NEWBIE Ria Atayde gushes over Piolo Pascual: "Alam naman niya iyon. Sobrang ten siya sa kaguwapuhan at pati po sa ugali."

Ria Atayde on being the daughter of Sylvia Sanchez and younger sister of Arjo Atayde: "Iniisip ko na lang na kung magaling sila, magaling din ako, yun iyong tina-try kong ipasok sa utak ko. Sana, maabot ko rin yung naabot ng mommy ko."


Unti-unti nang napapansin sa mundo ng showbiz ang newcomer na si Ria Atayde.

Si Ria ay anak ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez at nakababatang kapatid ni Arjo Atayde na gumagawa na rin ng sariling pangalan bilang aktor.

Aminado si Ria na malaki ang impluwensiya sa kanya ng ina sa desisyon niyang sumabak sa acting.

“Opo, malaki ang influence niya kasi noong bata pa lang kami ni Arjo, parati po niya kaming dinadala sa mga taping niya.

“Iyong tipong nandoon po ako sa OB Van, nakaupo, at nanonood sa kanila.

“Bata pa lang ako, pinangako ko sa sarili ko na pumasok sa showbiz.

“Pero hindi para maging showbiz o maging celebrity, kundi para sa pag-arte talaga,” saad ni Ria nang exclusive na nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Pasto Restaurant sa Greenhills, last August 19.

HER CALLING. Ang Ria ay hango sa tunay niyang pangalan na Maria Sophia. Siya ay graduate sa kursong Communication Arts sa De La Salle University.

Plano niyang mag-apply sa CNN Philippines after magtapos sa kolehiyo, pero mas malakas daw ang hatak kay Ria ng showbiz.

Ngayon ay isa siya sa cast ng TV series na Ningning sa ABS-CBN.

Ayon kay Ria, nalulungkot daw siya kapag hindi niya maibigay nang todo ang pag-arte sa harap ng kamera.

“Sad lang ako personally kapag minsan, feeling ko na kulang iyong pag-arte ko.

“Iyong parang nakaka-frustrate lang dahil alam ko na may kaya pa akong ibigay?

“Pero natututo naman po ako, naaayos ko rin naman po yun.

“At saka iyong pagta-Tagalog ko, doon po ako nag-i-struggle lang pero tina-try ko naman hasain iyong pagsasalita ko.”

Since part din ng seryeng Ningning ang mommy niya, kinakabahan ba si Ria tuwing magkasama sila sa eksena?

Nakangiting sagot niya, “Hindi ako natatakot dahil sa nanay ko siya, kundi dahil magaling kasi siyang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag dumating iyon, talagang paghahandaan ko, patutunayan ko na kaya ko.”

Bilang nanay nga niya si Sylvia at kapatid niya si Arjo, may nararamdaman ba siyang pressure?

Tumango ito, "...pero hindi naman sa kanila nanggagaling iyon.

“Nakakahiya naman kung hindi ko sila matapatan.

“So iniisip ko na lang na kung magaling sila, magaling din ako, yun iyong tina-try kong ipasok sa utak ko.

“Na sana, maabot ko rin yung naabot ng mommy ko.”

PIOLO FOREVER. Inusisa rin ng PEP si Ria kung sino ang ultimate crush niya sa showbiz.

“Lahat po kasi ng mga leading man ngayon, parang naging kaibigan ko na.

“Kasi di ba kapag crush, dapat may kilig factor?

“So, hindi naman sa hindi sila guwapo, marami sa kanila ang naguguwapuhan ako, pero parang hindi ko sila crush.

“Ang crush ko lang talaga ay si Kuya Piolo [Pascual], forever!

"Alam naman niya iyon,” nakatawang sabi pa niya, "Sobrang bait kasi ni Kuya Piolo, wala akong masabing masama at all.”

Idinagdag pa niyang si Piolo ay ten raw ang rating hindi lang dahil sa kaguwapuhan kundi pati sa kabaitan din nito.

“Sobra, sobrang ten siya sa kaguwapuhan at pati po sa ugali.

“Defintely sa looks at ugali, sobrang bait kasi niya talaga.

“Kung makikita mo siya, maaalala ka niya kahit matagal na kayong hindi nagkikita, hindi siya nakakalimot.

“Sobrang ang gaan ng pakiramdam kapag kasama mo siya, e,” masayang pahayag pa ni Ria.

At kung makakasama siya si Piolo sa isang project, “Sobra po akong matutuwa, sobra!

“Actually, si Piolo at si John Lloyd [Cruz]… ay, sige lang!

“Kahit alalay lang, okay lang sa akin!” nakatawang pahayag niya.

Kaninong actor na ka-age niya naguguwapuhan si Ria?

“Si Enrique [Gil] guwapo siya, pati si James [Reid], yung dalawang yun, guwapo sila.”

Si Ria ay fan din ng mga loveteams sa Kapamilya Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kinikilig ako ng sobra sa mga love teams nina KathNiel, LizQuen, at JaDine.

“Pero ang ultimate love team ko forever, Marvin and Jolina, sobra!

“Grade 2 or Grade 3 yata ako, pinapanood ko na sila, e.”

OVER-PROTECTIVE. Samantala, kinuha rin namin ang reaksiyon ni Ria sa pahayag ng kanyang Kuya Arjo na ayaw niyang makipag-boyfriend ang dalaga sa taga-showbiz.

“Iyong kuya ko naman, alam ko na may dahilan siya kung bakit ganoon ang sinasabi niya.

“Bilang close kami nang sobra at wala kaming sikreto sa isa’t isa, nirerespeto ko po iyon.

“Kung ayaw niya, alam kong mahihirapan din akong kumuha ng suporta sa kanya.

“So bakit po ako susuway sa ganoon? Ayaw ko pong mangyari iyon, so okay lang sa akin.

“Iyong dahilan niya ay ayaw niyang sabihin e pero okay lang po sa akin, carry lang.”

Paano kung hindi maiwasan na ma-in-love siya sa taga-showbiz?

Sagot niya, “Iyon lang, kakausapin ko po si Arjo, hindi ba?

“Sasabihin ko sa kanya na iyon talaga ang gusto ko pero, so far, wala pong nangyayaring ganoon.”

Paano kung magkasama sila ni Piolo sa isang project at magkalapit sila?

“Parang hindi po mangyayari iyon kasi kuya po talaga ang turing ko sa kanya.

“Tinitingala ko po siya, paghanga lang po talaga kasi kuya po talaga ang tingin ko sa kanya,” nakangiting eksplika pa ni Ria.

Overprotective daw ang family niya?

“Okay lang po kasi alam ko na they care, siguro nakaka-frustrate din minsan.

“Pero, so far, wala naman po kasing nangyayari na may bawal akong gawin, e."

CAREER PATH. Nabanggit ni Ria na si Bea Alonzo ang gusto niyang sundan ang yapak.

“Iyong kay Ate Bea ang gusto kong maging career path, iyong suwabe lang at ang husay kasi niya, e.

“‘Tsaka sakto iyong mga event sa career niya, maganda at maayos ang mga projects niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang galing po niya bilang artista, napanood niyo ba iyong The Love Affair?

“Ang galing niya roon at saka si Ms. Dawn [Zulueta] isa pa rin, hangang-hanga ako sa kanya.”

Tungkol sa kanyang TV project, ano na nga ba yung role niya sa Ningning?

Sagot ng 23-year-old na newbie, “Teacher ako rito ng batang si Ningning [Jana Agoncillo], malapit ako, at maalaga sa kanya.

“Galing ako sa mayamang pamilya rito, mahilig sa mga bata, at mahilig tumulong sa kapwa.

“So mas pinili niyang magturo sa public school kaysa sa private school,” pagtatapos ni Ria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN