Is Abel Estanislao the next Richard Gomez?

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">

IMAGE Nikko Tuazon

With his athletic built and moreno features, Kapuso talent Abel Estanislao is being touted as the next Richard Gomez. Aside from having good looks, Abel is also an accomplished singer and musician.

Kinuwento ng Kapuso talent na si Abel Estanislao na nag-aral pala siya dati ng Physical o Sports Education kaya maganda ang katawan niya.

“Lumipat na po ako, naghu-home study na po ako ngayon, Business Management po.

“Wala na po ako sa U.P. [University of the Philippines], nag-home study na po ako,” pagklaro niya.

Masaya raw si Abel na nakasama siya sa 3logy, ang boyband ng GMA Artist Center kunsaan kasama niya sina Jeric Gonzales at Jak Roberto?

Dati pa raw silang magkakaibigan nina Jeric At Jak.

“Lalo na si Jeric, nagsisimula pa lang ako siya na yung kasama ko. Yung bonding namin parang naglalaro lang kami.

“Hindi namin iniisip na 'pag magkakasama tayo, 3logy tayo, pag wala na, as in wala na.

“Yung normal lang po na magkakaibigan lang talaga.”

Bilang singer ay versatile si Abel, marami siyang peg bilang mang-aawit.

Paborito niya sina Stevie Wonder, Michael Bolton, at James Ingram.

Bilang artista naman ay mapapanood rin si Abel bilang si Andoy sa episode ng Magpakailanman ng GMA ngayong Sabado na may titulong Love Me For What I Am: The Shem and Jenessa Dizon Story.

Bida rito sina Max Collins bilang Jenessa, Rodjun Cruz bilang Shem at kasama sina Lester Llansang as Teacher Marvin, Marc Justin Alvarez bilang Tammy, Kyle Ocampo bilang Angela, Ina Feleo bilang Teacher Anna, at Allan Paule bilang Mang Berto.

SINGING CAREER FIRST. Sa ngayon ay mas priority raw ni Abel ang pagkanta.

“Kasi ito po yung nasa linya pero hindi naman po nawawala yung sa pagiging aktor, yung pag-arte po.”

Mapapanood din si Abel sa upcoming GMA series na Healing Hearts.

Dati siyang napanood sa Teen Gen kung saan siya ini-launch, at sa Maghihintay Pa Rin, Villa Quintana at sa The Half Sisters.

Ang ka-loveteam niya dati sa Teen Gen na si Sunyee Maluche ay nag-quit na sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na po kami nagkikita ngayon. Ang alam ko po nag-aaral din po siya at mas active sa commercials.”

Sa Teen Gen ay sila na lang nina Jeric, Thea Tolentino, Gab de Leon, Arkin Magalona at Juancho Triviño ang aktibo bilang artista.

Walang girlfriend si Abel.

“Dating, dating lang po,” saad niya.

At dahil Kapuso hunk si Abel, at 19 taong gulang na, handa na ba siyang magpaseksi?

“Siguro hanggang topless lang,” pagklaro niya.

Baka ngayong taon na ito ay kasali raw siya sa mga hunks na rarampa ng shirtless para sa Cosmo Bash.

CRUSH ON KYLIE. Kung bibigyan siya ng launching project ng GMA, ang nais niyang maging leading lady ay si Kylie Padilla.

“Unang-una, crush ko siya,” at tumawa si Abel.

“Iba po yung dating niya sa akin, iba yung aura niya.”

Hindi pa raw niya nakakatrabaho sa isang serye si Kylie.

Sa tanong kung may balak ba siyang ligawan si Kylie, ito ang sagot niya.

“Hindi ko po alam,” ang tila nahihiyang sinabi nito.

Si Abel ay may taas na 5’11” at may pagkahawig kay Aljur Abrenica na dating karelasyon ni Kylie.

Kung ilinya siya ng GMA bilang the next Aljur Abrenica?

Sabi niya, “Kung ibi-build-up po nila ako okay lang sa akin, trabaho po, e.”

Papayag ba siyang mag-ala-Machete na nakahubad palagi?

“Okay lang po,” pag-amin niya.

Ayon pa kay Abel, “Yung pagwu-workout ko po sa gym medyo binawasan ko po ngayon, nagpapa-trim down po ako, so every morning, tumatakbo lang po ako, jogging. Five kilometers po every day.”

MATURE LOOK. Teenager pa lang si Abel pero mature na kung titingnan ang itsura niya. Sa tingin ba niya ay advantage iyon para sa kanya?

“May advantage din po, tapos my disadvantage din.

“Puwede i-advance yung age mo, so kahit anong role ka ilagay.

“Pero yung disadvantage, iyon nga masyado nang mababatak yung role mo, hindi na ano sa edad mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka pagdating nung nag-20 and above na ako, baka madaling mag-daddy role,” at tumawa si Abel.

Parehong sumali sa Ginoong Laguna dati sina Jeric at Jak pero si Abel ay hindi pa sumali sa kahit na anong male pageant.

“Mga sports fest po sa school ang sinasalihan ko dati.”

Totoong pangalan ni Abel ang Abel Estanislao at wala raw plano ang GMA Artist Center na palitan iyon.

“Okay na rin po sila dun, e. Mahaba nga lang at kailangang tandaan,” at muling tumawa ang Kapuso hunk.

SHOWBIZ LINEAGE. Nasa dugo ni Abel ang pag-aartista dahil pinsan ng ama niya ang yumaong aktor na si Jay Ilagan. Tiyuhin ni Abel si Jay pero hindi na raw niya ito nakilala.

“'Tsaka ang alam ko po malayong kamag-anak namin sina Janno Gibbs. 'Tapos sa mother's side po si Dexter Doria, pinsan naman po ng mommy ko,” kuwento rin niya.

Bunso sa dalawang magkapatid si Abel.

ATHLETIC SIDE. Pagdating ng araw, nais ni Abel na sundan ang mga yapak sa showbiz ni Richard Gomez.

Pareho silang matangkad at moreno.

“'Tsaka kasi athlete din po siya, e. So ayun yung perfect na nakikita ko para pasok para sa akin,” pahayag niya.

Aktibo sa judo training si Abel.

Kaya biniro namin si Abel na tiyak na walang gay na sumubok siyang i-harass o di kaya’y manligaw dahil mahusay siya sa martial arts.

“Wala naman po,” tanggi niya.

Kung may manliligaw sa kanya?

“Madadaan naman po sa usapan. Hangga’t madadaan po sa usapan.”

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">
" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/30919/is-abel-estanislao-the-next-richard-gomez" data-desc="Abel Estanislao admits he has a big crush on Kylie Padilla, “Iba yung aura niya.” " data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/4bc124b3e.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN