Vilma Santos proud about botox-free face

IMAGE Mark Atienza

Vilma Santos, 62, believes in aging gracefully. In her interview with Winnie Monsod, she proudly reveals,“Wala pa po akong ipinagawa, not a single needle."


Stressful at talagang nakakapagod ang pagiging isang public servant.

Ito ang panimula ng Bawal ang Pasaway host na si Winnie Monsod nang naging guest nito si Vilma Santos.

Sa taong ito ay magiging 62 years old ang Batangas governor, pero ang bata ng hitsura niya kesa sa kanyang edad.

Ano ang beauty regimen niya?

“After taking a bath, before putting make-up, I just put cold compress.

“Yung malamig na may yelo, it closes the pores before putting make-up.

“And then, in the evening after ng work pag-uwi mo, tanggalin yung make-up, wash your face, and then warm water naman to open the pores.

"Para lumabas naman yung dumi ng make-up.

"And that’s it!"

Hindi nakaugalian ng Star For All Seasons ang maglagay ng maraming beauty products sa mukha.

"I don’t use moisturizers. Less cream na inilalagay sa mukha, the better."

At proud ang aktres na ni minsan ay hindi pa ito sumasailalim sa anumang cosmetic surgery.

Dugtong niya, “Wala pa ito ni isang botox!

“Kaya I don’t mind growing old gracefully.

“We will all grow old. Natural ‘yan.

“Wala pa po akong ipinagawa, not a single needle."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN