Sitti talks about "bagong lifestyle" now that she's a wife

IMAGE @bossagurl on Instagram

How to please your husband? Sitti shares a tip: "Hindi na niya kailangang sabihin, nagagawa ko na ‘yong pangangailangan niya.”


Mahigit tatlong buwan na rin simula nung naging Mrs. Joey Ramirez si Sitti.

Nag-sink in na ba sa bossa nova singer na misis na siya?

“Parang mga seventy percent!” nakangiting sabi ni Sitti.

Madalas daw ay siya ang nagsa-shopping ng mga damit para sa kanyang husband, particularly ‘yong mga corporate attire nito.

Bukod dito, “I’m trying cooking na rin, hindi ko alam kung masyado akong ideal.

“Gusto ko hindi na niya kailangang sabihin, nagagawa ko na ‘yong sa mga pangangailangan niya, gano’n.”

Ano so far ang na-discover niyang pinakamahirap sa pagiging housewife?

“Mahirap kapag nag-a-alarm siya nang sobrang aga kasi kailangan niyang mag-training ‘tapos hindi na ako makatulog!”

May mga bagong na-discover ba siya sa husband niya?

“Ay sobrang dami. Given na makulit siya, ang siguro mas nakaka-surprise about him is, nagkakapareho kami ng wavelength.

“’Yong talagang we finish each other’s thoughts and sentences lang, masaya lang.”

Nasa honeymoon stage pa rin ba sila?

“Tuluy-tuloy pa rin, kakagaling lang namin sa Europe kasi may business meeting siya doon so natangay ako!

“He distributes bikes and also bike components here in the Philippines.

“So every year, there’s a Euro Bike, parang super convention ng mga bike brands so pumupunta siya do’n every other year.”

Biking ang isa sa hobby ng husband niya. Tina-try na rin ba niya ito?

“Not yet pero nagsu-swim ako with him, I go swim training with him.

“And I run, ‘yong running ang kailangan ko, isinasali na lang nila ako sa mga race.

“‘Yon ang buhay ko ngayon, bagong lifestyle. Hahaha!"

BABY PLANS. Gusto na ba nilang magka-baby?

“Kapag ibinigay ni Lord, go!” tawa pa niya, "We’re praying for four.

"Pero timing din ‘yan ni Lord kasi hindi naman kami trying, trying, trying.

"Hindi naman kami careful din, kung ano ang ibigay ni Lord, okey na kami do’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Anything goes lang, right now, happy ako, and happy din si husband.”

SUPPORTIVE HUSBAND. Magiging kasing-active pa rin ba siya sa singing gaya no’ng single pa siya?

“Mas nagiging ano na ngayon, nahahati na talaga ‘yong priorities kasi when my husband needs me, I go with him.

“Kapag may mga out of town siya or out of the country, sumasama ako.

“And what I love about my husband is, he still really pushes me to work, to sing.

“‘Yong support niya talagang nando’n, so mawawala man ako ng ilang linggo for his work, nakakabawi naman sa singing ko.

“Sa awa ng Panginoon, hindi naman napapabayaan, nakakapag-tour pa rin kami at nakakapag-gig pa rin kami. ”

Fan ba ng kanyang music ang husband niya?

“Fan siya ng song ko na 'Ligaya' kasi I wrote it for him!” tawa ulit ni Sitti, “Fan ko raw siya, oo, sabi niya.

“Whatever I do, he will support me. Yeah, he’s really very supportive.”

Iniisip ba niyang maaaring iwan din niya totally ang kanyang singing career?

“Siguro kapag nagka-kids na, but as of now, he still allows me to do what I want, which is to sing.”

Bukod sa kanyang bagong album, ano pa ang ibang aabangan from her? May upcoming concert ba siya?

“Wala pa po e magti-ten years na ‘yong Café Bossa, so most probably next year.

“We’ll do a show in celebration of the tenth anniversary of Café Bossa, but in the near future, puro mall shows po muna, promote-promote, gano’n.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN