Susan Roces still sentimental over her old home studio and Sampaguita family

IMAGE Mark Atienza

The family atmosphere that the Vera-Perezes cultivated at Sampaguita Pictures remains etched in the memory of Susan Roces.


Binuksan na sa publiko noong July 25 ang makasaysayang Vera-Perez compound kung saan nakatayo ang dating sikat na film studio, ang Sampaguita Pictures.

Ginawa na itong Sampaguita Garden, isang events place para sa mga wedding receptions, corporate, birthday, at debut parties.

Ang Sampaguita Pictures ang naging daan sa kasikatan ng mga institusyon sa pelikulang Pilipino tulad ng mga yumaong sina Carmen Rosales at Rogelio de la Rosa, ang mag-asawang Tita Duran at Pancho Magalona, ang namatay na ring sikat na dating child star na si Tessie Agana, pati si Paraluman.

Maging ang pumanaw na ring mag-asawa na sina Rita Gomez at Ric Rodrigo ay naging bahagi rin ng Sampaguita Pictures.

At sino ang makakalimot sa tatlong dyosa ng Sampaguita, sina Gloria Romero, Amalia Fuentes at Susan Roces.

O ang phenomenal love team na "Guy and Pip" noong dekada sitenta nina Nora Aunor at Tirso Cruz III?

Nagsara ito matapos maipalabas ang matagumpay na pelikulang Batch '81 ni dinirek ng batikang director na si Mike de Leon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Unang Hirit segment host na si Lhar Santiago si Susan Roces, na isa sa mga panauhing pandangal sa grand opening ng Sampaguita Events Place, naging sentimental ito habang binalikang-tanaw niya ang masasayang nakaraan nila sa Vera-Perez compound at Sampaguita Pictures.

Bungad ni Ms. Susan, "A, oo, halos dito na kami lumaki [sa ancestral house ng pamilyang Vera-Perez].

"When I joined Sampaguita [Pictures], I was only 14 going to 15.

"Dito sa living room na ito, dito ko unang na-meet si Dr. Perez na inalok ako para maging artista.

"Punum-puno ng alaala ang lahat ng lugar dito sa Vera-Perez residence, alaala ng teenage days ko.

"Dito ako pumirma ng kontrata."

Si Dr. Jose R. Perez ang namahala ng Sampaguita Picture noong '60s at siyang naging responsable sa pagsikat ng mga beterano't beteranang arista tulad nina Gloria Romero, Susan Roces, ang yumaong King of Comedy na si Dolphy, Amalia Fuentes, Ramon Revilla, maging sina Vilma Santos at Nora Aunor, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Susan, "Dito sa mismong receiving area, maraming eksenang kinunan dito

"Ngayong binuksan na nga ito sa publiko, siyempre, nagbabalik-alaala kami, kami ng kapwa artista ko.

"Masaya ako na binuhay nilang muli.

"Binuksan nila para mai-share ang kagandahan ng bahay na ito at yung bagong patayo nilang events place at yung hardin.

"Kailangan naman talaga nila lalo na sa area na ito na walang masyadong mapapagdausan ng events na katulad niyan.

"So aside from the house, yung upstairs area, dun magbibihis ang bride, maaaring mag-overnight siya dun to prepare for her wedding.

"Baba siya diyan sa stairs na 'yan, pupunta siya rito or sa hardin na 'yan na pagdadausan ng kanilang reception."

Ang garden na tinutukoy ni Susan ay naging venue noon sa maraming showbiz parties na hindi na nagamit mula nang magsara ang film studio.

Pagbabalik-tanaw ng asawa ng yumaong Fernando Poe Jr., "Yes, showbiz parties, may mga presentation na ginawa dun, dun sa hagdanan na yun. Bumaba rin ako dressed as a bride.

"Nagkaroon din kami ng fashion shows dun at dun din idinaos ang debut party ni Marichu [Vera-Perez Maceda, anak ni Dr. Perez] at ang kanyang wedding reception [nung ikinasal siya sa dating senador na si Ernie Maceda].

"Ngayon, hindi na lang alaala ito kundi mai-experience din nila ang mga naging karanasan namin noon."

Kaya naman, patuloy pa rin ang pagsuporta at pagbibigay-pugay niya sa pamilya Vera-Perez hanggang sa ngayon.

Ayon sa kanya, "Lahat kami dito na lumaki.

"I owe it to the Vera-Perezes, especially to Dr. Perez, kay Mrs. [Azucena] Perez, kung sino ako ngayon, kung ano ang kinalalagyan ko at narating ko.

"Malaking bagay, actually, I owe them a lot, the name 'Susan Roces,' sila ang nagbigay sa akin.

"They groomed me to be a star.

"I was a contract star of Sampaguita Pictures for eight years so it was a learning experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''At inaari ko ang kayamanan ko, hindi lamang materially, kundi ang pagkatao ko, bukod sa aking mga magulang at siyempre, una ang Panginoong Diyos, next ang pamilya nila."

Dugtong pa ng ina ni Senator Grace Poe, "Itunuro nila sa akin, especially now that I'm in my senior years, I appreciate when I look and think back, kung ano ang mga pangaral nila sa akin.

"Kung ano, kung paano mo haharapin ang ups and downs ng buhay.

"Yung happy moments, yung tragic moments.

"Nakita ko hindi lamang sa pananalita ng mga magulang ko at nila Dr. at Mrs. Perez, kundi pati sa gawa... how they cope with the challenges, appreciated the happy days, and how they cope with the sad days."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN