Alice Dixson auctions signed copies of FHM cover for Glenda typhoon victims

IMAGE Noel Orsal (main)

One simple way to join the auction of Alice Dixson and help the Glenda victims: bid out any amount in her social media accounts. The highest bidders will have an exclusive autograph-signing and photo op with the actress on July 25.


Dahil sa magkakasunod na blessings na dumating sa na-revive na showbiz career ni Alice Dixson, nakapag-isip siya ng paraan para matulungan ang mga naging biktima ng Typhoon Glenda, na sumalanta sa ilang probinsya ng Pilipinas noong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@alicedixson), sinimulan ng aktres ang isang auction para sa 12 copies ng FHM December 2013 issue, kung saan siya ang cover girl.

Isa raw sa bestsellers ng FHM noong nakaraang taon ang cover na ito ni Alice.

Para sa 12 highest bidders, magkakaroon ng exclusive autograph-signing at photo-op session si Alice sa July 25.

Matatapos ang bidding bukas, July 23, at 2 p.m.

Ang charity event na ito ni Alice ay kabahagi ng kanyang nalalapit na 45th birthday sa July 28.

PRODUCTIVE 2013 AND 2014. Paraan rin daw ito ng aktres na maibahagi ang maraming blessings na dumating sa kanyang career last year at sa taong ito.

Naging very active si Alice sa telebisyon—partikular sa TV5 shows na Never Say Goodbye, kasama sina Nora Aunor at Cesar Montano, at For Love Or Money, kasama sina Derek Ramsay at Ritz Azul.

Sa pelikula , nakasama si Alice sa box-office hit sex-drama na When The Love Is Gone with Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Cristine Reyes.

This year, ginawa ni Alice ang dalawang TV-movie for TV5: The Lady Next Door with Mark Neumann at More Than Words with Sarah Lahbati. Kabilang din siya sa sitcom na Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid.

Dagdag pa rito, napasali rin si Alice sa Top 10 Sexiest Women ng FHM Philippines.

Pinag-usapan nga sa social media ang agaw-eksenang wardrobe malfunction niya nuong July 9 victory party na isinagawa ng FHM para sa sexiest women.

THE BIDDING. As of Sunday, July 20, marami na ang nag-bid sa social media accounts ni Alice sa Twitter, Instagram, at Facebook.

May isang male bidder nga raw na nag-bid ng halagang 20,000 pesos para sa isang signed FHM copy at photo with Alice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga babae na sumali rin, at isa sa kanila ay nag-bid ng 3,000 pesos.

Natuwa naman ang aktres nang makatanggap siya ng donation pledge na 150 pesos mula sa isang follower niya sa social media.

Lahat ng malilikom na halaga ay mapupunta diretso sa mga biktima ng typhoon Glenda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN