Gladys Reyes has no plans of having baby number four: "Wala akong balak na buksan pa ang tindahan! No more credit!”

IMAGE Noel Orsal

Gladys Reyes shook her head when asked about having another baby with husband Christopher Roxas. She said, “Naku, tatlo na po ang mga anak namin ni Chris. Siguro ay tama na iyon, may dalawang lalake at isang babae na kami."


Kakauwi lang ni Gladys Reyes mula sa kanyang 16-day trip sa U.S. kasama ang mister na si Christopher Roxas.

Sinabay nila sa kanilang biyahe ang pagbisita sa mga main offices ng Iglesia Ni Cristo, at ang pag-shoot ng ilang footage para sa kanyang talk show na Moments at para sa campaign ng MTRCB na Matalinong Panonood.

Biniro pa si Gladys na baka may “made in the U.S.A.” na baby na nabuo sa kanilang bakasyon.

“In fairness, naging maingat kami at wala akong balak na buksan pa ang tindahan!

“No more credit!” sabay malakas na tawa niya, “Naku, tatlo na po ang mga anak namin ni Chris.

“Siguro ay tama na iyon, may dalawang lalake at isang babae na kami.

“Christophe is nine, Aquisha is seven, and Grant is five.

“Kumbaga, naka-bingo na kami kaya okey na kami,” ang sabi ni Gladys nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) noong November 10, sa presscon ng Little Nanay.



FIRST TIME TO TRAVEL WITHOUT KIDS. First trip nga raw nilang mag-asawa iyon na hindi kasama ang mga anak nila.

Talagang plinano raw nila iyon para magkaroon ng alone time.

Nag-tour ang mag-asawa sa mga cities ng Los Angeles, San Francisco, Seattle, and Las Vegas.

“Lahat naman ng mga biyahe namin ay kasama parati ang mga bata, pati ang families namin ni Chris.

“Naisip namin na bakit hindi naman kaming dalawa lang ang magbakasyon?

“Matagal na rin na hindi kaming dalawa lang ang mag-asawa.

“Gusto ulit namin ang feeling na nagde-date kami.

“Kaya inayos namin talaga itong trip na ito just for the two of us para mas makapag-usap kami, magbonding as husband and wife kahit na sixteen days lang kami roon,” pagtapos pa ni Gladys Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN