Ogie Alcasid throws surprise "blockbuster" birthday party for wife Regine Velasquez

IMAGE Allan Diones

Only 60 people replied to Ogie Alcasid's invite for the 45th birthday party of his wife Regine Velasquez. But there was a huge turnout of guests. “Ngayon ko lang nalaman na ‘pag nag-confirm pala ang isang tao, plus four pala ‘yon! Ang dami kong learnings tonight," exclaims Ogie.


Laugh trip ang surprise birthday party na in-organize ni Ogie Alcasid para sa misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid nung Martes nang gabi, April 21, sa clubhouse ng village nila sa Ayala Hillside Estates sa Quezon City.

Lihim ang paandar na ‘yon ni Ogie para sa ika-45 kaarawan ni Songbird at pasikreto lang ang ginawa niyang pag-iimbita gamit ang Facebook at Viber.

Ang nangyari, kakaunti lang (nasa 60 katao) ang nag-confirm kay Ogie na darating, doon sa FB invite na ipinadala niya.

Pero sa mismong party ay ang daming dumating kaya medyo nag-panic si Ogie at ang sister-manager ni Regine na si Cacai Velasquez-Mitra.

Kuwela yung announcement ni Ogie sa mga bisita na sa dami ng tao ay kinulang ng mesa at upuan kaya umorder siya ng additional tables and monoblock chairs mula sa Popoy’s Balloons.

Sinabihan niya rin nang pabiro yung ibang guests na kung gusto ay kumain na lang sa labas o yung mga nagdidiyeta ay huwag na lang kumain dahil baka kulangin ang food.

“Ngayon ko lang nalaman na ‘pag nag-confirm pala ang isang tao, plus four pala ‘yon! Ang dami kong learnings tonight.

"Pambihira, ang galing kong mag-organize ng party!” ang natatawang bulalas ni Ogie.

VIEW PHOTOS Ogie Alcasid and his surprise birthday party for wife Regine Velasquez

Every now and then, may nakakatawang "update" siya sa party gaya ng paubos na ang pagkain o nabawasan na ang mga tao dahil marami nang nagsiuwi.

Tawa lang nang tawa ang birthday girl sa mga kalokohan ng mister niya na in fairness ay laging nag-e-effort na bigyan siya ng surprise birthday salubong.

Success naman ang gimik ni Ogie dahil ang alam ni Regine ay kinabukasan pa, April 22, ang dinner nila, sa mismong birthday niya.

Kaya lang ay medyo nakatunog na si Songbird pagdating nila sa clubhouse na patay ang ilaw, pero nakikita niyang maraming tao sa loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang daming dumating, ha? For the first time, blockbuster ang birthday ko!” masayang pahayag ni Mrs. Alcasid, na sa sobrang tuwa ay panay ang yakap at halik kay Ogie.

Bukod sa hinanda ni Ogie na audio-visual presentation ng old photos ni Regine, naghandog din ito ng special song number para sa kanyang maybahay.


Ikaw ang Buhay Ko ang pamagat ng kanta ni Ogie, na sinulat niya especially for Regine. Isang matamis na halik sa lips ang ibinigay ni misis sa sweet niyang mister.

Karga-karga ni Reg ang anak nilang si Nate nang sabay na hipan ng mag-ina ang birthday cake, after kantahan ng lahat ng birthday song ang celebrator.

“Honey, huwag kang magugulat pag-uwi mo, ha?” pakyut na hirit ni Ogie na tila gustong ipahiwatig na may surprise gift pa ito sa asawa.

“Ha? Meron pa? Nako, pagod ako, ha? Pagod ako,” pa-girl na hirit ni Songbird na may bahid ng pagka-naughty.

“Ako, hindi pagod. Kunwari ka pa, nagigising ka rin naman! Sasabihin mo, ‘Nate, doon ka muna matulog sa kabilang room, ha?’ Siyempre, alam ko na ‘yon!” pilyong pambubuska ni Ogie sa birthday girl, na na-shy tuloy.

Ang stand-up comedians na sina Kim Idol at Arnell Tamayo ang nag-host ng programa. Bentang-benta ang jokes ni Kim at hagalpak si Regine sa mga patawa nito.

Ilan sa mga kaibigan ni Reg na naki-party at kumanta for her ay sina Christian Bautista, Jaya, Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza kasama ang 11-year-old daughter nilang si Jada, Erik Santos at Angeline Quinto, at si Gary Valenciano, na naki-jam kina Ogie at Regine.

Si Songbird ay umawit din ng solo with the live band ng dalawa sa kanyang hits: Araw-Gabi at One Love.

Maagang dumating si Martin Nievera pero hindi na ito nakakanta dahil may iba pa itong lakad that night.

Present din sa party ang mag-asawang Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski, Jolina Magdangal at Mark Escueta, Gelli de Belen minus husband Ariel Rivera, Maestro Ryan Cayabyab, Dr. Vicki Belo, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinakiusapan ni Ogie ang mga bisita na kung maaari ay hintaying mag-alas dose ng hatinggabi para salubungin ang 45th birthday ni Regine.

Pumatak ang 12 midnight na nakikipag-jamming si Regine sa stage kasama sina Ogie, Gary at ang mister ni Cacai na si Raul Mitra.

'Tapos ay naki-join din sa kanila sa pagkanta sina Christian at Erik.

"Last couples standing" kasama nina Regine at Ogie sina Gary V. at Angeli Pangilinan-Valenciano, pati na rina sina Cacai at Raul.

Ang huli nilang napagkuwentuhan ay ang labis na pagkahilig ni Gary sa biking, na hilig na rin ni Ogie kaya naengganyo si Raul at gusto na rin nitong mag-biking.

Last night, April 22, sa mismong birthday ni Regine ay nag-movie date ang mag-asawa at nanood ng Avengers: Age of Ultron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN