Jolina Magdangal's baby boy Pele celebrates first birthday

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">

IMAGE Rose Garcia

Pele Iñigo Magdangal Escueta, firstborn of Jolina Magdangal and Mark Escueta, marks his first birthday with a picnic-themed party.

One year old na si Pele Iñigo Magdangal Escueta, ang nag-iisang anak ng singer/actress na si Jolina Magdangal at ng Rivermaya band member na si Mark Escueta.

February 18 ang aktuwal na kaarawan ni Pele, pero nuong Sabado, February 21, nagpa-party ang parents niya sa clubhouse ng Ayala Heights Estate.

Nauna muna ang dedication kay Pele, kasunod ang party niyang may tema na “picnic.”

VIEW PHOTOS Jolina Magdangal baby Pele celebrates first birthday

DEDICATION. Parehong dumadalo sa Victory Christian Fellowship (VCF) sina Mark at Jolina kaya dedication ang tawag nila sa binyag nito.

Ilan sa mga napiling ninong at ninang ni Pele ay ang mga kabanda ni Mark sa Rivermaya, ang mga kaibigan ni Jolina na Chikadoras na kabilang dito ang ninang rin nila sa kasal, ang Soul Diva na si Jaya, at ang ninong din nila sa kasal na si Perry Lansigan.

Naroon din ang mga kaibigan ni Jolina sa showbiz tulad ng direktor niya ngayon sa panghapong serye niya sa ABS-CBN na Flordeliza na si Direk Wenn Deramas, Nikki Valdez, at Mark Bautista.

Ayon kay Jolina, kasama rin daw sa list ng mga ninang ang kaibigang si Judy Ann Santos. Darating sana ito sa dedication at first birthday ng anak, pero isang araw bago ang event ay nagsabi raw itong hindi na makakarating dahil may pictorial.

Si Pastor Bernard Marquez ng VCF naman ang nangasiwa ng dedication.

STAR-STUDDED CELEBRATION. Bukod sa mga ninong at ninang, dumating din ang ilang kaibigan pa nila tulad ng mga kasamahan ni Jolina sa PPL Entertainment Inc. na sina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Carl Guevara, Carlo Gonzales, Rochelle Pangilinan, at Max Eigenmann.

Namataan din si Jan Marini kasama ang mga anak nito, at si Ogie Alcasid na kasama ang asawang si Regine at ang anak na si Nate.

Nandoon din ang pamilya nina Mark at Jolina sa party, lalo na ang mga lolo at lola ni Pele.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip na mga cartoon characters ay "picnic-inspired theme" ang motif ng birthday party.

Parehong mahilig sina Mark at Jolina na mag-picnic kahit noong hindi pa sila mag-asawa. At nang dumating na nga si Pele, kasama na nila ito.

Masayahing bata si Pele.

Mula sa dedication at first birthday party niya, hindi namin siya halos nakitang umiyak. Madalas ay nakangiti ito sa mga bisitang bumabati sa kanya at natuwa ito sa acrobatic show.

THANKFUL PARENTS. Sabi nga ni Jolina sa Instagram post niya sa mismong kaarawan ng anak, “Itong baby na ito ang dahilan kung bakit nakumpleto nang husto ang puso naming mag-asawa.

"Ibang klaseng happiness ang nabibigay nya sa amin tuwing gigising kami sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi.

“Anak, habang-buhay kaming magpapasalamat kay God dahil sayo. At isa kang mabait at masayahing bata. Mahal na mahal na mahal ka namin.”

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30571/jolina-magdangalsbaby-boy-pele-celebrates-first-birthday" data-desc="The party also serves as the dedication of Pele Iñigo Escueta. " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/36665e1f0.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN