StarStruck Ultimate 14 bet Joemarie Nielsen reveals, “I never knew my dad."

IMAGE courtesy of GMA Network

Joemarie Nielsen on his family: “I never knew my dad. My mom told me that I’m half-Filipino and half-Thai, and I was adopted by my American father. We came back to the Philippines last 2010."


Makulay ang buhay ng Filipino-Thai ni Joemarie Nielsen, isa sa StarStruck Ultimate 14.

Ipinanganak siya sa Pilipinas 21 years ago pero sa Thailand siya lumaki.

“I never knew my dad. My mom told me that I’m half-Filipino and half-Thai, and I was adopted by my American father.

"We came back to the Philippines last 2010,” kuwento ni Joemarie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panayam na naganap sa GMA compound noong Friday, October 2.

UPBRINGING. Kumusta ang buhay niya kasama ang American stepfather na nagpalaki sa kanya?

“Ang stepfather ko, he’s very strict. Sobrang strict.

“If you forgot to close the door, he will tell it to you 200 times. Ganoon siya ka-strict.

“He wants respect, discipline. If I sit at the table before my mom, I can’t eat dinner. Ganoon siya ka-strict."

Ani Joey (palayaw ni Joemarie), patay na raw ang stepfather niya.

Pero hindi pa nito nakikita o kilala man lang ang kanyang biological father.

“I do not know him. I don’t know his name. I’ve never saw him.

"Hanggang ngayon, I was able to become myself without him, and the only father na talagang tinuring kong father is my stepfather.”



SHOWBIZ CRUSH. Kung may showbiz crush man daw si Joemarie, ito ay ang Kapuso star na si Julie Anne San Jose.

“Ang gusto ko sa kanya, her singing voice. She sings very well, and I think she’s cute.”

Idolo ni Joemarie si Rocco Nacino.

Kuwento ni Joemarie, “Actually, I was there sa mga guesting niya," na ang kanyang tinutukoy ay noong inimbitahan kumanta ang aktor sa isang event sa Pampanga.

Kumanta rin daw si Joey noon.

At noong nagkita raw sila sa StarStruck, "...he remembered me. He’s so down-to-earth with or without a camera.”



WINNING TRAITS. Sina Klea Pineda at Migo Adecer ang itinuturing ni Joemarie na may malaking chance na maging StarStruck Ultimate Male and Female survivors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin ni Joemari, bakit siya ang dapat manalo na Male Ultimate Survivor?

“I think I have the commitment. Kasi yung sa akin, I accept the challenge and push to the limit, kahit anong challenge pa iyan.”

Mahilig si Joemarie sa pagkanta at pag-sketch. Naglalaro rin siya ng football.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN