Marian Rivera reveals baby's name to fans but asks them to keep it a secret: “Kasi gusto ko, yung asawa ko ang unang magsabi talaga.”

IMAGE Rose Garcia

Marian Rivera to fans: "Ang pagmamahal, pag-iidolo, pagbibigay ng inspirasyon, wala sa tanda, basta parehas kang nagmamahal, para sa akin, pantay-pantay na. Ibig sabihin kung senior na, bawal magmahal?”


Ipinadama ni Marian Rivera sa mga fans kung gaano kahalaga sa kanya ang mga taong masugid nang sumusuporta at nagdarasal para sa kanila ng asawang si Dingdong Dantes.

“Ang dami kong gustong sabihin, e. Pero una sa lahat, salamat.

"Sabi ko nga, gusto raw ninyong magbigay ng baby shower?” panimula ni Marian nung gabi ng August 10, sa Makati Sports Club, kung saan idinaos ang thanksgiving/ mass para sa kaarawan niya sa August 12.

Patuloy niya, “Sabi ko nga, okey lang. Gusto ko ‘yan.

"Pero sabi ko nga, instead na baby shower, okey, combination na, gusto ko na mag-thanksgiving tayo.

“Kasi, ang dami na nating napagdaanan. Ang dami nang magandang nangyari sa buhay natin . For sure, lahat kayo ipinagdasal n'yo na magkatuluyan kami ni Dong [Dingdong Dantes].”

Masaya at sabay-sabay sumigaw ng, “Yes!” ang fans.

Sa pagpapatuloy ni Marian, “For sure, after naming makasal, ipinagdasal n'yo na magkaanak kami. Parang lahat yun, ibinigay sa atin. Lahat ng hiningi niyo para sa amin, ipinagkaloob talaga sa amin."



SHOWER OF BLESSINGS. “Ang bilis! After ng wedding, ilang months lang, ngayon may Maria na tayo.

"So parang dire-diretso yung blessing namin.

“Kaya sabi ko nga, thanksgiving na lang tayo, magdasal tayo, magsama-sama tayo.

“Sabi ko nga, hindi yata matatawaran ang ginagawa n’yo sa amin, especially, alam ko na marami naman talagang pagsubok, marami naman talagang nagaganap.

"Pero ang dami naming napatunayan ni Dong noong mag-usap kami.

“Kung makikita n’yo kami ng asawa ko, for the first time, nagsalita. So ang hirap lumagay sa sitwasyon kasi kapag ako ang nagsalita, masama ang interpretasyon.

“Kapag ang asawa ko ang nagsalita, naiintindihan, parang mas malawak ang pang-unawa ng mga tao.

“Sabi ko, it’s about time. Kasi mahal natin ang mga ‘yan, kilala natin ang mga ‘yan.”

Nabanggit ni Marian ang lumabas din dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kunsaan nagbigay ng pahayag o reaksiyon si Dingdong bilang pagdepensa sa mga fans na inilarawang "very bad."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

READ STORY Heart Evangelista calls Marian Rivera fans “very bad”

Sinabi pa ni Marian sa kanyang speech, “Palagi ninyong sinasabi sa amin ni Dong na, 'Inspirasyon namin kayo, kayo ang mahal namin, kayo ang buhay namin, kayo ang dahilan kung bakit kami nandito.' Ang sarap!

“Kumbaga, binibigay namin sa inyo yun ha. Yun ang sinasabi niyo na ganun kami. What more kami pa, ‘di ba?

“Para magkatipon-tipon tayong lahat, sabi nga ng iba, yung iba, wala rito, yung iba may trabaho, yung iba may ganito, para bigyan niyo kami ng time, e, ibang klase rin yun.

“Kung mapapansin niyo, nandito si Mommy Angeline [Dantes, ina ni Dingdong], nandito ang lola ko, ang mama ko, kasi gusto kong patunayan sa inyo na mahalaga rin kayo sa amin, ‘di ba?

“Nandito ang family ko para i-appreciate kung ano ang ginagawa ninyo para sa amin ni Dong.

“So sana na-appreciate niyo rin yun. Maraming salamat sa nagtatanggol. Parang ilang taon na ba tayo?

“Actually, ang una kong fans club ay Marian Knights. So alam niyo, ang dami-rami nating mga taon na nagsama-sama, pero sa totoo lang, parang ito yata ang pinakamalaking fans club talaga kapag nagsasama-sama.”

VIEW PHOTOS Marian Rivera graces birthday party thrown by fan club



MESSAGES FROM FANS. Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang representatives ng bawat fan club nina Marian at Dingdong.

Ang unang nagsalita ay nagsabing isa siyang CPA (Certified Public Accountant) at meron ding nurse, bumbero, doctor.

Ang iba ay hindi nakarating dahil sa iba’t-ibang bansa nakatira o nagtatrabaho.

Pero ayon sa mga ito, natutunan daw nila sa pagiging fans nila nina Dingdong at Marian ang makipagkaibigan.

Sabi pa nga ni Marian, “Natuwa ako sa nag-spiel kanina na ano ang natutunan niyo sa pagmamahal niyo sa amin ni Dong?

"Oo, palagi kong sinasabi sa inyo, minsan ‘di ba, hindi magkaintindihan sa ganito, e, sino ba ang minamahal niyo, 'di ba kami naman ni Dong?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So dapat talaga, mag-join force tayo. Magkakampi tayo, sama-sama, positive vibes."



SENIOR CITIZEN ISSUE. “Sabi ko nga, ‘di ba, sige, kung meron mang hindi pagkakaunawaan, may mga bagay o tao na idinadaan sa pananakit.

Yung isa man sa inyo, sinasabi na may senior citizen ako, I don’t care.

"Bakit? Yung senior citizen ko, nakakapagsayaw pa.

“Alam mo, ang pagmamahal, pag-iidolo, pagbibigay ng inspirasyon, wala sa tanda, basta parehas kang nagmamahal, para sa akin, pantay-pantay na.

“Ibig sabihin kung senior na, bawal magmahal?”

Hinanap ni Marian ang pinaka-senior na miyembro ng fans club niya. Hindi ito nakarating sa thanksgiving mass pero nagpakita ito sa pilot episode ng Sunday PinaSaya.

Sabi ni Marian, “Kung mapapansin niyo, hindi ko man kayo kilala sa pangalan, pero sa mukha kilala ko kayo.

“Hayun lang, gusto ko lang magpasalamat paulit-ulit.

"Actually, noong nagpunta 'ko rito, sabi ko, 'Gusto kong magkaroon ng picture hindi para patunayan na marami tayo kung hindi gusto kong sabihin na pinagmamalaki ko itong mga fans na ito.'

“Nandiyan kayo para sa amin ni Dong. Nagdarasal kayo.

"Sabi ko nga, hindi natin kailangan manakit, hindi natin kailangan manira ng kapwa natin para iangat ang sarili natin. Hindi na natin kailangan yun.

“Ang importante, masaya tayo. Nagkakasundo tayo, at the end of the day. Ang pag-aartista ay pag-aartista.

“Ang importante niyan, paano na-touch ang buhay ng isa’t-isa at kung paano tayo naging magkaibigan, yun ang mahalaga.”



MESSAGE TO FANS VIA INSTAGRAM. Binanggit din ni Marian na may ginawa na siyang mensahe sa cellphone niya, pero dahil ayaw raw niyang maiyak, ipu-post na lang daw niya.

Sa Instagram account ni Marian, nandoon ang larawan niya kasama ang mga fans na nakadalo ng thanksgiving mass at ang mensahe niya para sa mga ito.

“Marami akong ipinagpapasalamat sa buhay ko, isa na roon ang pagkakaroon ng ganitong mga tao na sobrang magmahal sa akin—sa asawa ko, at sa anak ko na nasa tiyan ko pa lang. Salamat sa araw-araw na pagdarasal niyo sa pamilya ko. Kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit masarap mabuhay, dahil kayo ang isa sa nagpapatunay na ang pagmamahal ay walang hanggan. Maraming salamat sa pagiging mabuti ninyong mga tao, at palagi niyo itong tatandaan, mahal na mahal ko din kayo... hanggang sa pagtanda ko, isa kayo sa masasabi kong naging magandang parte ng buhay ko, na kailan man ay ipagpapasalamat ko sa Panginoon. Mabuhay ang mga tao na katulad ninyo na may busilak na kalooban at totoong nagmamahal . Nawa’y pagpalain pa kayo ng ating Ama sa langit. #Thanksgving.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Marian sa speech niya, “Sabi ko nga, siguro isa sa ipagmamalaki ko at sasabihin ko sa anak ko, may mga fans ako na katulad niyo.

“Sana ‘wag kayong magsawa. Wala man si Dong dahil nasa Pari ‘Koy, nandito naman si Mommy Angeline para kay Dong, ‘di ba?

“Basta magkaisa lang tayo, magmahalan tayo. Yun naman ang mahalaga. At basta mabibigyan ko kayo ng time e ginagawa ko talaga.

"Wala man si Dong, nandito naman ang ginawa niya [sabay turo sa baby sa tiyan niya kaya tawanan ang lahat].

"Pagkatapos nito, may susunod ulit, may susunod pa ulit. Makaka-anim kami. Para masaya,” natatawa niyang sabi.



SUPPORT FOR BABY. “Siyempre yung anak ko, hindi ko alam kung ano ang gusto niya sa buhay, pero sabi ko nga, bahala na siya. Basta mag-aral muna siya.

“Maging artista siya. Basta nasa dugo namin yun, okey lang. Pero feeling ko, tumanda man 'ko, yung anak ko pa rin, susuportahan niyo pa rin.”

Lahat ay sumang-ayon sa sinabi ni Marian kaya nagbiro ito nang, “Baka uugod-ugod na kayo nun.”

Sa totoo lang daw, naiiyak si Marian kahit nagpapatawa ang mga fans sa mga mensahe nila sa kanya.

“Iba talaga ang buntis, masyadong emotional, masyadong sensitive. Hindi ko alam kung bakit ganun, ang arte. Basta ang message ko para sa inyong lahat, nasa Instagram. Ipu-post ko na lang.”



BIG SECRET. Sa huli, pinakiusap ni Marian na i-off muna ang mga recorder at video dahil may sasabihin siya sa mga fans.

Sikreto muna raw dahil gusto raw niyang ang mga nagmamahal sa kanila ni Dingdong ang unang makaalam ng pangalan ng anak nila.

Sigawan naman lahat at nakiusap din ito sa ilang entertainment press na nasa thanksgiving mass na huwag muna raw isulat.

“Kasi kung mapapansin niyo, bihirang-bihira akong mag-post ng baby bump ko. Hindi sa ipinagdadamot ko kung hindi para patunayan na ang buhay ko, may personal akong buhay na gusto kong namnamin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi gusto ko, yung asawa ko ang unang magsabi talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN