Gardo Versoza a softy as a daddy

IMAGE Noel Orsal

Didi you know that Gardo Versoza swap stories about parenting with Dading lead star Gabby Eigenmann (not in photo)? "Hats off ako sa kanya. Ina-idolize ko siya sa pagbabalanse niya ng work at family," Gardo says about Gabby.


Sa mahigit dalawang buwan nang pagtatrabaho ni Gardo Versoza sa Dading, naging mas malapit na sila ng "mareshki" (gay term for "kumare") niyang si Gabby Eigenmann.

Si Gabby ang bida at best friend ni Lexi, na gay character ni Gardo sa serye.

"Gustung-gusto ko siyang katrabaho," sambit ni Gardo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 18, sa Barangay Sacred Heart, Scout Gandia, Quezon City.

First time nagkasama ng dalawa sa isang project.

Obserbasyon pa ni Gardo sa male lead ng Dading, "Hindi ko alam before na ganun siya ka-seryoso bilang actor.

"Hinihimay niya nang husto ang gagawin niya, sa bawat eksena.

"And then, on- and off-cam, siya yung Dading na Dading talaga.

"Off-cam, as a family man, hats off ako sa kanya.

"Ina-idolize ko siya sa pagbabalanse niya ng work at family."

Public knowledge na may apat nang malalaking anak si Gabby at ang kanyang misis na si Apple.

Si Gardo naman at ang kanyang partner/ manager na si Ivy Vicencio ay may 10-month-old baby boy na nagngangalang Deity Uziel.

Pahayag pa ni Gardo tungkol kay Gabby, "Ang dami kong napupulot sa kanya.

"Like, ang isa sa mga nai-share niya, kung may spare time ka, you spend it always with your family.

"E, sa akin, everything about having a kid, first time ko lang na-e-experience."

At ang guy talk nila usually ay tungkol daw sa pagpapamilya.

Patuloy na kuwento ni Gardo, "Nakakatuwa kasi yung sharing namin, both sa work and off-cam, sa family, like sa handling ng partner.

“Come to think of it, parang baligtad, ako ang mas maraming pointers na nakukuha sa kanya.

"Kaya nakakatuwa at nakakabilib.”

PARENTING. Nakagawian ni Gardo na magbasa ng tungkol sa pagpapalaki sa anak sa tuwing may libreng oras sa taping.

Perfect Parenting by Elizabeth Pantley ang recommended book niya.

Ani Gardo, "Nai-share din ni Gabby sa akin yung ilang pointers dito, like, if you have time, itama mo yung reasoning mo, na ayaw mong i-share yung konti, dahil gusto mo siyang ipunin...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunwari, gusto mong ipunin for a month's time yung bulk ng quality time for the kid, maling treatment naman yun.

"Dapat, every now and then, kahit sandaling oras lang ‘yan o matagal, kumbaga, okay lang na i-share yun.

"You see to it na every now and then, basta may chance, may opportunity, makapag-bonding kayo, kahit maigsi lang.

"Malaking bagay yun sa development ng bata, sa foundation niya," wika ni Gardo.



KUMARENG NORA AUNOR. Samantala, nabanggit din ni Gardo na balak nila ni Ivy na idaos ang binyag ng kanilang baby boy sa mismong first birthday nito.

"Si Ivy ang nakikipag-meeting [sa events organizer]. Siya ang mayroong details and all.

"Definitely, sa October [28] yun,” ani Gardo.

May napili na daw nilang magiging ninong at ninang ni Uziel, "Sa mga artistang lalaki, sina Gabby [Eigenmann] at direk Ricky [Davao, of Dading], si Tonton [Gutierrez], Ariel Rivera, direk Joel Lamangan, may na-miss pa ba ako?

"Sa babae, si Ate Guy.”

Ang pagkakaibigan ng dalawa ay nagsimula sa teleseryeng Bituin sa ABS-CBN noong 2003.

Nagkasama ulit sila last year sa Never Say Goodbye ng TV5.

Sa taong ito, nag-cameo si Gardo sa Cinemalaya X entry nina Nora at Direk Joel, ang Hustisya.

Dumalaw na minsan ang mag-inang Ivy at baby Uziel sa set nina Gardo at Nora upang pormal na ipaalam ang imbitasyon na gawing ninang ang Superstar.

"Naku, akala ko tapos na ang binyag, hindi niyo lang sinasabi!" wika raw ni Ate Guy kina Gardo at Ivy.

Tuwang-tuwa ang Superstar sa kanyang magiging inaanak na si Uziel.

"Ang ganda ng kumbinasyon ninyo ni Mareng Ivy!" wika rin daw nito sa kanyang kumpareng Gardo.

Meanwhile, nagpahabol ng mensahe si Gardo: "Unang-una, congratulations sa Best Actress award sa Cinemalaya, para sa Hustisya,

"Then, yung tatanggapin din niyang Gawad Plaridel sa UP [University of the Philippines]."

Nakatakda ang parangal sa August 27, sa UP Film Institute Cine Adarna, ganap na alas dos ng hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod ito sa naunang parangal Akademiko—ang Alagad ng Sining ng Mamamayan mula sa Quezon City Public School Teachers Association (QCTA) at Alliance of Concerned Teachers (ACT)— na iginawad kay Nora noong August 19, sa Ramon Magsaysay High School.

Dagdag na pahayag ni Gardo, "Kaya sa akin, wala nang rason para hindi igawad sa kanya ang National Artist Award.

“O kung hindi pa rin, meron pa akong shirt slogan: “Politicians are just like diapers; they should be changed frequently.”

OTHER SPONSORS. Bukod kay Ate Guy, kasama rin sina Sherilyn Reyes, Joyce Ching, Yayo Aguila, Glydel Mercado, Cherie Gil, LJ Reyes, at Rita Avila.

Hindi pa raw final ang listahan dahil baka may na-miss siya at magtampo.

Pero sure ang aktor, "Ang consideration namin, hindi para lang maging star-studded kumbaga ang line-up, but yung being responsible as persons.

"Kasi ang ninong/ninang, ‘di ba, kumbaga, sila yung tatayong second parent ng bata?"

Excited ba si Gardo sa nalalapit na malaking event para kay baby Uziel?

"Oo, kaya lang, siyempre, kumbaga sa exam, hindi na ito yung simpleng quizzes, palaging major na.

"As much as possible, gusto namin malapit yung venue ng reception at ang church," sabi rin ni Gardo, "although wala pang final details."

Lalong na-e-excite ito na mas makita ang paglaki ng kanyang baby boy.

Last Sunday,August 17, isinama ra nila ni Ivy ang bata sa Hospicio de San Jose kung saan idinaos ni Ed Instrella, Gardo's former manager, ang paggunita sa ika-89 kaarawan ng yumao nitong ina na si Mrs. Lydia Laurel.

Tuwang-tuwa raw si Uziel sa nakitang maraming bata sa orphanage, at nakipaglaro na rin ito sa ilan.

"‘Tapos, gaya nang nakagawian, magba-bonding ang pamilya sa paborito nilang mall hanggang hapon.

"Except that mas maaga silang naghandang umuwi, para sa kinabukasang trabaho.

"Ayaw pa ngang umuwi," natatawang wika ni Gardo. "Kasi nasanay siya na pag lalabas, madilim na, madami nang ilaw sa paligid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nung isasakay na namin siya, parang feeling siguro niya, 'Ha? Are we going home na? Don't wanna go home yet!'" masayang pagtatapos ng panayam namin sa actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN