Aubrey Miles advocates a healthy lifestyle

IMAGE File

Aubrey Miles (shown with partner Troy Montero) says she's willing to support any advocacy that espouses a healthy lifestyle: “Sa akin basta you stay healthy, kahit anong workout iyan, ang mahalaga, happy ka. Kahit na dancing o anong healthy lifestyle,. I’ll support.”


Ang pagiging sexy at health buff ang dahilan kung bakit napili si Aubrey kasama ang partner niyang si Troy Montero para maging endorsers ng Footworks Dance Studio.

Pag-aari ito ng mag-asawang Apreal Tolentino at Rupert Feliciano.

“Nandito ako kasi for me any workout as long as you love it 'tapos happy ka…

"Hindi kailangang you go to the gym, kung gusto mong mag-yoga or iba-ibang sayaw.

“Sa akin, basta you stay healthy, kahit anong workout iyan, ang mahalaga happy ka.

"Kahit na dancing o anong healthy lifestyle, I’ll support,” sabi ni Aubrey.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aubrey nang dumalo sila ni Troy sa press launch at opening ng Footworks Dance Studio noong Pebrero 27 sa 4th Floor ng Elorde Building sa Katipunan Avenue, Project 4, Quezon City.

Ayon pa kay Aubrey, matagal na rin daw silang magkaibigan ni Apreal kaya suportado nila ang bago niyang business venture.

Patuloy niya, “Actually, matagal na [kaming magkaibigan]. You know, we see each other, ganyan. We always talk about fitness, healthy lifestyle. So when I heard of this, sabi ko, ‘Sige, why not?’”

Sa mga sayaw, ano ang gusto niya talaga? “Gusto ko hiphop, I like salsa, mga zumba-zumba nila. Gusto ko ring i-try yung pole dancing,” ani Aubrey.

ACTING COMEBACK. Samantala, hindi man totally nawala sa showbiz si Aubrey, napahinga naman siya sa pag-arte. Ang huling teleserye raw niyang ginawa ay noong 2011 pa, ang Amaya ng GMA-7 na pinagbidahan ni Marian Rivera.

Kaya naman maituturing ni Aubrey na big comeback niya sa acting ang pagkakasama niya sa cast ng upcoming drama series ng ABS-CBN, ang Pasion de Amor, na pinagbibidahan nina Ellen Adarna, Arci Muñoz, at Coleen Garcia kasama sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, at Joseph Marco.

Matagal na rin daw may offer sa kanya para mag-comeback sa acting pero may mga bagay daw siyang kailangang ikunsidera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Alam mo sa totoo lang, may offer ako sa TV5 na sitcom. Hindi ko lang nagawa kasi umalis ako noong December for States.

“'Tapos may offer sa GMA-7. Pero minsan kasi gusto ko ng magandang role na mapapansin para worth it akong mawala sa bahay, sa business ko [pawnshop], sa mga anak ko.

“'Etong role ko sa Pasion de Amor, feeling ko mapapansin ako dito kahit papaano, yung ganun.”

Ano ba ang role niya sa Pasion de Amor?

“Actually, enjoy ako sa character ko.

“Yun ang gusto kong character na worth it siya na bigyan ko ng time. And semi-reg [regular] siya.

“Yung role ko roon is nagwu-work ako as a DJ [disc jockey]. 'Tapos medyo love interest ako ni Joseph Marco. So kami yung palaging magkasama sa scene,” detalye niya.

May pagka-sexy ang tema ng Pasion de Amor.

May mga sexy scenes ba siya? “Wala, pero ang outfit ko doon, DJ outfit talaga na parang foreigner yung peg.

“So, hanging, bra-type, 'tapos leggings. So I think kaya rin nila ako siguro kinuha kasi gusto nila laging labas yung tiyan.

“'Tapos gusto nila yung medyo a little bit older than Joseph pero not too old para nasa range pa rin ng age niya. So proud ako na yun ang ibinigay nilang character at hinintay nila ako,” pagpagpapasalamat niya.

SUPPORTIVE TROY. Ano naman ang sabi ni Troy sa muling pagsabak niya sa acting?

Ayon kay Aubrey, “Actually, siya yung unang nagsabi na, ‘Go!’

"Sabi ko, ‘Kasi pinag-iisipan ko. Okay ba ito?’ Last year pa ito e. 'Sa tingin mo worth it ba ito na gawin ko? Kasi mamaya hindi ko masundo yung anak natin.’

"Sabi niya, ‘Go! Mga soap naman if it works, it works. If not then wala ka ng show. Just get it.’

“Kasi alam niya maganda yung role. Kasi ako yung love interest ni Joseph Marco. So parang ang kalaban ko si Coleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero good girl ako dito. Kumbaga sa story, hindi ko kasalanan. Parang si Joseph talaga ang may gusto sa akin, pero ako, ayoko kasi may boyfriend ako sa story.

“Pero eventually mahahanap niya yung love kay Coleen. So bago siya napunta kay Coleen, nauna si Joseph sa akin.

“And kaya mag-aaway sila because of me. Paano sila magkakaroon ng conflict kung wala ako. So, maganda talaga yung role ko kaya rin nag-commit ako.”

Pagdating naman daw sa paggawa ng intimate scenes ay kinukonsulta rin niya si Troy.

“Pinag-uusapan namin, sinasabi ko sa kanya. Si Troy naman lagi lang naka-support sa akin.

“Siyempre, we take into consideration din yung mga anak ko. Yung mga bata naman naiintindihan nila na artista ako and I have to do certain roles and scenes,” paglinaw ni Aubrey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN