Showbiz newcomer Taki looks like Coleen Garcia, right?

IMAGE Rose Garcia

What does Taki do each time people mistake her as Coleen Garcia? She replies, “Yes, actually sasabihin ko sa kanila na I’m not Coleen..." But in the end, she added with a smile, "magpapa-picture pa rin sila.”


Pinaghalong Japanese, Filipino, at Brazilian ang 15-year-old na si Taki o Takako Saito sa tunay na buhay.

Siya ang pinakabagong artist na ipinakilala ng Triple A o All Access for Artists ni Tony Tuviera at management company rin ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ang simulang pahayag ni Taki, "I was born in Japan and stayed there for one year.

"Pumunta kami rito sa Pilipinas hanggang five years old ako and then, we went to Paris hanggang nung 13 ako. And then, bumalik kami rito."



FLUENT TAGALOG. Ang mommy ni Taki ay half Japanese/ half Pinay at ang biological dad niya ay Brazilian.

Pero lumaki raw siya na ang kasama ay ang stepdad niya na isang French banker.

Kahit lumaki sa ibang bansa, mahusay magsalita ng Tagalog si Taki dahil nag-aral siya sa isang private school dito sa Pilipinas.

"I wanna learn the language kasi sabi ni Mommy, we’re gonna be living here.

"So I won’t learn it if I’m in an international school kaya nag-Colegio de San Agustin ako.”

Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Taki na makita ang kanyang tunay na ama. Pero kamakailan lang daw, na-trace niya ito sa Facebook.

Hindi raw naging maayos ang pag-uusap nila.

Ganunpaman, hindi raw niya naramdaman ang kakulangan nito.

“It is because my mom was able to do everything, so okey lang.”



OWN IDENTITY. Sanay na si Taki na madalas siyang masabihan na kahawig niya ang Kapamilya star na si Coleen Garcia.

“Sa mga malls pa lang po, may mga humahabol po and they say, 'you’re Coleen.'

"[Sasabihin ko], 'No, I’m not,' and they’re like. ‘No, it’s you.’”

Natatawang sabi pa niya, “’Di po ba dati mahaba ang buhok niya [Coleen]?

"And napapanood ko na po siya kasi dati po, Showtime is one of the shows that I watched.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagpapa-picture talaga sa kanya dati?

“Yes, actually sasabihin ko sa kanila na I’m not Coleen pero, magpapa-picture pa rin sila.”

Flattering ba na napagkakamalan siyang si Coleen?

“Of course, it’s flattering kasi she’s really pretty.

"So I’m really flattered kapag sinasabi nila, pero, siyempre, I would like to be known for who I am.”


G FORCE TRAINING. May dalawang taon pa lang daw ang nakalilipas nang madiskubre niya mismo sa sarili na gusto niya palang pasukin ang mundo ng showbiz.

Nagsimula raw siya sa pagti-train ng sayaw sa G Force.

“Maraming nagsasabi and, siyempre, na-curious din ako how’s the life. Parang I fell in-love with the camera.”

Sa ngayon daw, gusto ni Mr. Tuviera na i-pursue ni Taki ang dancing at mag-train pa sa acting and singing.

Napanood na siya minsan nang mag-guest sa Ismol Family.

Wala pa naman daw siyang network na kinabibilangan talaga, pero tahasan niyang sinabi na, “I feel comfortable with GMA po.”

ENCOUNTER WITH MARIAN RIVERA. Nakilala na raw ni Taki ang “kapatid” niya sa AAA na si Marian. Pero isang beses pa lang daw sila nagkikita.

“I visited Direk Dominic Zapata in the taping of The Rich Man’s Daughter.

"But it was just a 'hi, hello, and goodbye.'

"I didn’t know APT pa before.

"But I really like to work with Ms. Marian Rivera, she’s one of my favorites.”

Tinanong din namin siya kung sino yung mga artistang lalaki na cute para sa kanya.

Ngumiti ito at sinabing, “Well dati po, sina Daniel Padilla at Enrique Gil.

"Sa GMA-7 po, I didn’t have the chance to really meet them, si Julian Trono at si Miguel Tanfelix pa lang and they are really nice.”



WHAT WILL SET HER APART? Sa huli, tinanong namin si Taki kung paano niya mapapatunayang she’s not just another pretty face in showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have a personality na iba sa mga tao.

"I’m really bubbly, and I dance a lot, and I know a lot of culture so puwede ko po siyang ihalo talaga,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN