Carmina Villarroel on what motivated her to learn how to cook: "Iba pa rin yung lumaki tayo sa lutong nanay, lutong bahay."

IMAGE Noel Orsal

Smiling, Carmina Villarroel described what she felt after learning how to cook tinola: “Feeling ko, nanalo ako ng award."


Cooking ang isa sa mga dating weaknesses ni Carmina Villarroel.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa host/actress sa The Blue Leaf Events Pavilion, Campus Avenue, Taguig, kung saan ipinakilala siya bilang bagong ambassador ng Knorr at campaign na Lutong Nanay, panimula niya, “Hindi talaga ko nagluluto dati, as in!

“Unang-una, na-inspire ako sa mga batang nagluluto. Hindi ba, may ganun, yung Master Chef for kids, ang gagaling, ‘di ba?

"Nasabi ko na kung itong mga batang ito, kayang magluto e bakit ako, hindi ko kaya?

“Kasi, nauunahan ako ng takot.

“Siguro kasi, wala akong knowledge sa kitchen. Hindi ako marunong mag-on ng stove. Wala akong alam. Feeling ko, sasabog siya. Yung ganyan.”

Nasa siyam na taon na raw ang kambal niyang anak nang magsimula siyang magluto.

Patuloy na kuwento ni Mina (palayaw ng Kapamilya star), “Malaki na talaga sila. Siguro in-accept ko na sa sarili ko na hindi ako nagluluto, e.

"Parang feeling ko, hindi ako ganun. Mas working mom ako, yung ganyan."

MOTIVATION. Ang unang-una raw niyang ginawa ay tanggalin ang kanyang takot.

“...after a while, doon ko na-realize na there’s something missing.

"As a mom and as a wife, parang may kulang, e. Mahilig din naman ako na kapag may nagluluto, nakikinood ako.

“Ibig sabihin, meron akong interest, e. May fear lang ako talaga. So yun nga, inencourage ko ang sarili ko na, 'Hindi, mag-aaral ako para mawala yung fear ko and then, I’ll see.'

"Maybe kung mag-aral ako at wala pa rin, maybe, it’s not for me.

“So noong nag-aral ako, very interesting siya. Ay, ganun lang pala, madali lang palang magluto.

"'Tapos noong nagluto na 'ko sa bahay, nakita mo naman na tuwang-tuwa ang mga anak ko. Very thankful sila. 'Mom, thank you for cooking for us.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST DISH. Tinola raw ang kauna-unahan niyang niluto para sa asawang si Zoren Legaspi at mga anak na sina Cassy and Mavy.

Natatawang sabi ni Mina, “Imagine mo, hindi pa ako nakapagluto ng sinigang sa buong buhay ko, to think na ganun-ganun lang naman yun.

“'Tapos noong nakapagluto na 'ko ng sinigang, ganun-ganun lang yun, boil-boil. Parang hindi mo naman kailangan ng sobrang skills.

"Pero noong nakapagluto na 'ko ng tinola, sinigang, sobra 'kong proud.

“Feeling ko, nanalo ako ng award. Parang, 'Oh my god, bakit hindi ako nagluto? I wasted how many years of my life?'

"So ngayon, iba ang reward na nakukuha."

Ano naman ang naging reaksiyon ni Zoren sa luto niya?

“Siyempre sobrang happy siya na, 'Finally, yes, nagluluto na ang asawa ko.'

"'Tapos yun, nagre-request na. 'Tapos ngayon, palagi siyang nasa Baguio kasi nagti-taping dun, noong nagluto ako ng giniling na chicken, sabi niya, 'Hon, I want to bring this to Baguio.' Sabi ko, 'okay.'”

Siya na ang cook sa bahay nila, hindi na si Zoren?

“Ako na ang cook. Busy na siya. Housewife na 'ko.”

FULFILLED. Aminado si Carmina na iba raw ang fulfillment sa isang ina kapag naipagluluto niya ang mga anak.

Aniya, “Kasi feeling mo, now, I feel complete kasi, nakakapagluto na 'ko. Hindi na 'ko nakakahiya.

"Hindi ko naman sinasabing para akong chef magluto. Pero ibig kong sabihin, makaka-survive ako at ang pamilya ko kahit na walang restaurant.

“Kahit na walang magluluto sa bahay, kaya ko silang mapakain. Mas less expensive. Iba pa rin yung lumaki tayo sa lutong Nanay, lutong bahay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN