Glydel Mercado does not want husband Tonton Gutierrez to enter politics

IMAGE William Reyes

Sampung taon nang kasal nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez pero magkasama na sila nang 16 na taon. Ani Glydel, masaya ang kanilang pagsasama ni Tonton at hindi nag-aaway dahil mabait ang asawa. (Photo) Glydel (2nd from left) and radio anchor Joey Austria (in red t-shirt) with PMPC's Fernan de Guzman (far left) and entertainment writer Mildred Bacud.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang award-winning actress na si Glydel Mercado noong Linggo, October 12, while on a break sa paglalaro niya ng badminton, bilang isa sa mga dumalong artista sa 1st Invitational Celebrity Badminton Tournament, ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Ginanap ang tournament sa Power Play sa Apo St., cor. Quezon Avenue, Quezon City.

Mahusay maglaro ng badminton si Glydel, pati raw ang asawa niyang aktor na si Tonton Gutierrez. Pero bukod sa badminton, Tonton is also into golf, kaya hindi ito nakasama sa kanya nang hapong yon.

Nagwagi rin si Glydel sa dalawang badminton events: Ladies' Double Level A Runner-Up, ka-team ang dating Pangulo ng PMPC na si Melba Llanera; at Mixed Double Level A Champion, with teammate, radio co-anchor, Joey Austria.

Kaya masayang-masaya si Glydel that afternoon. Sila nga raw ni Tonton, sports din ang pastime.

'"Pag wala kaming trabaho, laro lang o out-of-town," sabi ni Glydel.

Earlier, nabanggit ng aktres ang kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan. Bahagi siya ngayon ng afternoon drama series ng GMA, Ang Lihim Ni Annasandra.

"Ako ang mommy ni Annasandra... si Andrea Torres (ang female lead)," banggit ni Glydel.

"Ano ako sa kanya, protective, kasi meron siyang lihim na iniingatan namin."

Sa pilot week ng serye ay nalaman na ng manonood ang lihim na iyon ng bidang character.

"Nagiging baboy-damo siya, tuwing gabi. Isinumpa kasi siya ni Rochelle [Pangilinan], pero may kuwento naman sa likod nu'n... kung bakit nagkaroon ng sumpa."

Kasama din sa serye sina Mikael Daez at Cris Villonco, bilang kontrabida.

"First week pa lang yung naipapalabas, pero 6 weeks na kaming may pondo.

"I think, hanggang next year na ito," masayang sambit din ni Glydel.

Sa huli niyang tinampukang serye sa Kapuso network, ang Rhodora X, mother naman siya ni Jennylyn Mercado.

Although sa totoong buhay ay mas bata ang panganay niyang anak, Glydel doesn't mind playing successive mother roles to grown-up female adults, like Jennylyn and Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba naman kasi ang problema (sa Rhodora X)... ang problema namin noon is yung attitude niya (Jennylyn's character)."

HAPPILY MARRIED. Pansamantalang nahinto ang pakikipag-usap namin kay Glydel nang sagutin niya ang tawag sa kanyang cell phone.

Nasa kabilang linya raw ang kanyang eldest daughter, named Aneeza Julia, 10 years old.

Nagsusumbong daw ito, may away-magkapatid sila ng bunso niya, na magtatatlong taong gulang pa lang, named Aneeka Marie.

Na-pacify naman agad ni Glydel ang dalawang bata, na nasa pangangalaga ng kanyang mommy at yaya, dahil sa commitment niya nang hapong yon.

Nagkuwento na tuloy si Glydel tungkol sa mga bata: Ang panganay nila ni Tonton, grade 5 na raw, sa Miriam College. Malapit lang ang school nito sa place nila, sa Commonwealth Ave., in Quezon City.

Ilang taon nang kasal sina Glydel (Flordeliza Sanchez in real life) at Tonton (Eduardo Antonio Gutierrez).

"10 years na. Pero, mga 16 years na kaming together," lahad ni Glydel.

They tied the knot on March 15, 2004, sa Sanctuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City.

"2004 kami ikinasal. At the same time, buntis na ako no'n (sa panganay namin)," nakangiting sambit pa ni Glydel.

Bilang misis ni Tonton, Glydel has very good words for her husband.

"16 years na kami together, ang tagal na, di ba? Parang kailan lang.

"Mabait naman siya (Tonton)... tumino naman..." wika pa ni Glydel, kasunod ang malakas na tawa, na hindi narinig ng mga nasa paligid namin dahil sa sobrang lakas ng ulan that time.

Patuloy pa ng aktres, "Tumino na... kasi di ba, dati yung teenage days niya, mga bagets days, parang playboy type (si Tonton)."

Taong 1997 nang una raw silang magkakilala ni Tonton.

"Sa (taping set ng) Del Tierro, yung soap opera ng TAPE, Inc. sa Siyete, du'n kami laging nagkakasama

"1998, naging kami na, eh," tandang-tanda ni Glydel.

TURNING POINT. Nang gawin ni Glydel ang Sidhi, an erotic period drama starring Superstar Nora Aunor and directed by Joel Lamangan, wala namang nabanggit na problema ang aktres sa mga unang buwan ng pagiging magkasintahan nila ni Tonton.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit napaka-daring ng papel na naiatang sa aktres, bilang pangalawang asawa ni Albert Martinez.

"Kami na no'n (ni Tonton), pero mga isang taon pa lang kami noon. 1999 (first quarter) ipinalabas yung Sidhi."

Sa pelikulang iyon naka-grand slam best supporting actress si Glydel Mercado.

"Diyos ko, ang tagal na no'n!" natawa uli si Glydel.

"Yeah, oo... medyo sensitive (ang role), pero pumayag naman ako noon, kasi si Direk Joel (Lamangan) naman, e.

"Yun ang pinaka... sexiest ko yun. First time ako nag-frontal (nudity), tapos, yun ang pinaka-last din.

"First and last ko yun. Kami nina Albert no'n... si Ate Guy, yeah, mabait siya at masarap katrabaho.

"Natutuwa ako at nakabalik na rin siya, kasi napakagaling niya," wika pa ni Glydel about Nora.

"Napakasuwerte ko, dahil nakasama ko siya.

At nanalo siya ng acting awards! "Hindi ko akalain talaga yon... yung mga pangyayari, hindi ko akalain!"

Kaya ba hindi na siya masyadong gumagawa ng pelikula, dahil fulfilled na siya bilang movie actress?

"Hindi naman," salungat ni Glydel. "Nagkataon kasi, yung tapings namin, M-W-F, so pag magsu-shooting ka pa, parang hindi na kaya.

"'At saka, may mga anak na ako, di ba, kailangan naman may spare time for the kids?

"Sana, tuluy-tuloy lang yung work. Kasi under contract ako ng GMA ngayon. Guaranteed contract, kaya maganda.

"Regular naman (ang income), thank God!" pagpapasalamat ni Glydel.

NO TO ANOTHER BABY. Madalas natatanong daw si Glydel kung paano nila naha-handle ni Tonton ang pagiging happily married couple, sa kabila ng pareho nilang kaabalahan sa kanilang career.

"Simple lang kami... normal lang kami na mag-asawa, walang pinag-aawayan," sagot ni Glydel.

Pag-ulit pa niya, "Mabait si Tonton. Hindi naman ako tatagal kundi siya mabait. Diyos ko..."

At pag sinabing suwerte si Glydel sa asawa, "Suwerte din niya!" birong-totoo nga niya.

"Nagku-complement naman kami, kasi sanay na rin kami sa trabaho namin, ever since naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano pumapasok ang mga bata?

"May service sila, kasi di na namin kakayanin.

"Kasi, minsan, ang call time din namin, umaga. E, siyempre, kailangan (mag-prepare din); may service naman yung mga anak namin."

Seven years ang pagitan nina Aneeza, 10, at Aneeka (turning three years old this November).

Any plans to have another baby, a boy, perhaps?

"Ayoko na!" mariing tanggi ni Glydel. "Gusto niya (Tonton), pero sabi ko, 'Ikaw manganak!'

"Ayoko na talaga. Babae pareho (ang anak namin), yun nga ang sabi niya, pero ayoko na talaga.

"Ayoko, ang hirap!" tanggi pa rin ni Glydel.

Wala naman daw siyang problema sa pagbubuntis, "Oo, puwede pa, pero ayoko na!" at natawa uli ang aktres.

“Ayoko nang mag-ano ulit, sa mga gano'ng process na naman, yung tutusukin ka... tataba ka ulit.

"Ang gap nila is 7 years, pero walang plano yun. Bigla lang."

CELEBRITY PARENTS. Na-enjoy naman daw nila ni Tonton ang una nilang baby, hanggang sa masundan ito.

"Yun nga lang, tulad ngayon, nag-aaway sila, kasi yung gap nila, malayo.

"Big sister naman si Aneeza, e, kaso, siyempre, matagal siyang alone sa amin.

"Feeling niya, parang, alam mo na... nagseselos, bata, e. 10 years old."

Pero mahiyain daw si Aneeza, kaya hindi nakikita ni Glydel na posible itong mag-artista.

"Yung bunso ko," si Aneeka, sabi ni Glydel, "nag-guest siya sa Bet On Your Baby, 'yung kay Juday (Judy Ann Santos)?

"Pero hindi pa ipinapalabas (ang taped episode). Baka next week ipapalabas.

"Bale ang naglaro, since taga-GMA ako, si Mamita (Liza Lorena), mommy ni Tonton, 'tsaka si Ton. Lola and daddy."

Bago napangasawa si Glydel, celebrity parent din ang actress-mom ni Tonton na si Liza Lorena.

"Ay, sobra!" bulalas ni Glydel tungkol sa pagiging mabait ng kanyang mother-in-law.

"Mas ano ko yun... kakuntsaba ko yon, si Mamita (Liza).

"Halimbawa, inuman, sasabihin ni Ton, 'O, tama na yan...'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Palihim naman daw siyang bubulungan ng biyenan, "'O, nakatalikod naman (si Ton), Baby (tawag ni Liza kay Glydel), inom ka pa!' Parang gano'n... parang barkada kami.

"Cool, napaka-cool niya! Very approachable, hindi ka maiilang," pag-describe din ni Glydel kay Liza.

NO TO POLITICS. Kumusta naman ang sitwasyon ng career ni Tonton ngayon?

"Sa ABS siya ngayon, pero hindi siya contract. Katatapos lang niya ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, natapos nung Friday (October 10).

"Hindi ko alam kung sa ABS pa rin siya, o magdyi-GMA siya."

Payag ba si Glydel na pasukin din ni Tonton ang pulitika, kung sakali, sa 2016?

"Alam mo, dati pa, may kumukuha sa kanya. Pero ayoko.

"Nagpapaalam sila sa akin. Ayoko talaga.

"Kasi, sa Pampanga siya, e. So, kinukuha siya sa Pampanga. Ayoko talaga.

"Hindi ko alam kung ano'ng (posisyon), pero ayoko, ayoko talaga.

"Sabi ko, 'Sige, kung gusto niya (Tonton), pero hindi ko siya susuportahan," natawa uli si Glydel.

"Ayoko!" diin pa niya.

Ang paniniwala pa ng actress-wife ni Tonton, "Puwede ka namang tumulong kahit wala ka sa pulitika.

"At saka, maganda yung tahimik ang buhay, di ba? May mga kaibigan naman.

"Basta, ayoko!" mariing sambit uli ni Glydel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN