StarStruck Ultimate Final 14's Migo Adecer is a big fan of Sarah Geronimo

IMAGE courtesy of GMA Network

Migo Adecer: "I saw her perform live at Music Museum. Ikot-Ikot lang. Her presence on stage, it was jaw-dropping."


Hindi inaasahan ni Migo Adecer na mapapabilis ang pagsama niya sa StarStruck (SS) Ultimate Final 14 dahil ginamit ng council ang fast-track privilege nito.

"Sobrang surprised. I thought, Joemarie [Nielsen] will get it. Pero kasi, I’d rather, Joemarie’s my best friend, I’d rather have him safe than me,” sinabi ni Migo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang ma-interview ito sa GMA 7 compound noong October 2.

Ipinanganak sa Bacolod ngunit lumaki sa Australia ang 15-year-old sports enthusiast na ito.

Bumalik si Migo sa Manila “to pursue my dream and see what God has in store for me."

Mahilig ito sa skating, singing, at dancing. Mahilig din siya sa skydiving, rock climbing, longboarding, at surfing.

“I also did a lot of Praise & Worship sa isang church sa Australia. That’s where I really grew, that’s my home church.

"Pero when I came to the Philippines, everybody was recommending CCF [Christ's Commission Fellowship]. That’s where I decided to go po,” dugtong ni Migo.

Ang manager ni Migo ay ang singer na si Kuh Ledesma, na nakilala niya sa Australia.

Kumusta ang mga karanasan ni Migo sa StarStruck?

“I’m really excited, very excited.

"I couldn’t relate to yung mga tao sa StarStruck kasi they speak Tagalog.

"So whenever I speak, they all say, ‘Nosebleed, nosebleed!’

"Pero after a couple of weeks, we’re a little bit close.”

SHOWBIZ IDOLS. Fan si Migo ni Sarah Geronimo.

“When I first came here in the Philippines, my eyes were on Sarah Geronimo. I saw her perform live at Music Museum.

“Ikot-Ikot lang. Her presence on stage, it was jaw-dropping.”

Idolo rin ni Migo si Aga Muhlach dahil ang unang pelikulang Tagalog na napanood ng StarStruck hopeful ay Bagets, kung saan tampok ang matinee idol ng '80s.

Aminado ang karamihan niyang kasama sa Final 14 na si Migo ang isa sa magiging mahigpit nilang kalaban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino sa tingin ni Migo ang mahigpit niyang kalaban sa titulong Ultimate Male Survivor?

“Ang greatest competition ko, si Joemarie, we’re best friends.

"And sa female, it’s between Analyn [Barro], Ayra [Mariano] and Koreen [Medina],” sagot ni Migo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN