How Shaina Magdayao, Matteo Guidicelli manage their earnings

IMAGE Glenn Regondola

For their roles as Joee and Joey in the TV series Single/Single, Shaina Magdayao and Matteo Guidicelli share a condo space for economic reasons.The show's director Pepe Diokno describes the chemisty of the two on the set, "Super-electric sparks!"


Ang paksa ng Single/Single cable series nina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao ay tungkol sa wealth and financial management.

Kaya nang binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment online writers noong Martes, August 18, sa Avida Towers Centera ang taping ng kanilang eight episode, naitanong sa dalawa kung paano nila mina-manage ang kanilang finances.

Ani Matteo, "Me? I'm just lucky that Star Magic really handes us properly, especially our earnings and finances.

"We have what we call mandatory savings, Star Magic is meticulous with that.

"And also, my dad, especially he's a businessman, he's very straightforward.

"My earnings, my savings, and all these stuff, basically every month he shows me a chart. He guides me all the way until now.

"It's nice to learn how to invest properly, how to save properly, and yeah, I have my dad to guide me every day."

Sagot naman ni Shaina, "My parents, my whole family, alam niyo naman na business-minded.

"Maybe because they know that showbiz isn't really forever, pero parang forever siya sa akin.

"I'm just really lucky that, same with Matteo, Mr. M [Johnny Manahan] who's like my second dad already, he guides me as well when it comes to spending, investments, businesses."


Pinagbibidahan nina Shaina (bilang si Joee) at Matteo (bilang si Joey) ang Single/Single sa una nilang pagtatambal sa telebisyon. Ipapalabas na ang show sa August 29.

Tanong ng PEP, "Kumusta naman ang kanilang unang pagtatambal?"

Si Shaina ang unang nagkuwento.

"So far, okey, from the staff to the cast nagiging parang isang family na kami after ilang days of taping.

"Hayun, parang mas nagiging komportable.

But this group naman, walang problema, e. As in parang it was so easy to work with each and everyone of them."

Sa parte ni Matteo, kinabahan daw ito nung una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng binata, "I was nervous and excited 'cause you know Shaina, she's an experienced actress.

"She’s been in the industry for a long time so yun, parang kinakabahan ako for the first shooting days.

"Pero as days passed, everybody was nice and we jelled altogether, we're super comfortable now."

Kumusta naman ang kanilang chemistry?

Hiniling nina Shaina at Matteo na si Direk Pepe Diokno ang sumagot nito para sa kanilang dalawa.

Paglalarawan ni direk, "Super-electric sparks!

"No, but really, the first stage of our casting, as we aligned Matteo and Shaina, and it was in the middle of this restaurant.

"And they read a page of the script, and it worked immediately.

"Kasi para silang opposites also, parang magkaiba ang acting nila, magkaiba silang tao, in terms of their characters.

"Si Shaina as the Joee girl, masyadong marami siyang hang-ups sa buhay.

"Si Joey boy naman is a street kid who has every thing laid on him.

"So having those two opposites and because of that, nagkaroon ng spark."

Sa totoong buhay daw, malayo raw si Shaina sa kanyang character.

"...ang daming issues ni Joee lalo na when it comes to love and to life."

Pero pareho raw sila na maganda ang support system.

Ani Shaina, "I have good friends, I have good people around me, and they keep me sane.

"And I think, si Joee din, kahit marami siyang hang-ups sa buhay, yun, tama ang mga taong nasa paligid niya."

Sa parte ni Matteo, halos ganun din: may pagkakaiba at pagkakatulad ang character niya sa kung sino at ano talaga siya.

"There are similarities and there are some total differences kay Joey and Matteo.

"But I like playing Joey 'cause there are things I can't do in real life but Joey can do.

"Mapapanood niyo, so it's very nice for Joey to do, it's refeshing [to be] free to do something I don't do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The similarities also, in college, I lived in a dorm with strangers, there are similarities there, yun.

"I'm a musician, and he plays the guitar also, may banda siya, he writes his own songs.

"And it's nice kasi I'm doing an album and ginagamit ang ilang songs dito."

Dahil tungkol sa pagiging housemates na silang dalawa lang sa isang condo ang kuwento ng seryeng ito, na-imagine ba nilang mangyari ito sa totoong buhay?

Si Matteo lamang ang sumagot sa tanong na ito.

"No, I haven't imagined 'cause in college, nagkaroon ako ng dormmates na mga lalaki, di ba?

"Hindi co-ed so it's interesting to see how living with a female is, di ba?

"Especially hindi lamang basta...but totally opposite of my character.

"It's interesting to see how their lives evolve, and their journey in the house together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN