Pansumandaling nagpahinga sa taping, shooting, at iba pang showbiz commitments ang mga artista at empleyado ng Star Magic kahapon, July 29. Sa loob ng isang araw ay nagsama-sama sila para sa ikatlong Star Magic Games, na ginanap sa Celebrity Sports Plaza, sa Capitol Hills Drive, Diliman, Quezon City, para sa isang friendly sportsfest.