Ogie Alcasid admits spanking Nate to discipline his son

IMAGE Mark Atienza

Ogie Alcasid on spanking his children: "Hindi naman ibig sabihin na kaya mo pinalo dahil hindi mo mahal ang anak mo? Nasa Bibliya yun, e."


Walang raw kaibahan ang pagpapalaki ni Ogie Alcasid sa bunso niyang si Nate, anak nila ni Regine Velasquez, sa pagdisiplina niya dati kina Leila at Sarah, ang dalawa niyang anak sa dating asawa na si Michelle Van Eimeren.

Sa Facebook account ni Ogie, laging naka-post ang activities ni Nate na kasama siya o ang mommy niya.

Samantala, nakakasama lang ng singer-composer sina Leila at Sarah kapag nadadalaw ito sa Australia.

Pero paglilinaw ni Ogie, “Hindi, ganundin naman ako sa mga anak ko. I was very hands-on rin din naman ako [kina Leila at Sarah].

"Pero noon, wala pang Instagram, wala pang Twitter."

Si Nate naman, “Naku, ang hilig mag-English ngayon. Minsan pinapahid ko yung ilong no'n, ‘Anak, dumudugo ang ilong mo.’ Ha-ha-ha!

"English siya ng English. Nakakatuwa. Kami talaga, Tagalog ang turo namin sa kanya.”

DISCIPLINING NATE. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa taping ng gag show nilang Tropa Mo Ko Unli.

Kumusta na si Nate?

Sagot ng nangingiting si Ogie, “Malapit siya kay Mommy niya, e. So ako, kalaro niya ako.

“Saka alam niya pag mas disciplinarian ang mommy niya. Ako yung huli, e."

Ini-spoil mo ba si Nate?

“Hindi naman. Pero natatakot sa akin yun sa akin. So pag hindi niya [Regine] ma-ano [masaway], ‘Ayan, nagagalit na si Daddy,' ayan magbi-behave na yun.

“E, ayoko namang lagi siyang takutin. Hindi naman dapat gano'n.”

Ano exactly yung istilo niya para madisiplina si Nate?

“Lahat kasi ng ginagawa namin, biblical, e. Spare the rod and spoil the child, 'di ba?

“Kailangang paluin kasi pag hindi mo didisiplinahin ang anak mo, lalaking spoiled talaga ang anak mo, 'di ba?

“Hindi naman ibig sabihin na kaya mo pinalo dahil hindi mo mahal ang anak mo? Nasa Bibliya yun, e.

“You have to discipline the child because ikaw rin ang
magsisisi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yang batang 'yan, anak ng Diyos. In-assign lang sa iyo ng Panginoon para palakihin.

“Kung hindi mo dinisiplina, hindi mo ginawa ang trabaho mo.”

Ano ba yung mga tantrums ni Nate?

“Natural lang naman. Wala naman yung...tantrums-tantrums lang.

“At three or four, lumalabas na yung masaway. Lumalabas na yung nagnu-No. Hindi na nagrirespeto.

"Doon mo ngayon ipu-force. Kasi they will test you hanggang saan ka, e.

"So pag nalaman nila na hindi ka uubra e tapos ka na, talo ka na.

"So kailangan ipakita mo na, 'Okay, laro tayo, friends tayo.' Pero pagdating nung [tantrums], ‘Ah, teka muna.'”

NATE AND HIS ATES. Ano yung mga traits na namana ni nate sa iyo at kay Regine?

“Yung makulit, sa akin siguro, saka yung malaro, madaldal parang ako...kasi yung nanay rin niya, madaldal.

“Palakanta, kanta nang kanta 'tapos comedian, e.

"Mahilig nga magluto, chef raw siya. Sa nanay naman niya yun.”

Kumusta naman sina Sarah at Leila kay Nate?

“Super yun, love nila si Nate, priceless yun. So, agawan nga, e, 'Ako naman, ako naman.'”

Ayon kay Ogie mas kumikiling si Nate kay Sarah dahil mas bata ito kaysa kay Leila na dalaga na.

“Nakakatuwa kasi malayo pa lang, 'Ate Sarah, Ate Sarah! Hello.'

"Ano siya, source of joy naming lahat.

"Pag si Nate na ang nagsalita, lahat nakikinig sa kanya. Yung atensiyon naming lahat, nasa kanya.”

Samantala, pagdating naman sa posibilidad na pagtira nila ni Regine sa Australia, nagpahayag ng interes si Ogie sa ideyang ito.

Saad pa niya, “Of course, iniisip namin. Pero hindi siya mura. Ang mahal!

"Siyempre, kung bibili ka sa Sydney, 'di ba? Condo pa lang is about million of dollars, I mean, yung maganda.

“Tignan natin. Hindi siya ganon ka-mura, e. Mahal ang real estate.

“Iniisip rin kasi namin for Nate and then habang nasa college na rin yung mga anak ko, meron silang titirhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi malayo kami from Sydney, e. We’re about two hours from Sydney, e.

“So, maganda rin na may matitirhan sila sa Sydney. Nasa Robertson kasi sina Michelle and it’s about two hours.”

Kailan ninyo naisip ni Regine na bumili ng property sa Australia at tumira doon?

“Eto lang, mga two years ago. Nag-isip-isip kami ni Misis.

"Pero mahal, e! Tignan natin pag bibigyan natin ng pagkakataon, it would be nice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN