Melissa Ricks to chronicle milestones of baby via YouTube channel

IMAGE Noel Orsal

Masaya si Melissa Ricks dahil positibo raw ang naging pagtanggap ng kanyang viewers sa videos na ginawa niya featuring her baby girl, Kiera.


Natutuwa si Melissa Ricks na habang wala pa siyang regular na proyekto sa ABS-CBN ay may iba siyang pinagkakaabalahan.

Busy si Melissa sa kanyang YouTube channel sa ilalim ng 90 creators ng Chicken Pork Adobo, kung saan hawak niya ang tungkol sa parenting at “everything under the sun.”

Tamang-tama ito lalo na’t isa na siyang ina.

Siyempre, bida sa kanyang video content ang six-month-old baby niyang si Kiera Kelly.

“Now I get to share through videos yung mga ginagawa namin. It’s very exciting. I’m very proud of Kiera.

"Gusto kong makita ng lahat yung development niya.

"I also like to help other moms kasi when I was pregnant, other moms really helped me.

"Yung mga advice nila sobrang laking bagay.

"So gusto ko ganun din ang magawa ko for other moms,” sabi ni Melissa nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

At press time, “Dalawa pa lang yung videos ko, isang 'Mommy Diaries' na first pictorial ni Kiera, and then the second one is parang mga personal kong ginagawa, yung 'Marshmallow Challenge' with my friends.

"Two weeks pa lang kasi yung channel ko e so bago pa lang."

So far, mayroon na raw siyang "16,000 views."

Ang masayang sabi ni Melissa, "Sobrang natutuwa ako kasi naa-appreciate nila ang ginagawa ko. Pati sa comments nila, like sobrang cute daw ni Kiera!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN