James Blanco delights in being a househusband: "Masarap, nae-enjoy ko...pati pagluluto ginagawa ko iyan."

IMAGE Noel Orsal

Fatherhood becomes James Blanco as he relishes every moment with his three kids, “Mahirap din kasi kapag hindi mo sila nakikitang lumalaki.”


Nag-e-enjoy si James Blanco sa kanyang pagiging househusband kaya kapag walang trabaho ay nasa bahay lang daw siya.

“Nasa bahay lang ako kapag walang work, nag-aalaga ng mga anak.

“Oo, totoo iyan, househusband ako, walang joke iyan.

“Tatlo ang kids ko, iyong eldest is ten, sumunod ay nine, at iyong bunso ko is girl, kaka-four lang niya.

“Mahirap din kasi kapag hindi mo sila nakikitang lumalaki.

“Kaya kapag wala akong taping o trabaho, lagi kaming magkakasama

“Madali lang namang i-divide yung oras ko sa mga bata, ang wife ko [Tania Creighton-Castillo] nagwo-work.

“Operations manager siya sa isang clothing line at commercial model din siya,” kuwento ni James nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng indie film na Balatkayo (An OFW Story) ng BG Productions International.

HANDS ON. Paano siya mag-alaga ng bata, wala silang yaya?

“Madali lang namang mag-alaga ng bata, mayroon namang yaya.

“Pero siyempre, since malaki na naman yung mga anak ko, hindi na naman alagain.

“Katulad niyan, during weekend, magkakasama kami. Kakain sa labas, manonood ng sine.

“Sa grocery, kasama ko sila, ‘tapos after school nila, magmemeryenda kami, magba-basketball.”

Disciplinarian ba siya?

“Hindi naman, yung tama lang. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko.

“Hindi naman kailangang masyadong disiplinahin ang mga anak ko kasi maayos naman.

“Mababait naman ang mga anak ko, hindi naman sila kailangang higpitan.

“Kasi naniniwala ako na kapag hinigpitan mo, lalong kumakawala, e.”

HOUSEWORK. Sinabi rin ni James na masaya siyang pagsabayin ang pagtatrabaho at pagiging househusband.

“Oo naman, kasi alam mo, sa totoo lang, marami naman dito na after work, nasa bahay lang sila.

“Masarap, na-e-enjoy ko ‘tapos kasama ko ang mga anak ko. Pati pagluluto ginagawa ko iyan.

“Kasi noong bago pa lang kaming mag-asawa ng wife ko, wala naman kaming kasambahay noon.

“So ako ang nagluluto, kaming dalawang mag-asawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati raw paglalaba ay nasubukan din niya.

“Na-try ko, kasi bata pa lang ako ay naglalaba na ako, e.

“Noong bago pa lang kaming mag-asawa, sinubukan kong maglaba. Grabe, ang hirap talaga, sumakit ang kamay ko.

“Iyong magplantsa, iyon ang hindi ako marunong. Sinubukan ko dati, napaso ako kaya hindi ko na inulit,” nakatawang sagot niya.

Kung intrigahin siyang under de saya, ano ang magiging reaksiyon niya?

“Okay lang, kung under de saya tayo, okay lang naman iyon.

“Para sa akin, kung ganoon ka, nire-respect ka ng mga babae.”

NO NUDE SCENE. Samantala, hindi raw sasabak si James sa paghuhubad sa pelikula dahil sa kanyang mga anak.

“Sa edad ko ngayon, iyon din ang pinag-usapan namin ni Kuya Leo [Dominguez, ang kanyang manager].

"Siguro bed scene, pero iyong nude, malalaki na kasi iyong mga anak ko, e.”

Kung back exposure lang?

“Hindi maganda iyong back ko, e! Hindi loko lang!” nakatawang biro ni James.

Pahabol pa niya, “Pero siguro, kung kailangan naman talaga at kung makakaganda sa istorya, bakit hindi?”

Challenging daw ang role niya bilang pervert na OFW sa pelikulang Balatkayo (An OFW Story).

“Oo, very challenging, pero siguro hindi naman ganoon magiging kahirap.

“Ang atake ko siguro sa role, parang magiging naughty lang.

“Malalaki na kasi ang mga anak ko. Sinabi nga ni Direk Buboy [Neal Tan], hindi naman kailangan ng nude, e.

“Iyon naman ang principle ko sa buhay since nag-start akong mag-artista.

“Siguro noong bata-bata pa ako, baka mapilit ako, baka magdalawang-isip pa ako.

“Pero ngayon na ten years old na iyong eldest ko, may mga tanong na siya kapag napapanood na may kissing scene ako.

“Kasi siyempre marami nang tanong iyong mga bata, ayaw ko silang magkaroon ng malisya sa mga ginagawa ko.

“Siguro, hindi talaga tayo para maghubad or ano, pero yung kissing scene ay okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Balatkayo (An OFW Story) ay ukol sa mag-asawang kapwa OFW na nagtratrabaho sa Taiwan at Dubai.

Pareho silang may karelasyon at nagpapanggap na lang na buo ang kanilang pamilya kapag umuuwi sila sa Pilipinas.

Masasangkot sa sex scandal ang kaisa-isa nilang anak na binatilyo at magpapakamatay ang kasintahan niya. Dahil dito, masisira ang buhay ng kanilang anak.

Bukod kay James, tampok dito sina Aiko Melendez, Nathalie Hart, Rodjun Cruz, Bryann Foronda, at iba pa, mula sa direksiyon ni Neal "Buboy" Tan.

Sinabi rin ni James na sa pelikulang ito, kay Nathalie siya mapapasabak sa love scene.

“Wala kay Aiko, pero parang medyo mababago yata, kay Nathalie ang mayroon, marami.

“First time ko siguro gagawa ng ganitong kissing scene, na may bed scene pa yata.

“Sa TV naman kasi, yung mga bed scene, bawal naman iyan, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN