Mark Herras savors Christmas feast with family in Laguna

IMAGE Noel Orsal

Para kay Mark Herras, wala nang sasaya pa sa selebrasyon ng Pasko na kasama ang buong pamilya... "kain, kulitan, inuman."


Sa Sta. Rosa, Laguna, magsi-celebrate ng Pasko si Mark Herras kasama ang kanyang pamilya. Masaya daw kasing balikan ang mga masasayang selebrasyon nila ng Pasko sa probinsiya.

Kuwento niya, “It’s a normal Christmas with the whole family, kain, kulitan, inuman.

"'Tapos, last year nagpa-games ako, may cash prize.

"'Yun lang naman basically ang ginagawa namin, it’s a normal Christmas para sa buong pamilya.”

Pagdating sa pagkain, wala naman daw niri-request si Mark na iluto para sa kanya. Aniya, “Wala naman akong niri-request.

"Actually, yung mga tita ko, mga tito, in fairness, ang galing nila magluto ng pagkain... dinuguan, mechado, menudo.

“Actually, halos lahat alam nilang lutuin and masarap silang magluto.

"Nakakasama ko na sila for almost 28 years so alam nila ang mga kinakain ko.

"Alam nila yung mga hindi ko kinakain, kabisado na naman nila.”

Ang hindi daw mawawala sa kanilang hapag sa Noche Buena ay ang paboritong pagkain ng mga bata, ang spaghetti.



ONE WISH, ZERO RESOLUTION. Dahil halos magkalapit lang ang Pasko at kaarawan ni Mark (December 14) halos iisa na lang daw ang wish niya para sa kanyang birthday at sa Pasko.

Kuwento ni Mark, “Siguro para sa sarili ko, ang wish ko ay more blessings, more projects, less problema.

“Siyempre good health for my baby, and sana lumaki siyang maayos.

"Pero huwag masyado mabilis, kasi mabilis siyang lumalaki, and yun lang naman.

“And ako, ganun pa rin naman. Sana makasama ko yung family ko habang buhay, sana ganun pa rin.”

Siya ba yung tipong gumagawa ng New Year’s resolution?

Natatawang sagot ni Mark, “Hindi na, kasi kahit hindi naman new year puwede mo namang baguhin, e.

“Puwede mo namang sabihin sa sarili mo na, 'Kailangan kong baguhin ‘to, kailangang kong gawin ‘to.'

"Naka-depende ‘yan sa iyo kong gustuhin mong gawin e.

“Kasi minsan hindi ko naman nagagawa so gawin ko na lang kahit hindi bagong taon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakagawa na ba siya ng ganun sa mga nakaraang bagong taon?

Natatawang tugon ng 28-year-old GMA star, “I tried, but I failed. Hindi ko rin nagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN