Regine Velasquez okay with skipping Mother's Day celebration this year: "hindi na muna...magastos, nagpapagawa ng house."

IMAGE Noel Orsal

How Regine Velasquez will make Mommy V happy on Mother's Day: “Siguro, we’ll probably have dinner in the house. She loves flowers and she loves accepting flowers, so that’s what we’re going to give her."


Isa nang brand si Regine Velasquez.

Malaking karangalan sa kanya ang maging kauna-unahang endorser ng PLDT Home para sa bagong produktong Regine Series Telsets, na bahagi ng Mother’s Day campaign ng nasabing kumpanya.

“I’ve been working with them for the past three or four years na yata, mga ganyan.

"But even before that, I would always be invited to whatever family gatherings. Or yung mga corporate events nila, I am always present.

"So, I am happy that finally I have a product now to announce to everyone.

"Maganda yung product ko kasi talagang bagay sa akin, na ipinangalan pa talaga sa akin, Regine Series.

"'Tapos nung nalaman ko pa na this product is for the moms, mas na-excite ako.

"Kasi siyempre eto na yung estado ng buhay ko ngayon e. Natuwa ako na sinasabayan nila yung lifestyle ko being a mother,” sabi ni Regine.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media andg Asia's Songbird sa presscon niya noong May 4, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

Nakasama ni Regine sa presscon ang PLDT Home executives na sina Gary Dujali at Patrick Tang.



HANDS-ON MOM. Sa presscon ay bukambibig ni Regine ang pagiging ina niya at gustung-gusto niya ring pinag-uusapan ang anak niyang si Nate.

Siya ba yung tipo ng celebrity mom na dinadala ang anak niya sa trabaho o mas gusto niyang nasa bahay na lang ito?

“Depende kasi sa situwasyon, depende sa lugar. I can not always be bringing him kasi feeling ko lang as a mom, mas safe siya when he’s home.

"Kasi bahay namin yun, you’re thinking na mas safe siya doon. May mga mag-aalaga naman sa kanya.

"Pero at the same time nagwo-worry ka rin pag matagal ka nang wala sa house. Ang hirap na hindi ka tumawag, ang hirap nang hindi mo i-check.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ako pa naman, mahilig akong mag-check. I’m a hands-on mom kasi, e.

"So pati kinakain, tsini-check ko, kung ano yung kinakain or kung kumain na ba. Yung sa mga ganung detalye.

"Kasi pag nasa bahay, I really take care of him, so it’s hard to go out.

"But it’s so hard to bring him around, kasi hindi siya comfortable, he’ll get tired.

"'Tapos may allergy siya, madali siyang maghika. So, it’s really easier to leave him at home.

"So I check on him once in a while.”

BACKING OUT OF LET THE LOVE BEGIN. Dahil ba sa kundisyong ito ni Nate kaya tinanggihan niya ang upcoming series ng Kapuso network?

“GMA is very aware of where I am now. That’s why I keep saying that I’m very grateful to them.

"Kasi aware sila sa sitwasyon ko, and they know that I am a hands-on mom, and my priority right now is family.

"They’re very aware of that, that’s why I’m always being given time.

"Nung hindi ko matanggap yung Let The Love Begin, naintindihan nila, even though kasado na ako na yun na talaga yun.

"But since parang last minute din na naging… kasi andami din nilang kailangan ayusin, medyo na-last minute din ako nang very slight.

"I don’t think it’s their fault also, they just needed to iron a lot of things out. Kinunsider naman yung reason ko for not taking it.”

Dahil mas gusto niyang nasa bahay lang si Nate, ano ang ginagawa at sinasabi niya sa anak kapag umaalis siya ng bahay para magtrabaho?

“Alam na kasi niya e [na magwo-work ako], hindi na ako tumatakas.

"Sasabihin niya, ‘Babalik ka, Mom?’ Minsan umiiyak pa rin, humahabol.

"Pero ngayon kasi, pine-pep talk ko siya lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The night before pa lang, I’ll tell him na, ‘O, may work si mommy bukas ha. Good boy ka lang.’ ‘Okay,’ gaganun lang siya.”

PLANS FOR MOTHER’S DAY. Sa May 10 ay Mother’s Day na. Ano ang plano niya para sa kanyang mommy?

“Siguro, we’ll probably have dinner in the house. She loves flowers and she loves accepting flowers, so that’s what we’re going to give her.

"Siguro lang this Mother’s Day, mas mag-e-effort kami kasi mag-isa na lang siya.

"Pero she just came from a long vacation so mukhang happy naman siya.”

Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho nila ng mommy niya pagdating sa pagpapalaki ng anak?

“You know, I think it’s really different for everybody, e.

"Mayroong parenting style ang mommy ko na gusto ko. You know, both our parents are very supportive of us.

"Whatever it is that we want to do, hinayaan talaga kami or else siguro, hindi ako naging singer.

"I was given the choice, kasi nakita ng nanay ko at tatay ko na I have this talent, wonderful talent from God.

"Pinapili ako, ‘Gusto mong mag-aral o gusto mong kumanta?’

"I feel very blessed that I was given that, kasi ang alam ko, yung iba hindi, e. Walang choice, e.

“Ako, sa akin, yun ang gusto kong i-apply kay Nate. Kaya wala akong gusto para sa anak ko.

"Siyempre ang gusto ko, lahat ng makakabuti para sa kanya, pero mas gusto ko na siya yung mangarap, siya yung mag-decide kung ano yung gusto niyang gawin sa life niya.

"I will support him.”

May plano rin ba ang asawa niyang si Ogie Alcasid para sa kanya sa Mother’s Day?

“Hindi ko pa alam kung may plano ang asawa ko. Every year, mayroon siyang maliliit na plans, laging may gift, may flowers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although sabi ko sa kanya, kahit hindi na muna this year kasi magastos, nagpapagawa ng house,” biro ni Regine.

“But he would always surprise me with something. Like nung birthday ko, sinurprise niya ako. Yung asawa ko kasi mahilig sa ganyan, so natutuwa naman ako.”

THOUGHTS ON MOTHERHOOD. Ngayong tatlong taon na si Nate, paano niya ide-describe ang motherhood?

“Ang saya-saya. Wala siyang maitutumbas na kahit ano kasi iba talaga.

"Kasi itong age na ito, siyempre he’s three, yung buhay niya nakadepende… feeling niya nakadepende sa akin.

"Ako yung pinakamagaling, ako yung pinakamaganda, hinahalikan niya yung paa ko.

"Kasi pag may binigay ako sa kanya, hahalikan niya yung paa ko. Nakakatawa na nakakakilig.

“'Tapos minsan pag natutulog siya, tinitignan ko siya, I can’t actually believe that he came from me, that God gave me this chance to be able to take care of another human being.

"Kasi pag single ka, medyo selfish ka, like ako, selfish ako nung kabataan ko.

"Pero pag nanay ka, iba. Yung talagang nakakatuwa na binibigyan ka ng pagkakataon to be able to take care of another human being? For me, that’s a big deal.

"Kasi parang I grew up people taking care of me, but now I am able to take care of another person. So, it’s wonderful, it’s a great experience for me.

“But of course, everyday is a learning experience. Hindi ko masasabi na I’m a great mom kasi I’m still learning.

"I don’t even think na kapag nag-30 years old na siya e kaya kong sabihin na 'I’m a great mom,' kasi talagang everyday is different, everyday is exciting, everyday is a learning experience.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN