hindi pa yata sila okay ni Gab?

“I don’t know the status. He doesn’t talk much about Coleen.

"There’s nothing bad to say but even that, I know.

"Si Gabriel kasi, he’s like a matchstick. If you trigger something, if maubos na yung head ng matchstick, he became controllable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He listens, he absorbs the messages.”



KIANA. Ang tatlong anak nila ay mga artists din.

Saad ni Mr. Pure Energy, “No, they're all enjoying music and that was it."

Kung siya ang masusunod, ang pagiging artist din ba ang gusto niyang tahakin ng mga anak?

“Not necessarily, I’m not forcing Kiana.

"What do you wanna do?" [sabi niya], 'I don’t know, I like music, I like fashion design.'

"So do both. Style yourself, and I’m seriously talking to her.

"She likes the music, she doesn’t like the lifestyle of being entertainer, being celebrity.

"She likes going to the mall na walang nakakakilala sa kanya or kung meron man, hindi siya pinagkakaguluhan, she likes that.

“Sabi niya sa akin, 'I’d rather be known na online.

"'If I’ll go to a place, like right now, si Gabriel, dahil lang sa super selfies niya, kapag nalalakad sila sa amusement park sa States, nakikilala, and Gabriel is okay with that.'

“Kiana kasi, she’d rather enjoy with her friends, she can be herself, not to worry about people might say.”

May boyfriend na raw ang anak niya hindi taga-showbiz. Mahigit two years na raw ang relasyon nila.

Naging strict father ba siya kay Kiana?

“In the beginning, it was tough. But then, the boys in the house, all the time and sometimes, I’ll say, 'O, Kianna, I’m leaving na, is he coming?'

"We have dinner together because the house is a three-storey house so when she’s alone, she’s really alone.

"When he comes, he’s watching TV and he’s a really good young man. He earns my trust and he earns the trust of the two boys.”

Wala pa bang planong pakasal?

“Ay, I told her, 'You know what, you can get married anytime, after 20 years,” natatawang biro niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s only 21 and if they last even for the next five years, they still need a lot of growing-up.

"But he’s a nice young man and if you get to know him, you’ll see why.

"And he loves Kiana talaga.”

GOING BACK TO MOVIES. Kung meron mang gustong gawin si Gary V ngayon, ito ay ang bumalik sa pelikula.

Aniya, “I wanna do more for the movies. I don’t know if you’ve ever noticed na kapag nanonood tayo ng local films, visually, ang ganda ng quality ng films natin.

"But why it is, mas maganda ang sound ng trailer ng mga international films?”

Mas gusto ba niyang nasa behind-the-scenes siya kesa sa mismong pelikula?

“I can act also.”

Lahad pa niya, “I am writing a story nga, but I’m writing, finishing pa.

"I already told it to some people and they we’re like, 'Please, tapusin mo na ang story, ang ganda-ganda.'

"I started it seven years ago, but I stopped.”

Ipo-produce niya ba ito?

“I want to or I’m giving it to ABS-CBN. But I’m presenting it as a radio program because when they hear it and they see it, masasalo nila kung paano ko gustong makita ng tao ‘to.

"Kasi it’s not an ordinary story. It’s a story that the people want to hear or been looking for.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN