Benjie Paras reveals what he tells sons Kobe and Andre about aggressive girls: "Mag-ingat sila or as much as possible, iwasan nila."

IMAGE Noel Orsal

Benjie Paras on what he tells sons Kobe and Andre about aggressive girls: "Sinabihan ko naman sila na mag-ingat sila or as much as possible, iwasan nila. Ano lang ako, ‘wag lang maapektuhan. Like noong naglalaro sila, naririnig ko nasa kuwarto, may kausap. E, madaling araw na."


Ipinagmamalaki ni Benjie Paras ang anak niyang si Kobe na nag-aaral sa Los Angeles Cathedral High sa United States.

“Bilib ako sa batang ‘yan, isa pang napakatapang din na bata.

“Alam ko ang nararanasan niyan, sobrang hirap. Like, you’re living in a place na hindi mo naman kultura.

“Yung mga tao, iba ang ugali. Alam mo naman ang mga Amerikano, dapat hindi ka sensitive.

“Siya naman, naka-adjust siya.”

Graduating daw ng high school si Kobe sa isang taon at sana raw ay makalaro ito sa college roon.

Tuluy-tuloy daw ang tournament nito.

Stage father ba si Benjie, lalo na sa isa pang anak na si Andre, na artista rin at kasama niya ngayon sa pelikulang Wang Fam?

Ani Benjie, “Hindi, e. Pinabayaan ko talaga sila.

“Tulad noong naglalaro sila, minsan nga, hindi ako nanonood.

"Minsan, sumisilip lang ako. I see to it na hindi nila ko nakikita. Ayokong ma-pressure sila.

“Si Andre, daming inattendan events, wala ako.

“Minsan sasabihin ko, ‘Punta ako.'

"Sasabihin niya, ‘Hindi na, Dad.’

“Minsan naman, ‘Dad, punta kayo. Maganda ‘to, masaya.’”

WORDS OF WISDOM. Cool dad ba si Benjie sa mga anak na guwapo at lapitin ng mga babae?

Tulad ba siya ng ibang ama na sinasabihan ang mga anak na lalaki na magbaon ng “protection”?

Saad ni Benjie, “Sinabihan ko naman sila na mag-ingat sila or as much as possible, iwasan nila.

“Ano lang ako, ‘wag lang maapektuhan.

“Like noong naglalaro sila, naririnig ko nasa kuwarto, may kausap. E, madaling araw na.

“Ayoko lang naaapektuhan kasi noong nandito sila, scholar sila sa school.

“So gampanan nila ang trabaho nila.

"Sa ngayon naman, nakikita ko na okey naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN