Carmina Villarroel says social media is one of the reasons why she doesn't want kids to enter showbiz: “...you can say nasty things about me, but not my kids.”

IMAGE Mark Atienza

Carmina Villarroel reveals how she protects her kids from online and social media bashers: “Sabi ko sa kanila, kahit mabait ka you cannot please everybody. Meron at meron talagang manlalait sa iyo, meron talagang ayaw sa iyo. Sa kanila [the twins], 'pag may ayaw at kapag may nababasa sila na ayaw sa kanila, they just don’t mind it.”


Nilinaw ni Carmina Villarroel na hindi niya pinipigilan ang kambal niyang sina Casey at Maverick na pasukin ang showbiz.

Sa ngayon, may nababanaag na interes sa dalawa na sundan ang yapak ng kanilang ina at amang si Zoren Legaspi.

May mga nagsasabing puwede nang pakawalan ni Carmina ang mga anak sa showbiz dahil napapanood na ang mga ito sa iba’t ibang TV commercials, pero tila tutol sila ni Zoren na pag-artistahin ang kambal.

Paglilinaw ni Carmina, “No naman. Hindi naman sa dini-discourage ko sila.

“It’s just pag-aaral lang muna. Of course, sinasabi ko yung mga advantages and disadvantages.

“Sinasabi ko na hindi ito lahat glamor, hindi ito masaya, may hard work ito, puyat, social media ibang klase na, 'pag hindi ka nila gusto below-the-belt kung tumira.

“As a mom, I cannot stomach that. You can hurt me or you can say nasty things about me, but not my kids.

“Feeling ko 'pag mga anak ko na, teka muna.”

Exclusive na na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmina sa thanksgiving presscon ng magwawakas nang serye sa ABS-CBN na Bridges of Love, kunsaan gumaganap na kontrabida ang aktres. Ginanap ito nitong nakaraang Huwebes ng hapon, July 23, sa 9501 Resto, ELJ Building, ABS-CBN compound.



PRIVATE STATUS ON SOCIAL MEDIA. Nagpapasalamat naman si Carmina dahil malawak ang pang-unawa ng mga anak na minsan ay nakakatanggap ng mga harsh comments mula sa kung sinu-sino.

Saad pa niya, “Sabi ko sa kanila, kahit mabait ka, you cannot please everybody. Meron at meron talagang manlalait sa iyo, meron talagang ayaw sa iyo.

“Sa kanila [the twins], 'pag may ayaw at kapag may nababasa sila na ayaw sa kanila, they just don’t mind it.”

Wala raw Twitter sina Casey at Maverick. Ang meron lang ay Instagram. Naka-private raw ang account ng kambal.

Paliwanag ng aktres, “Kasi hindi naman sila artista e kaya private.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron silang Facebook pero naka-private. Only for school projects. Kasi doon sila nagku-communicate with their classmates.

“Hindi naman lahat may cellphone.

“Tinatanong kung bakit naka-private. Of course, they will understand kung bakit. Hindi naman sila mga artista.”



TRUST, GUIDANCE, AND COMMUNICATION. Walang duda ang pagiging protective mother ni Carmina sa mga anak. Kaya tinanong ng PEP kung mahirap bang i-shield ang mga ito lalo pa't pareho sila ni Zoren na nasa showbiz?

Ayon sa aktres, “Siyempre, constant reminder lang 'yan.

“You really just have to talk to your kids para mababantayan mo. I cannot shield them 24/7 because I’m also working.

“Constant guidance. Constant reminding lang, guidance, communication with them.

“I trust my kids. Alam ko naman hindi gagawa ng kung ano 'yang mga 'yan. Kilala ko naman ang mga kaibigan.

“Sinasabi ko lang sa kanila na just be aware of your surroundings. Kasi mahirap ang buhay ngayon, you have to be prepared all the time.”

Kailan niya sila hahayaan o pakakawalan at maging independent?

“Siguro 'pag mga 40 [years old] na sila!” sabay tawa nang malakas ng aktres.

“Hindi ko alam kung kailan, they’re only 14. Kasi mga baby pa sila, kasi ngayon forever babies pa sila. Hindi ko alam.

“Pero kung sa tingin ko they’re mature enough at kaya na nila o 'di sige, go! Kailangan ipakita nilang kaya na nila.”



REGULATING KIDS' ONLINE ACTIVITIES. Pagdating ba sa paggamit ng computer ay may restrictions ang mga bata?

Detalyeng kuwento ni Carmina, “'Pag school days, bawal ang telepono, bawal ang laptop. Unless may kinalaman ang assignment. Alam nila yun.

“Pagdating ng Saturday and Sunday, sige, puwede. Pero ang gusto lang naman nila mga snapchat.

“Hindi ko naman alam yung mga ganyan. Gusto lang rin naman nila mga Instagram, yung mga ganyan lang.

“Pero alam naman nila kung ano ang tama at mali. We’re very open to our kids, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Pag nag-uusap kami at may napapanood kami sa TV na hindi maganda o 'pag may nangyayari sa atin, kinukuwento ko sa kanila.

“Sinasabi ko sa kanila na 'eto, hindi tama, 'eto mali.

“Of course, my kids are not perfect, may mga influences pa rin yung mga kaibigan. Pero that’s why you have to know their friends. Para alam mo kung same wavelength ba sila.

“Kasi ngayon ang mga trip lang naman nang anak ko, magba-basketball lang 'yan, pupunta sa mall, manonood ng sine, kakain sa labas, magwu-work out together.

“Kumbaga, healthy, clean, fun.

“So kailangan mo lang ma-divert yung atensiyon nila sa gano'n.

“Kasi once na walang workout activity, doon lang naman tatakbo yung utak nun na sige, punta tayo sa ganito, punta sa ganyan.

“But if you keep them busy, wala na silang iisipin pang iba.”



TWO KIDS ARE ENOUGH. Matagal nang tinatanong si Carmina kung may balak pa sila ni Zoren na sundan ang kambal?

Sabi niya, “Hindi na siguro kasi 14 [years old] na sila. Gusto ko pero ayaw na ng kambal, ayaw na nila.

“Sinasabi nila na forever babies na lang raw sila.

“Kahit si Zoren ayaw na rin. Ayaw na daw niya. Kasi gusto niyang matutukan, kung paano raw niya tinutukan yung kambal, gusto niya gano'n din.

“Sinasabi niya pag 18 [years old] na yung magiging anak namin, ilang taon na ako? Minsan nagka-calculate na siya. Oo nga naman may point ka diyan.

“Baka wala na talaga.

“Very thankful kami na na-bless kami ng kambal na one-time pregnancy pa.

“So talagang sobrang happy na kami. Wala na akong mahihiling, perfect pair na sa akin yung kambal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN