Mel Tiangco reports GMA Kapuso Foundation turned over 120 concrete houses to Yolanda survivors on the anniversary of the disaster

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Mel Tiangco, bukod sa mga pabahay ng GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na sinalanta ng Yolanda, inaasikaso rin ng foundation ang pagpapagawa ng mga paaralan dito.


Masayang ibinalita ng 24 Oras anchor na si Mel Tiangco na sa unang anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon Yolanda ay nakapamahagi na ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ng 120 konkretong mga bahay sa Kapuso Village sa Tacloban City.

Ang GMAKF sa pamamahala rin ni Mel Tiangco ang unang non-government organization na nakapagbigay ng mga bahay sa mga survivors ng Yolanda sa Tacloban.

May nauna ng 52 concrete houses ang naipamigay ng GMAKF simula Hulyo ng taong kasalukuyan.

Sa Disyembre, may 231 pang kabahayan ang nakatakdang ipapamahagi ng foundation sa mga survivors ng Yolanda.

Dahil dito, inilunsad ng GMA ang Share the Love Christmas campaign na naglalayong ipahatid sa viewers na ang pagbangon mula sa delubyo ay isang collaborative effort mula sa mga taong may busilak ang puso.

Sa video plug ng naturang Christmas campaign, ipinakita si Mel Tiangco na sinamahan ng mga Kapuso stars na namahagi ng kanilang maagang pamaskong handog sa Kapuso Village sa Tacloban.

Sa pamamagitan ng Share the Love, mahigit sa 100 Kapuso celebrities at News and Public Affairs personalities ang nagbahgi ng kanilang blessings sa pamamagitan ng pagdu-donate ng mga laruan, pagkain, pag-sponsor ng medical treatments and medicines para sa mga beneficiaries ng GMAKF.

BENEFICIARIES. Sa pocket presscon para kay Mel noong Biyernes, November 21, sa 17th Floor ng GMA Network Building, naitanong sa beteranang news anchor kung paano nila natutukoy ang mga karapat-dapat na maging benipesyaryo ng mga naturang concrete houses.

Kuwento ni Mel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media, “We formed a committee composed of five offices that includes the Office of the Mayor, Department of Social Welfare and Development, National Housing Authority, Office of the Barangay, and the GMAKF. Lima. Para wala kaming sisihan, walang politics.”

May kontrata daw silang ibinibigay at isa sa mga nakatala dito ay bawal ibenta ng recipients ang naturang mga bahay sa loob ng sampung taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki-laki na din daw ang mga bahay na ipinamigay nila. Kuwento pa ni Mel, “The lot area is 50 sqm, the floor area is 42sqm.”

Masaya din si Mel dahil may mga nag-donate ng appliances sa foundation kaya naman halos may mga gamit na sa loob ng mga bahay.

Bukod daw sa mga housing projects na ito, nakatakda ding gawin ng GMAKF ang 24 bagong classrooms sa loob KapusoVillage.

Nakatakda ding itayo ang Kapuso Village sa Palo, Leyte, na may 169 bahay at 10 classrooms.

Bukod sa mga pabahay at pagtatayo ng mga classrooms, nakatakda na ding simulan ng foundation ang taunan nilang Give A Gift for Christmas para sa mga bata sa buong Pilipinas.

Bilang executive vice president at chief operating officer ng foundation, paano kaya niya binabalanse ang mga hiling na tulong at saklolo sa kanilang opisina?

Ani Mel, “You just need to prioritize your time. When you say you prioritize, ano ba yung importante at that particular time? Yun ang asikasuhin mo.”

Marami pang ibang tinutulungan ang foundation bukod sa mga lugar na dinaluyong ng Yolanda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN