Kiana Valenciano assures her family she will not yet get married

IMAGE Glenn Regondola

With her two brothers tying the knot with their respective girlfriends, Kiana Valenciano, 22, says her family is pressuring her to "stay single."


Matapos ikasal si Gab Valenciano kay Tricia Centenera noong March 27, sa Tagaytay Highlands, at noong March 31, sa Boracay Islands, naramdaman daw ni Kiana Valenciano na dapat muna raw siyang manatiling single.

Bago pa nito, taong 2013 din nang ikasal ang panganay niyang kapatid na si Paolo Valenciano kay Samantha Godinez.

Si Kiana ang bunso at unica hija nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment media sa launching ng kanyang website na Kianavee.com na ginanap sa 71st Floor ng Gramercy Residences, sa Mandaluyong City, hindi niya itinago ang saloobin tungkol sa usaping ito.

Bungad ni Kiana, "Obviously, my family is not, well, they're pressuring me to stay single.

"I have no plans pa naman, I'm so young, I'm only 22.

"I just want to know what kind of love that they have, I see to them, and that's what they want.

"So, no worries."

Kahit naman daw ang kanyang boyfriend, na ayaw niyang banggitin ang pangalan, ay wala pang plano na yayain siyang magpakasal.

Isang taon lang ang agwat nila, at estudyante pa ito.

Aniya, "He's 23, so we don't really overtake it.

"He's studying and working. Yeah, a little bit of both, and he's taking up Enterpreneurship."

Dagdag pa niya, "My family loves him, thank God!

"So I'm one of the lucky girls na with a good guy who takes good care of me.

"Yeah, I'm happy right now."

GARY V'S UNSTOPPABLE ENERGY. Pagkatapos nito ay napag-usapan namin ang kanyang ama, na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paghataw on stage, at walang kapaguran pa rin sa kanyang singing career kahit pa nagkakaedad na rin ito.

Hindi raw sumasagi sa isip ni Kiana na magre-retire sa music industry ang kanyang ama..

Sabi ng nag-iisang anak na babae ni Mr. Pure Energy, "Feeling ko, never naman na magri-retire ang dad ko sa music industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, when that time comes na he won't be na on stage, he will be behind the scenes.

"Kasi, music production is still his thing, e.

"Composing, music writing, and with me, he's helping me na gumawa ng music."

May mga pagkakataon din naman daw na kahit paano ay nagku-complain na rin si Gary sa mga nararamdaman nito, physically.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Saad ni Kiana, "He's my dad so kahit paano ay nagwu-worry ako.

"But I know, God is alwasy there.

"So he'll be fine, and I don't think, he really lets it get to him?

"He's a child at heart so when we talk, we really don't talk about him aging.

"We talk about the present, and that we're happy, you know.

"Actually, grabe rin siya. He still bikes from work or all the way where we live.

"And minsan, mag-a-Alabang siya on the bike.

"I can't even do that, but he can."

KIANAVEE. COM. Samantala, proud si Kiana sa kanyang website.

Nakangiting saad niya, "Actually, may blog ako dati, mostly fashion posts lang siya.

"Pero, na-bore ako, so decided na mag-branch out na I'll be bringing my singing side, my travels.

"Out of boredom talaga siya.

"Parang extension na siya of my Instagram and Twitter accounts, so I'll keep people updated about my life, work.

"I'm also planning to travel and study, so yun.

"Kagagaling ko lag sa Spain, and I fell in love with the place."

Malaking impluwensiya raw ang kapatid niyang si Gab na sikat ngayon sa buong mundo dahil sa kanyang Super Selfie sa YouTube.

Aniya, "Actually, yung blog ko, mga two years ago pa, pero more of a diary siya.

"So, 'di ko siya masyadong sini-share to many people, dahil personal talaga siya.

"But then, I guess, when he did that thing, yeah, nari-realize ko na, I might as well do it myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Also, I guess, it's my outlet of showing to people my personality, and in the long run, I might as well do music also.

"But I guess, this is how I will show to people who I am talaga.

"I'll be writing my own content, isu-show ko ang covers ko dun, what I love from travelling, about me and my friends also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN