StarStruck 6 Koreen Medina tongue-tied upon seeing Alden Richards up close

IMAGE courtesy of GMA Network

Mutya ng Pilipinas 2013 Koreen Medina is eyeing Starstruck's Ultimate Survivor title because she wants to fulfill her greatest wish: "Sobrang dream ko na maging singer-actress.”


Taga-Laguna ang female StarStruck 6 hopeful na si Koreen Medina.

Kaya ganoon na lamang ang tuwa niya nang makaharap ang kababayang si Alden Richards.

"Hindi po talaga namin alam.

"Actually, akala ko nga po nung araw po na iyon, baka surprise elimination kasi may blindfold po kami,” kuwento ni Koreen.

Patuloy niya, “Iyon pala po, biglang may special guest po kami na si Alden Richards nga po.

“Hindi ko po ini-expect e kasi yung partner ko po, alam ko na siya yung nakahawak, naka-guide sa akin papunta sa table.

"Nahawakan ko po yung table. May chair. Sabi ko, ‘A, baka date set-up.’

“Pagkadilat ko po, kaharap ko po si Alden Richards po!

“Sobrang hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko. Napa-‘Oh my Go... [oh my god] ako!’

“Talagang huminto po ako! ‘Oh my Go…’ lang ang nasabi ko. Hindi ko po ini-expect, e.

“Iba yung feeling po pala talaga pag nandiyan siya sa personal.

“Ibang klase po na makasama siya sa eksenang iyon. Paano pa kaya kung totoong acting na?”

ALDEN AND REGINE. Proud si Koreen sa kasikatan ni Alden.

Taga-Biñan si Koreen at tubong Sta. Rosa, Laguna si Alden.

“Sobrang proud po kasi yung mga sinasabi na, ‘Ah, from saan ka?’

“'Laguna po!’ Wow! Si Alden, Laguna din!

“Kaya andun po yung parang, wow, iba pala pag sinasabing Laguna! So kailangan itayo ko po yung bandera ng Laguna.

“Na kailangang ayusin ko po yung gagawin ko sa lahat ng challenges po dito sa StarStruck.”

Twenty years old si Koreen at nag-aaral ng kursong BSBA Marketing Management sa La Consolacion College, Biñan.

Iniidolo nang husto ni Koreen si Regine Velasquez.

Kaya ikinatuwa ni Koreen na isa ang Asia’s Songbird sa mga StarStruck judges.

Kuwento ni Koreen, “Nung photo shoot po, first time ever po na makita ko po siya. Natulala po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sobrang dream ko po na makita si Ms. Regine. Nakapagpa-picture kasi siya po talaga sa akin.

“Sobrang dream ko na maging singer-actress.”

Mahusay ring singer si Koreen at hihimatayin raw siya kapag naka-duet niya si Regine.

Marami na ring amateur singing contests ang nasalihan ni Koreen.


Pero nakilala siya bilang 2013 Mutya Ng Pilipinas.

Lumaban siya sa Germany para sa Miss Intercontinental at nanalo bilang third runner-up.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN