Indie actress Althea Vega joins Mr. and Miss Great Bodies 2015

IMAGE Slimmers World International

Indie actress Althea Vega reveals that she has always been a health and fitness buff: “Although health buff naman ako noon pa, iba ang ganitong klaseng competition compared sa mga beauty pageants. Pagandahan ng porma ng katawan dito, e."


Naghahanda ang indie film actress na si Althea Vega para sa Mr. and Miss Great Bodies 2015 ng Slimmers World International.

Magaganap ang naturang body competition sa November 21, sa Newport Performing Arts Theatre at Resorts World Manila.

Nasa ika-20 year na ang naturang competition kunsaan sumali at nanalo ang aktres at TV host na si Jackie Lou Blanco noong 2001.

Ang iba pang celebrities na sumali sa naturang competition ay ang mga sexy actors na sina Carlos Morales at Andrew Schimmer; ang singer na si Ivy Violan; ang newscaster na si Lala Roque; ang commercial models na sina Marc Dungo at Christian Tan.

FITNESS BUFF. Hindi na raw bago para sa 29-year-old indie film actress ang pagsali sa mga ganitong competitions.

“Sumasali ako sa mga beauty pageants sa Cagayan at Pangasinan. Masuwerte naman na napapanalunan ko ang korona.

“Joining Great Bodies is a different challenge for me. Although health buff naman ako noon pa, iba ang ganitong klaseng competition compared sa mga beauty pageants.

“Pagandahan ng porma ng katawan dito, e.

“Makikita kung gaano mo naalagaan ang pangangatawan mo through exercise and diet.

“I feel na ready na ako sa ganitong klaseng competition,” pagmamalaki ni Althea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via private messaging ng Facebook last October 10.

Makakalaban ni Althea ang 16 female contestants na ang edad ay mula 17 hanggang 53.

CONFIDENT AND READY. Confident naman daw si Althea dahil sa naging matinding training niya bago pa dumating ang competition na ito.

“I am 100 percent committed.

“Sobra ang naging disiplina ko noong nagte-training ako.

“I really hope that the board of judges will appreciate the outcome of my efforts.

“Lahat naman kaming sumasali sa ganitong competition, ang unang gusto ay ang mag-stand out. Yung madali kang mapansin agad.

“Dahil ang lahat naman ay dumaan sa magkakaibang training. Matinding competition ito talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero reding-ready na tayo,” diin niya.

INTERNATIONAL COMPETITION. Ang mananalo bilang Mr. and Miss Great Bodies ay iri-represent ang Pilipinas sa international competition nito sa U.S.

“Malaking karangalan na ma-represent mo ang Philippines sa anumang competition abroad.

“Lalo na rito, ipapakita mo sa iba’t ibang makakalaban mo kung gaano ka kadisiplinado at committed sa pag-promote ng wellness and fitness.

“Chance mo na ito para ipagmalaki na kaya mo rin ang ginagawa nila,” pahabol pa ni Althea.


FILMOGRAPHY/CITATIONS. Palarin man o hindi si Althea, may babalikan pa rin naman siya sa mundo ng pag-arte.

Nakilala siya sa mga ginawa niyang mga indie films tulad ng Walang Kawala, Amor Y Muerte, Diablo, Bayang Magiliw, Ang Katiwala, Of Sinners and Saints at ang critically-acclaimed na Metro Manila.

Katatapos lang niyang i-shoot ang indie film na Pipamlayungan (Playground).

Pinasok na rin ni Althea ang mag-produce tulad na lang ng short film titled Walang Alamat.

Bilang indie film actress nakatanggap na ng ilang parangal si Althea tulad ng Gawad Sulo Ng Bayan bilang Natatanging Artista sa Larangan ng Indie Film noong nakaraang August 11, 2015.

Last year naman ay isa siya sa Asian Achievers and Dangal Ng Bayan awardees.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN