Klea Pineda picks Koreen Medina as biggest threat in StarStruck Ultimate 14

IMAGE courtesy of GMA Network

Klea Pineda on what she has to offer showbiz: “Ako po kasi, flexible. Puwede po ako sa acting, dancing and singing. Sa singing po, si papa po kasi, marunong kumanta. Siguro po sa kanya ko po nakuha yun."


Aminado si Klea Pineda, ang 16-year old student ng Sto. Niño de Novaliches School na kasama sa StarStruck Ultimate 14, na isa siyang risk taker.

"Mahilig po akong mag-adventure, gaya po ng hiking, trekking.

"Gusto ko po ng adventure at challenges,” pahayag ni Klea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Friday, October 2, sa GMA compound.

Isa si Klea sa mga na-fast track sa StarStruck Final 14 matapos gamitin ng council ang privilege nitong mapabilis ang pagpili sa mga kasali sa nasabing grupo.



STARSTRUCK AUDITION. Paano siya nakapasok sa StarStruck?

"Noong una po kasi, nakita po ng papa ko na may audition sa StarStruck.

"Noong sinabi po sa akin ni papa yun, agad-agad po akong umoo.

"Nagpunta po kami rito sa GMA. Nag-try lang kami hanggang sa ma-call back.”

Sinabi raw kay Klea na tatawagan siya, hanggang nagtuluy-tuloy na ang pagsali niya sa StarStruck.



NO MANAGER OR BACKER. "Wala po akong kahit anong dala na manager or backer. Si Lord lang po talaga ang backer ko, yung nasa likod ko,” ani Klea.

Sa tingin niya, ano ang naging dahilan at nakasama siya agad sa StarStruck Ultimate Final 14?

“Ako po kasi, flexible. Puwede po ako sa acting, dancing, and singing.

"Sa singing po, si Papa po kasi, marunong kumanta. Siguro po sa kanya ko po nakuha yun.

“Hilig ko naman po ang dancing dahil sa school pa lang po namin, mahilig na po akong sumali sa mga dance contests.

“Sa acting naman po, sabi naman po ng mga mentors namin, okey naman daw po ako sa acting at may ibubuga naman daw po ako.”

SHOWBIZ CRUSHES. Sina Ruru Madrid at Julian Trono ang showbiz crushes ni Klea.

“Si Julian Trono po, he’s a dancer po and si Ruru naman po, sa looks po kasi niya, mahilig din po ako sa medyo singkit na eyes,” paliwanag ni Klea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino ang showbiz idols niya?

“Sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado po.

"Si Jennylyn po kasi, kitang-kita ko po ang talents niya.

“God-fearing po siya at nakita ko ang determinasyon niya po noong manood ako ng StarStruck 1,” tugon ni Klea.

Kay Koreen Medina nate-threaten nang husto si Klea.

“Beterano na po kasi siya. Ang dami na niyang nasalihang contest, ang dami na niyang napagdaanang challenges.

“Na-judge na rin po siya. Parang natama na rin po niya ang mali.

“Sa dancing, singing, acting, masasabi ko pong okey si Ate Koreen. Pero ako po, gusto ko pong malamangan siya.

“Siya pa ang nagpapadagdag ng motivation sa akin para maging okey ang gawin ko.”

Sa mga lalaki naman, inamin ni Klea na si Migo ang biggest threat niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN