Geoff Eigenmann turns to jiu-jitsu while waiting for next project

IMAGE Noel Orsal

Geoff Eigenmann on having a new girlfriend: “I’m happily single and enjoying my jiu-jitsu life. Hindi rin naman siya on hold, pero never naman akong naghanap talaga."


Jiu-jitsu ang pinagkakaabalahan ng Kapuso leading man na si Geoff Eigenmann habang wala pa siyang bagong teleserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa 15th anniversary party ng YES! magazine.

At sa kuwento pa lang niya, mahahalatang nag-i-enjoy siya ngayon sa larong ito.

“I just recently got my blue belt [the second adult rank in the sport]. Parang second level na ko. White, blue, purple, brown, black ang mga level.

“Blue na 'ko ngayon, and it took me two years to get it.

"And yun, finally, yung pinaghirapan ko.”

Seryoso daw siya sa martial art/combat sport na ito.

“Nagko-compete na ko, it's just that a month ago, na-injure lang ako, na-dislocate ang shoulder ko sa competition pero okey naman na.”

Hindi ba maging dahilan ang jiu-jitsu para masapak siyang talaga, mabugbog, at mapuruhan pa ang mukha niya?

“Hindi naman, wala namang sapakan sa jiu-jitsu. Puro grappling lang sa ground lang,” sagot ni Geoff.

Sa bansa pa lang daw siya lumalaban at nanalo na ito ng gold, silver at bronze.

Next year, umaasa ito na makapag-compete na rin daw siya sa Japan at sa America.

Ang alam namin, talagang nakahiligan na ni Geoff ang pagdyi-gym.

Pero ano’t biglang naging sobrang interesado siya sa jiu-jitsu?

“Well, ever since naman, athletic na ko. I’ve always been into sports. Sinubukan ko lang siya two years ago and then hayun, na-in love ako sa kanya 'tapos tinuluy-tuloy ko.

“That’s what keeps me occupied kapag wala akong ginagawa ngayon.”

NO GIRLFRIEND. Hindi ba siya naiinip na wala pa siyang bagong teleserye?

Sabi naman niya, “No, I’m enjoying my time for myself.”

Baka hindi siya bigyan ng bagong programa dahil nag-e-enjoy naman pala siya.

“No, I can’t say no naman kasi it’s a guaranteed contract. And, of course, masaya ako kung may bagong project. Kung wala pa, I can enjoy other things,” sabi ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat si Geoff nang sabihin namin na may lumabas sa isang tabloid na umano’y may bago na siyang girlfriend.

Naka-quote pa raw na ang nagkuwento ay ang mismong ina niya na si Direk Gina Alajar.

Sabi ni Geoff, “No, I’m happily single and enjoying my jiu-jitsu life. Hindi rin naman siya on hold, pero never naman akong naghanap talaga.

“If it comes my way, it comes my way.”

Hindi ba siya lumalabas, nakikipag-date?

“I do, but I don’t go out looking for someone."

Halos isang taon na rin siyang single at walang karelasyon. Masasabi ba niyang masaya pa rin siya kahit na single?

“Siyempre ang buhay naman, maraming high and low. Okey naman, I’m very happy now. Compared to last year, I’m happier now.”

Kung sakali at magkakaroon siya ng panibagong karelasyon, nakikita ba niyang ito na nga?

“I’m not getting any younger,” nakangiting sabi ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN