Sophie Albert reveals one reason why relationship with Vin Abrenica is going strong: “Hindi kami masyadong clingy."

Jun 1, 2015
Sophie Albert on what keeps her relationship with Vin Abrenica going strong: “Palagi siyang nandiyan para sa akin, 'pag kailangan ko siya. Alam mo yung parang partners talaga kami—tulungan, hatakan. Yun talaga yung gusto ko sa relationship. Yun ang meron kami ni Vin kaya happy ako."

Nananatiling matatag ang romantic relationship nina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Nagkaroon ng exclusive interview ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sophie bago naganap ang presscon proper para sa Happy Truck ng Bayan.

Naganap ito sa Max's Restaurant, Roces Avenue, Quezon City nitong May 27, kung saan masayang ibinalita rin ng aktres na higit na sa isang taon ang kanilang relasyon.

Ayon kay Sophie, “Magtu-two years na kami soon.”

Kumusta ang relasyon nila ngayon?

Nag-glow ang mga mata ni Sophie nang sumagot siya ng, “Super happy.”

Paano naman siya napapasaya ni Vin?

Aniya, “Palagi siyang nandiyan para sa akin, 'pag kailangan ko siya.

“Alam mo yung parang partners talaga kami—tulungan, hatakan.

“Yun talaga yung gusto ko sa relationship. Yun ang meron kami ni Vin kaya happy ako.

“Dati nagba-biking kami. Ngayon naman, nagdyi-gym kami together.

“And then, gusto ko sa kanya, nakakasundo niya ang mga kaibigan ko, yung pamilya ko.

Continue reading below ↓

“Wala siyang arte, wala siyang ipinagbabawal…free lang talaga.”

Tanggap ba ng pamilya niya si Vin o mas gusto ba nilang maging single muna siya para ma-pair sa ibang male actors ng TV5?

“Napi-pair naman ako sa iba. Saka matanda na ako, 25 years old na ako.

“Yung Mom ko kinasal siya, 17 years old siya. Hindi naman sila ma-ano sa singlehood ko. Hindi naman sila strict,” depensa niya.

Ayaw niya talagang mapahiwalay kay Vin?

Ngiti niya, “Siguro kasi boyfriend ko siya, e. Yeah, hopefully, sana hindi.”



WEDDING PLANS? Napag-uusapan na ba nila ito?

Aniya, “Ahm, napag-uusapan namin.

“Parang one day, ganyan-ganyan. Pero malayo pa yun ha? Nagbibiruan kami, 'Oy, malayo pa yun.'”

Masasabi ba niyang seryoso na talaga ang kanilang relasyon?

Mabilis niyang sagot, “For me, serious.

“Hindi naman ako yung tipo ng babaeng nakikipag-boyfriend lang para lang magka-boyfriend kasi kaya kong mag-isa.

Continue reading below ↓

“Gusto ko ring mag-isa. Kaya nga gusto ko yung relationship namin ni Vin. Kasi meron kaming separate time.

“Hindi kami masyadong clingy. Kaya ko siya gusto.”

Ayaw ba niyang magkaroon ng pagkakataon na makakilala at maligawan din ng ibang lalaki, at baka sakaling meron pang mas hihigit pa kay Vin?

Diin niya, “Hindi. Wala talaga, e.

“Hindi naman sa wala. Pero parang sobrang kuntento na ako. As in super!”



IDEAL TRAITS. Noong nakasama ba niya si Vin sa Artista Academy ay pinangarap mo siyang maging boyfriend?

Lahad niya, “Hindi. Yung mga friends ko, love talaga si Vin.

“Sinasabi sa akin ng mga friends ko na parang, 'Oy, huwag mo nang hihiwalayan 'yan ha?'

“Ako naman parang, 'Oo, hindi talaga. Hindi na talaga.'

“Kasi parang before ko siyang ma-meet, yung vision na gusto ko sa isang lalake, nandun sa kanya.

“Lahat ng wini-wish ko sa lalake, sa relationship, yung pagtrato sa akin, ibinibigay niya. So siya talaga.”

Continue reading below ↓

Gaya ng ibang ideal relationships, hindi naman nila siguro maitatanggi na may mga panahong nag-aaway din sila. Paano sila nag-aaway? Anong mga isyu ang pinagmumulan nito?

Kuwento ni Sophie, “Yung mga away namin sobrang walang kuwenta. Kasi pareho kaming moody. Minsan ako, yung may topak.

“Minsan, siya yung may topak.

“Ang nakakatuwa, kapag nag-aaway kami, after a while, natatawa na lang kami. Tumatawa na lang kami.”



DAD STILL IN COMA. Kinumusta naman namin kay Sophie ang kanyang ama na matagal nang in coma.

Ipinagdadasal daw ni Sophie na sana isang araw ay dumilat o gumalaw ang ama niya.

“Kasi iniisip ko, ano bang reason kung bakit 15 years na? Fifteen years na ganyan siya.

“Ano bang dahilan at nandiyan siya for 15 years? Siguro may hidden reason…siguro lang faith.”

Na-comatose raw ang ama ni Sophie nang ma-heart attack ito at na-stroke sa loob ng sasakyan.

Continue reading below ↓

“So na-cardiac arrest siya,” pahabol niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sophie Albert on what keeps her relationship with Vin Abrenica going strong: “Palagi siyang nandiyan para sa akin, 'pag kailangan ko siya. Alam mo yung parang partners talaga kami—tulungan, hatakan. Yun talaga yung gusto ko sa relationship. Yun ang meron kami ni Vin kaya happy ako."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results