John Manalo happy for success of batchmates Kathryn Bernardo and Julia Montes

Jun 7, 2015
John Manalo on Goin' Bulilit batchmates Kathryn Bernardo and Julia Montes: “Yun nga po ang maganda kina Kathryn at Julia. Kahit na sikat na sikat na sila, hindi po nila nakakalimutan ang pagkakaibigan namin.”

Binatang-binata na ang dating award-winning child actor na si John Manalo.

At 19 years old, busy pa rin si John sa paglabas sa TV via the Kapamilya teleserye na Bridges of Love.

Sinasabay niya ang kanyang pag-aaral sa University of Santo Tomas, kunsaan kinukuha niya ang kursong Communication Arts.

Sinisikap ni John na mapagsabay ang kanyang pag-aaral at showbiz career.

“Second year college na po ako sa UST.

“Nagagawa ko naman po nang maayos ang pagbalanse ng showbiz at pag-aaral ko.

“Tulad po ngayon, nag-enrol ako at full load po ako this semester.

“Naaayos naman po ang schedule ko sa taping ng Bridges of Love.

“Ang importante po ay hindi ako maka-miss ng classes ko,” pahayag pa ni John nang makakuwentuhan namin siya sa press launch ng Filipino New Cinema ng World Premieres Film Festival 2015 last June 4, sa Torre Venezia Suites, Timog Avenue, Quezon City.

FILMMAKING DREAM. Dream ng dating child actor ang maging isang film director kaya gusto niyang mabilis siyang makatapos ng Communication Arts course niya.

Continue reading below ↓

“I want to take up filmmaking sa New York City.

“Yun po ang dream ko talaga na balang araw ay ako naman ang nasa likod ng kamera.

“Since nagsimula nga po ako noong bata pa lang ako, na-expose na ako sa maraming directors tulad nga po nila Direk Chito Roño, Direk Rory Quintos, Direk Joel Lamangan, at Direk Olivia Lamasan.

“Hinahangaan ko ang mga ginagawa nilang pagbuo ng pelikula at mga teleserye. Kaya nagkaroon po ako ng interes na tularan sila.

“Gusto ko po na one day matawag naman akong Direk John Manalo,” ngiti pa niya.

INDIE COMEDY. Kasama si John sa indie comedy film na Filemon Mamon na isa sa walong official entries sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival 2015.

“Ang director po namin sa Bridges of Love na si Direk Will Fredo ang director din nitong Filemon Mamon.

“Sinama po niya ako sa cast bilang campus bully na aapi sa bida na si Filemon. Pero sa bandang huli ay magiging kaibigan at tagapagtanggol ako ni Filemon.

“Maganda po ang story nito kasi based po siya sa isang children’s book na sinulat ni Christine Bellen.

“Pinapakita rito sa movie namin ang tapang at tiyaga ng isang taong inaapi. Yung hindi basta patatalo sa mga pagsubok at patuloy lang niyang gagawin ang gusto niya.

“Para ito sa buong pamilya at kapupulutan po siya ng maraming aral ng mga bata,” diin pa ni John.

Pamangkin si John ng award-winning actor na si Jericho Rosales, at nagsimula siya bilang isa sa mga child stars ng programang Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

Nanalo siya ng best child actor award mula sa FAMAS at Star Awards para sa pelikulang Feng Shui.

Nakuha rinnni John ang Most Popular Child Performer para naman sa TV series na Mga Anghel Na Walang Langit.

Na-nominate din siya sa best supporting actor category para sa mga pelikulang Caregiver at Dubai.



KATHRYN AND JULIA'S FIRST LEADING MAN. Si John ang unang naging ka-loveteam ni Kathryn Bernardo noong mga bata pa sila sa Goin’ Bulilit.

Continue reading below ↓

Siya rin ang unang naging parter ni Julia Montes sa teleserye na Mara Clara.

Masaya si John para kina Kathryn at Julia na nagayon ay parehong sikat na teen actresses.

“Sabay po kaming lumaki nila Kathryn at Julia sa Goin’ Bulilit. Hanggang sa gawin nga namin ang Mara Clara, hindi nawala ang pagkakaibigan namin.

“Up to now po, kapag may time ay nagkikita kaming tatlo.

“Hindi naman po nawala ang communication naming tatlo. Kapag may nababalitaan kaming bagong project ng bawa’t isa, nagte-text kami agad ng congratulations message.

“Yun nga po ang maganda kina Kathryn at Julia. Kahit na sikat na sikat na sila, hindi po nila nakakalimutan ang pagkakaibigan namin,” ngiti pa ni John.

Hindi ba nanghihinayang si John na si Daniel Padilla ang leading man na ngayon ni Kathryn kay Daniel Padilla at si Julia naman ay naipareha na sa iba’t ibang leading men?

“Wala naman pong panghihinayang. Siguro po destined si Kathryn na ma-pair kay Daniel talaga.

Continue reading below ↓

“Kasi mga bata pa kami noon ni Kathryn noong gawin kaming loveteam sa Goin’ Bulilit. Talagang hanggang doon lang kaming dalawa.

“With Julia naman po, mas tumangkad po kasi siya sa akin noong Mara Clara pa lang. Kaya awkward na maging ka-loveteam niya ako.

“Bilang kaibigan po nila, sobra akong masaya sa kanilang dalawa dahil naabot nila yung mga dreams nila na maging big stars.

“At tulad nga po ng sinabi ko, hindi po sila nagbabago kahit sikat na sila.

“Down-to-earth pa rin sila kaya mahal na mahal sila ng mga fans nila,” nakangiting pagtapos pa ni John Manalo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Manalo on Goin' Bulilit batchmates Kathryn Bernardo and Julia Montes: “Yun nga po ang maganda kina Kathryn at Julia. Kahit na sikat na sikat na sila, hindi po nila nakakalimutan ang pagkakaibigan namin.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results