Richard Gutierrez talks about dream wedding to Sarah Lahbati

IMAGE Noel Orsal

Richard Gutierrez and Sarah Lahbati at the first birthday party/ dedication of their baby, Zion, last June 15.


Nagpaplano na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati para sa kanilang kasal.

Binanggit nila ito sa isang exclusive video interview ng Smart Parenting magazine.

“Somewhere in Europe,” saad ni Sarah, pero halatang tikom pa ang kanilang bibig sa ibang detalye.

Sinegundahan naman ito ni Richard, “My dream wedding is whatever her dream wedding is.”

Kamakailan ay inamin ni Richard sa kanilang TV show na It Takes Gutz to be a Gutierrez na nang umalis ng bansa si Sarah noong Enero 2013 ay nagdadalantao ito.

Iniwan ni Sarah, na 19 years old lamang noon, ang kanyang very promising career upang ipanganak sa Geneva, Switzerland ang kanilang anak na si Zion, na ngayon ay isang taong gulang na.

Sa nasabing video interview, inihayag din ng dalawa ang kanilang mga natututunan bilang first-time parents.

“The thing I was scared to do was breastfeed my son.

"But once I did it, it was just a beautiful thing,” ani Sarah.

Sabi naman ni Richard, “I didn’t even know I could carry a baby, but when I first saw Zion, it was just automatic the way I carried him…it was just pure joy.”

Sina Richard, Sarah, at baby Zion ang nasa cover ng July issue ng Smart Parenting magazine.

Panoorin ang kabuuan ng video interview sa LINK na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN