Kris Lawrence talks about his four business ventures

IMAGE @imkrislawrence on Instagram

Kris Lawrence currently has four business ventures, one of which is co-owned by his best friend Jay-R.


May bagong business si Kris Lawrence.

Sa recent interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ng singer, “I just opened a couple of businesses.

"I have a clothing line, it’s called Super… mga jerseys ito, mga parang pang-basketball na jerseys. mga pang-summer.

“Di ba dito sa Pinas, mas gusto ng marami yung mga simpleng damit o pananamit? 'Tapos mura pa.

“May partner ako sa business na ito. Non-showbiz friend siya, si Don Valle.

“We started about six months ago. Sa Instagram ito, online ang pagbibenta namin."

Bukod pa rito, “I also do buy and sell ng mga watches, yung mga expensive na signature watches like Rolex, ganyan.

“'Tapos yung isa pang sideline ko, TFD, The Filipino Dream. Ano naman yun, food carts.

“Yung merong siopao, siomai, merong sguid and fishballs, 'tapos French fries.

“Actually, itong food carts ang oldest sa mga businesses ko. Dati hindi ako masyadong active na asikasuhin ito, pero nandiyan pa rin."

Kasosyo niya sa isang negosyo si Jay-R.

“May bagong business din kami ni Jay R, it’s called Too Big, it’s a purified water business.

“So we have a water station. We supply drinking water. We started it about three months ago and okey naman ang takbo.”

Bakit water station ang naisip nilang negosyo ni Jay-R?

Tugon ni Kris, “It’s a necessity, you know. Everyone needs it and there’s not enough water stations in our neighborhood so we might as well provide.

“Nasa bahay lang namin sa may New Manila yung water station."

BEST FRIEND. Si Jay-R ay malapit kay Kris.

In fact, "...we live in the same house.

“Kasama din namin sa house si Jimmy Muna, radio DJ ng 89.1 FM station. At saka si BJ ng Banda Ng Clay.”

Parang magkapatid ang turingan nina Kris at Jay R sa isa’t isa, dahil close na sila noon pang naka-base pa sila sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Four years old pa lang kami, magkapitbahay na kami. Kumbaga, mahaba na ang pinagsamahan namin as friends,” sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN