Vilma Santos on fine lines and wrinkles: "Walang masama doon.... Tumatanda naman tayong lahat."

IMAGE Gorgy Rula

Batangas Governor Vilma Santos on birthday wish: "So let’s just hope for the best this coming election for a more peaceful election this 2016, for everybody, not only for the candidates but also for the Filipinos to choose the right leaders. Yun.”


May lungkot na naramdaman si Batangas Governor Vilma Santos nang bigyan siya ng kanyang constituents sa Kapitolyo ng Batangas City ng isang tribute/ party sa araw ng kanyang karawan noong November 3.

Sinimulan ang celebration sa pamamagitan ng thanksgiving mass na ginanap sa auditorium ng Kapitolyo.

Pagkatapos, nagpasalamat ang governor sa mga kababayan, saka nagsimula ang inihandang palabas para kay Vilma na pinangunahan ni Vice-Govenor Mike Leviste, kasama ang mga board members, department heads, executive staff, at employees.

Pagkatapos ng programa, nagpaunlak ng interview sa amin si Vilma sa loob ng kanyang opisina sa Capitol Mansion.

Paano niya inumpisahan ang kanyang birthday?

"Definitely ano, prayers plus ah, unang-una siyempre, bumati pamilya ko, and then talagang nilaan ko yung araw na ‘to, mismong araw ng birthday ko for the employees ng Kapitolyo kasi last birthday ko na as governor,” sagot ng actress-politician.

Dugtong niya, "So surprise yung kanina. Hindi ko alam yun. So they prepared something.

"Ang akin lang kasi, gusto ko yung misa, and then at the same time ang message lang ng taos-pusong pasasalamat for nine years na kasama ko sila.

"Kasi next year, iba na ang governor. Iba na ang magbi-birthday next year.”

May lungkot ba sa puso niya habang pinapanood ang kanyang mga empleyado na nagpe-perform?

"Definitely. Ayan, maiiyak na naman ako,” sabay pigil sa pag-iyak ni Vilma.

Patuloy pa niya, "Hindi, e. Kasi matagal din. Ibig kong sabihin pinagkatiwalaan din ako ng Batangas dahil sa pagtutulungan ng mga empleyado.

"So ayokong umalis siyempre. Pero hindi naman. Demokrasya tayo, e. Kailangan may papalit at papalit sa ‘yo. But definitely, I will miss the Capitol.”

May birthday wish pa ba siya?

“Ah, wish? Diyos ko lord! Ano na e I’m blessed. Pasalamat na ako sa Panginoon. Sobra-sobra na ang blessing Niya.

"Ang wish ko lang siguro ano, since election is coming for us to ano, to have a peaceful election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi any negative mangyaring eleksiyon sa Pilipinas, boomerang sa lahat ng Pilipino ‘yan, di ba?

"E, lahat tayo umaasang makaka-survive ang Pilipinas.

"So let’s just hope for the best this coming election for a more peaceful election this 2016, for everybody, not only for the candidates but also for the Filipinos to choose the right leaders. Yun.”

Sinu-sino na ang mga bumati sa birthday girl?

"Lahat ng mga kaibigan ko kagabi pa lang bumabati na. Ang dami ko ngang... no exaggeration, yung iba, mamaya pag-uwi ko, pagsasagutin ko lahat yun.

"Wala lang, wala talagang time. Pero hindi puwedeng hindi ko sagutin.

"Si Ai-Ai [delas Alas], kagabi pa. Magka-text na kami. As early as 10:30 ng gabi, nagte-text na siya. Ayaw daw niyang sumabay sa marami dahil baka hindi raw mapansin ang text niya.

"Bumati na rin sina Gel [Angel Locsin, girlfriend ng anak ni Vilma na si Luis Manzano] kaninang umaga.

"Unang-una, ay kagabi pa, 12 a.m. yung anak ko, si Lucky [Luis], sina Marian [Rivera], Amy Austria. Pero hindi ko pa kasi na-browse lahat, e. Yun pa lang ang mga nakita ko.”

Ano ang surprise sa kanya ng mister na si Senator Ralph Recto?

"E, di bumati,” nangingiting sagot ni Vilma.

"Kagabi pa yun. Alam mo sa aming mag-asawa, pagka kung sino ang magbi-birthday, isang linggong batian ‘yan.

"Basta a week before your birthday, isang linggong batian ‘yan. Like, ‘Birthday mo na, birthday girl,’ ganoon.

"Isang linggo ‘yan hanggang kagabi, ‘Birthday girl, bukas na.’ Kapag siya naman birthday sa January, ganoon din, ‘Malapit na, birthday boy.'”

 

 

AGELESS BEAUTY. Ano ang sikreto ng kanyang young-looking face?

Sagot ng 62-year-old star, “Wala pang Botox. Ah, wala.

"I have nothing against Botox, huh. Walang masama doon.

"Pero ako kasi, hindi pa lang. Tumatanda naman tayong lahat, utang na loob.

"May lalabas at lalabas na rin na linya diyan kahit ayaw mo pa lalo na now that I’m 35, my god! Hahaha!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ginagawa ba si Vilma to maintain her healthy body?

"Exercise,” sagot niya.

How about her skin?

“Mas less pahid, mas dapat. Mas marami kayong pinapahid, mangingitim ‘yan.

"Pantanggal lang ng make-up, yung the usual ko, hot water. 'Tapos cold water bago mag-make up. Cold ice sa mata lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN