Cesar Montano to celebrate Christmas with 84-year-old mom, and through series of parties with friends

IMAGE Noel Orsal

Cesar Montano leads a very active lifestyle these days, "I play basketball. I play golf a lot."


Looking good si Cesar Montano nang makaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Vegie Max, kung siya ang endorser ng Nature’s Health Enhancer at Nature’s Way Oil Extract, noong December 17, sa Holiday Inn Manila Galleria.

Kasama ni Cesar ang pamangkin niyang newscaster sa Channel 4 na si Isabela Montano, na endorser din ng nabanggit na herbal products.

Bago pa man ang interview ay nagpaabiso na ang organizers na bawal daw ang personal questions kay Cesar gaya ng tungkol sa lovelife o status nila ng ex-wife na si Sunshine Cruz.

Kaya ang unang naging tanong na lang namin ay kung paano isi-celebrate ang nalalapit na araw ng Pasko.

“Kasi ngayon, nahilig ako sa sports,” aniya. “ Ang dami kong ginagawa ngayon.

“I play basketball. I play golf a lot.

“Ngayon hindi ko alam kung saan ko ilalagay… ang daming tournament, e.

"At ang daming pa-Christmas party.

“Siguro I’ll celebrate my Christmas like...a series of Christmas parties of friends.

"Sa dami ng mga kaibigan ko mga companies and everything, do’n ko isi-celebrate ‘yong Christmas ko.

“And I’ll be celebrating it, of course, hindi ko rin makakalimutan with my family, especially with my mom.

“My mom is 84 years old na. Ang nanay ko kasi ngayon, nasa wheelchair siya, may edad na rin si Nanay at hindi na siya masyadong nakakalakad.”

HEALTH. First time mag-endorse ni Cesar ng herbal product na pang-tanggal naman ng sakit sa anumang parte ng katawan.

“Masyado akong maingat kasi kung hindi talaga bagay sa akin ang produkto o hindi ko talaga tini-take, hindi ko ii-endorso,” aniya.

“Every thing that I endorse, ginagamit ko talaga.”

Gaano katagal bago makita ‘yong magandang effect nito sa katawan at sa kalusugan?

“Depende ‘yan. Like for example, a person na mahilig magpuyat, mahilg uminom ng alak o mag-take ng maraming toxic na unaware siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So it would be difficult for that person na malaman kung ano ‘yong epekto nito.

“Siyempre pinahihirapan mo ang sarili mo, tinu-torture mo ang sarili mo na kung anu-ano ang gawin 'tapos biglang magti-take ka nito.

“Kahit na sinong nagti-take ng vitamins na gano’n ang ginagawa...You have to balance everything.

“You have to know the things that you do na mas makakabuti sa ‘yo before you take it. Gano’n ang ano…

“But sa experience ng iba, it’s very, very helpful. ‘Yong outcome, nakikita nang mabilisan.

“Pero for me, ako kasi wala akong masyadong tini-take na toxic, nalalaman ko kaagad ‘yong epekto.

“Kasi wala akong tini-take na ano… I watch what I eat, e. Mostly paggising ko, water e.

“Gano’n muna ako, e. And then I go to the restroom after that, e.

“Malinis ang sistema ko ngayon, e. And I thank God for that.

“Kaya eto, madali kong nalalaman, e. Meron akong barometer sa sarili ko na may meter sa sistema ko kung ano ‘yong nangyayari sa sistema ko.

“Halimbawa kakain ako, the same food na kinain ko yesterday, 'tapos magti-take ako nito at tatakbo ako.

“Titingnan ko kung ano ‘yong nangyari. Malakas pa rin ba ako o inaatok ba ako?

“’Yong performance ko, nagli-level up e when I take it.”

Is there any particular illness or health problem before na nawala nang magsimula niyang gamitin ito?

“Well, thank God wala pa naman akong anumang sakit sa katawan.

"Sa dami ng ginagawa ko ngayong sports, wala pa naman.

“Siguro gano’n talaga kapag 25 years old ka lang, 25 years old sa business!” natawang biro niya.

Sino sa mga kaibigan niyang artista ang sa tingin niya ay kailangang masubukan din ito?

“Gusto mo akong awayin ni Phillip Salvador?” pabirong tanong ni Cesar.

“O si Ricky Davao? Si Joel Torre?” tawa na naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat actually ng mga ka-contemporary ko. Siyempre puro mga 25 years old, 30 years old na, 'di ba? 30 years old in showbiz! Ha-ha-ha!

“At saka sa lahat ng mga mahilig magpamasahe, nandiyan ang oil extract. Kailangan nila ‘yan dahil mahusay ‘yan sa mga veins, sa mga ugat.

“Kasi ‘yong mga toxic galing sa mga kinakain natin na we are not aware of, iyon ang mga bumabara sa pipeline, kumbaga.

"At ang trabaho nito is to clean it up para maalis ‘yong mga iyon.

“And ‘yong oil nito, iyon ang nagpapatakbo nang mas maayos, na nanu-normalize ‘yong blood pipe natin.

“Kasi kung saan-saan din tayo kumakain, e. In my case, siyempre kapag nasa labas na ako ng bahay, hindi talaga maiiwasan na napapakain ka sa mga restaurant.

“And the food that you eat in the restaurant, hindi naman nababantayan ‘yan ng tagaluto unlike no’ng sa bahay. Like nakikita mo kung maraming maglagay ng vetsin, ng asin o ng toyo.

“Ako, I don’t do that in the house. Kahit nga kanin ko. Sa palayok ako nagluluto, e.

“Back to basic ako na nilalagyan ko ng dahon ng saging ‘yan. Brown rice ako.

“Gano’n ako e,” sabi ni Cesar.

PROJECTS. Hindi lang gaanong visible si Cesar sa mga showbiz functions at event. Pero marami raw siyang pinagkakaabalahan ngayon bukod sa mga sports na nakakahiligan niyang gawin.

“I’m doing several films. Natapos ko na ‘yong Kid Kulafu: The Story Of Manny Pacquiao, directed by Paul Soriano. Tungkol ito sa buhay niya before he entered boxing.

“At ngayon, sinisimulan ko ‘yong Pangayaw from the book of the same title written by Dio Alfred.

“More than a year ago, lumapit sa akin ang The 700 Club and they introduced me a book. Sabi nila, baka magustuhan mo ‘yan and make a movie out of it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Binasa ko ‘yong book, and it’s very interesting, napakaganda. Kaya ginawan ko ng screenplay.

“And now I’m starting to do the film. And siguro aabot siya by next year.

“Also meron kaming mga naka-line up na films na I’m doing to direct and produce also.

“So next year, mas magiging sobrang busy ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN