Angela Lagunzad on loving fiancé Diego Castro's daughters, "Para silang mga barkada ko."

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg">

IMAGE File

Angela Lagunzad feels like a mom to the three teenaged daughters of fiancé Diego Castro: “I met his kids, mga bata pa sila talaga. I think they were just like three or four years old. Kaya parang ako na rin ang nagpalaki sa kanila. Ako na yung nakasama nila as their mom."

Hindi madali para sa UNTV news anchor and broadcast journalist na si Angela Lagunzad na tumayong ina para sa tatlong anak na babae ng kanyang fiancé, ang actor-turned-news anchor na si Diego Castro.

Mula noong nagkakilala at naging sila, tinanggap na ni Angela ang responsibilidad bilang ina sa mga anak ni Diego mula sa dalawang ex-wives nitong sina Raven Villanueva at Rina Rosal.

Ito ay sina Angelica (16), Gianna (14), at Rafa (13). May sarili na ring anak sila Angela at Diego na si Mio (7).

Kuwento ni Angela nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last week sa Dong Juan restaurant along Mother Ignacia Street, Quezon City, bago niya tinanggap si Diego sa kanyang buhay ay una niyang tinanggap ang mga anak nito.

Ayon kay Angela, “I met his kids, mga bata pa sila talaga.

"I think they were just like three or four years old.

“Kaya parang ako na rin ang nagpalaki sa kanila, ako na yung nakasama nila as their mom.

“It wasn’t easy at first kasi nga may mga adjustments kaming pinagdaanan.

“'Tsaka I want to make sure na it would be okay with their moms na sa amin sila titira.

“It turned out naman okay and they’ve been with us hanggang ngayon.

"Yung isang daughter ni Diego from Rina, nandoon siya ngayon sa lola niya. But sometimes nasa amin siya.

“Now, the three girls are teenagers na and they’ve gotten close to me na. Para silang mga barkada ko.

"Lalo na si Angelica, we’re very close at kasama ko siya when we shop.

“So, parang naging blessing na rin sila sa amin ni Diego.

"'Tapos we have a son pa and the girls love him very much."

BREADWINNER. May plano ba sila to have another child?

Sabi ni Angela, “I guess, Diego has enough kids na! Huwag na naming dagdagan pa!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, apat na sila, e. That’s already a big bunch, 'di ba?

"Isipin na lang natin yung expenses ng mga bata ngayon.

“Aside kasi sa mga anak niya, Diego is also helping out sa schooling ng ibang mga kapatid niya.

“Kaya minsan, naaawa ako sa kanya because he’s working so hard talaga.

"But never mo siyang marinig na mag-complain talaga.

“He loves his kids and his siblings so much.

“But if God blesses us with another, then it would be a blessing para sa amin,” patuloy niya.

Engaged na si Angela kay Diego noong February 14, 2013 pa.

UNFORGETTABLE DAY. Sa show ni Angela sa UNTV nag-propose si Diego na ikinagulat niya.

Lahad niya, “Before kasi, we were always talking about getting married. Mga usap-usap lang naman.

“I never thought that Diego had that surprise waiting for me sa studio.

"Knowing Diego kasi, he’s such a quiet partner.

"He’s medyo mahiyain pa kaya hindi ko yun ini-expect sa kanya.

“Siyempre, sobra akong nagulat at natuwa, 'tapos all the kids pa were there.

"Kaya it was an unforgettable day for all of us."

Wala pa raw exact wedding date na nakaplano pero inuunti-unti na raw nila itong inaasikaso.

“Nakaplano siya talaga next year, pero we don’t have a date yet.

“Pinaplano pa lang namin kung ano ang magiging concept ng wedding.

“Kapag may concept kasi, medyo mahal, 'di ba?

"You need people to help out to execute it.

“Kaya heto, pag-iipunan muna namin ni Diego ang lahat.

“Tulung-tulong naman kaming lahat diyan and Diego promised naman that he will give me the dream wedding I want.

"Kaya sabi ko, pag-ipunan na namin nang husto!" tawa pa ni Angela.

MISSING DIEGO'S PARENTS. Nalulungkot naman si Angela na sumakabilang-buhay na pareho ang mga magulang ni Diego na sina Angelo Castro Jr. at June Keithley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanghihinayang siya na hindi na masasaksihan ng mga ito ang kanilang pag-iisang dibdib.

“Yun nga lang ang medyo sad, kasi naging very close ako kay Tito Angelo and Tita June.

“I helped in taking care of both of them when they were sick.

"Nakita ko how devastated Diego was noong magkasunod nawala ang parents niya.

“They wanted so much to see us get married.

“Now, I guess, they will be watching us from up above.

"We miss them both and nag-promise naman ako sa kanila that I will take care of Diego and his kids."

ANSWERED PRAYER. Masaya nga si Angela nang sa wakas ay umupo na bilang isang news anchor si Diego ng all-English news program ng UNTV na Why News.

Ipinagdasal daw nilang dalawa ito para maipagpatuloy ni Diego ang legacy ng kanyang mga magulang na parehong nakilala sa larangan ng broadcast journalism.

“You just couldn’t imagine how happy Diego was when Kuya Daniel [Razon] told him that he will anchor Why News.

“Parang on cloud nine siya and he was very, very happy.

“Answered prayer nga iyon and I know how dedicated Diego is sa trabaho niya.

"I knew he would get this and he will be good at it."

CO-HOSTS. Magkasama rin sina Angela at Diego sa morning show ng UNTV na Good Morning Kuya.

May nagsabi sa kanilang hindi wise ang makasama ang partner sa iisang trabaho dahil baka maapektuhan ang kanilang performance kapag may pinag-aawayan sila.

Pero iba ang paniwala nila.

Paliwanag ni Angela, “Actually, it helped nga na nandoon kami sa show pareho.

“Sinasabi nga sa amin ni Kuya Daniel na gawing topic of conversation namin ang naging away namin kagabi.

“Cute daw kapag nagtatalo kami ni Diego on-air.

“Pareho kasi kaming may sariling opinions on certain matters.

"At para sa amin, it’s normal and healthy na may pinagtatalunan ang isang couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s one way of releasing stress sa aming pagsasama.

"And after we let it all out, we feel okay and we’re good na.

"Ready na kami for the next pagtatalo!” tawa pa niya.

PETTY ISSUES. Nilinaw rin ni Angela na hindi na raw babae ang pinagtatalunan nila ngayon.

“It’s no longer other women.

“Noon, 'yan ang nagiging away namin, but for the longest time, hindi na.

"Mostly petty things lang na napapalaki.

“In all fairness to Diego, he has matured a lot since he has taken lots of responsibilities.

“Dati rin, ang pinagtatalunan namin ay masyado siyang makalat sa bahay.

"Kung saan siya maghubad ng damit, doon niya iiwan.

“Now, mas maselan pa siya sa akin ngayon. Mas organized na siya kesa sa akin ngayon.”

Graduate ng kursong Mass Communication sa Trinity University of Asia si Angela.

Nagsimula siya bilang isang traffic reporter sa radio news program hanggang sa maging co-anchor na siya ng Tagalog news program ng UNTV na Ito Ang Balita.

Bukod sa pagiging news personality, gumawa rin ng ilang TV commercials at print ads si Angela.

Lumabas siya sa mga TVCs ng Shakey’s, Energen, at SM Cinema.

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30495/angela-lagunzad-on-loving-fianc-diego-castros-daughters-para-silang-mga-barkada-ko" data-desc="Engaged since last year, Diego and Angela have yet to finalize their wedding date " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/fe4b95b84.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN