Newbie Kevin Poblacion rates his crushes: Kim is a 9 and Julia, "maybe 6 or 7"

IMAGE Glenn Regondola

Kevin Poblacion wants to be both a drama and comedy actor, and he will have his chance to show his acting mettle in the projects of director Ronald Carballo, "He'll give me some roles...sa movies, ganun. Also, my family is fully supporting me."


Dream come true para sa baguhang si Kevin Poblacion ang makita sa bakuran ng ABS-CBN ang dalawang showbiz crushes niya na sina Kim Chiu at Julia Barretto.

Nangyari ito habang nasa acting workshop siya under Direk Ryan Carlos.

Nasa Vancouver, Canada, pa lamang siya kung saan nakatira ang kanyang pamilya ay pangarap na raw niyang makilala ang young actresses na kanyang hinahangaan at iniidolo.

Sa pocket presscon niya sa Shakey's, sa Tomas Morato noong July 29, ipinagmalaki ni Kevin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa ilang miyembro ng entertainment media, ang tungkol sa karanasan niya nang makita ang dalawa.

Bungad niya na abot hanggang pisngi ang mga ngiti, "Masaya ako. I love their personality.

"I didn't expect to see them sa compound ng ABS-CBN, although noon pa, may feeling ako na makakasalubong ko sila.

"Masaya, masaya naman ako."

Kanino siya sa nagandahan sa dalawa?

Pabirong sagot niya na walang intensiyong maka-offend, "Ano... kay Kim. And I don't think Julia is...

"Medyo average lang ang face niya, average in the showbiz standard.”

In a scale of one to ten, sabi pa niya, “Si Julia is maybe 6 or 7, and Kim is 9. Yung 10, I don't know yet."

Dahil nagkakabiruan lang naman kami, inalam na rin namin sa kanya kung ano ang masasabi niya kay Liza Soberano.

Mabilis niyang sagot, "O, Liza is pretty! Nine din siya.

"To me, personality is the ten.”

Pero ang totoong idolo raw niya ay ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil napanood niya sila sa Kapuso teleseryeng Marimar.

Ani Kevin, "Oh, Dingdong is my idol. Yeah, they make a good couple. I like them both."

Dahil laking-Canada siya at wala pang masyadong alam sa local showbiz, inalam namin sa kanya kung ano ang Tagalog movie na napanood na niya.

Sabi ng 19-year-old newbie, "Ano lang, yung Taklub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was good, I like it. It was very dramatic, it was so sad."

Tungkol naman sa takbo ng kanyang career, marami naman raw plano para sa kanya.

Gagawa muna siya ng teleserye at indie movies na ang dating ay parang pang-mainstream.

Aniya, "After the workshop, I'll have projects with Direk Ronald [Carballo].

"He'll give me some roles in his projects, sa movies, ganun.

"Also, my family is fully supporting me."

Gusto raw niyang maging dramatic actor, pero gusto rin niyang i-try ang comedy at light roles.

Handa na ba siya sa mga intriga sa showbiz?

Aniya, "I think, I'm kinda used to it. As long as hindi makaka-offend sa akin, okay lang ako.

"I mean, when decided to try it here, I'm ready kung ano ang mangyayari sa akin, and what to expect.

"So now pa lang, I'm doing my best na maging okey sa akin ang showbiz.

"I'm ready for all of that."

Biniro namin siya tungkol sa sex scandal na kinasasangkutan ngayon diumano ng ilang teen stars.

Napapangiting saad niya, "I'm really safe, right now. I think, they just made a mistake, they are young.

"If something like that happens [to me], I'll just ignore it and keep going.

"I'll acknowledge that I’ve made a mistake, accept me or not."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN