Carmina Villarroel wants to look good for her husband, kids: "Gagawa at gagawa ka ng paraan."

IMAGE Noel Orsal

A snacker of sweets, Carmina Villaroel relates how she cheats as a disciplined eater: "...instead of eating one bar, dalawang kagat lang, e 'di tapos ang usapan."


Kinabibiliban ng marami ang pananatili ni Carmina Villarroel nang kanyang itsura at pangangatawan, na puwede pang humilera sa mga young actors ng henerasyon ngayon.

Ayon sa aktres, hindi madali pero nagbibigay siya ng panahon para sa self-enhancement.

Saad pa ng isa sa mga bida sa teleseryeng Bridges of Love sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Disiplina lang talaga. I wanna look good for myself, for my kids. Kung gusto mo gagawa at gagawa ka ng paraan.

“Like ako, kung MWF [Monday, Wednesday and Friday] ang trabaho ko, TTHS [Tuesday, Thursday and Saturday] nasa gym ako.

Exclusive na nakapanayam ng PEP si Carmina sa pinakahuling presscon ng Bridges of Love noong July 23 na ginanap sa 9501 resto, ELJ building, ABS CBN 2.

Inamin ni Carmina na may mga cheat moments pa rin siya na hindi niya talaga maiiwasan.

Nakangiting pag amin pa nito, "Ay, meron weekends, I cheat every day. Work out ako. Pag nagtsi-cheat ako 'di naman ako nagpi-pig out.

"Ma-dessert ako. Sobrang I love sweets. Every day may sweets ako. Pero hindi ibig sabihin... instead of eating one bar, dalawang kagat lang, e, 'di tapos ang usapan.

"Hindi ko kayang mag diet. Kumakain ako ng normal pero hindi ako nagpi-pig out all the time. Walang gano'n.

"Ang bawi ko nag-gi-gym ako, nagka-cardio ako. Kung anuman yung makain ko, hindi ka magi-guilty. It has to be your lifestyle."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN