Korina Sanchez reveals the most valuable gift she received from Mar Roxas

Korina Sanchez on Christmas plans with her husband, presidential candidate Mar Roxas: "Nag-aambisyon kami na magbakasyon kahit one week. Pero hindi ko alam, parang malabo. Kasi kapag malayo kami rito, normal kami. Normal na normal ang buhay namin."


Gusto raw sanang magbakasyon ngayong Pasko ang mag-asawang Korina Sanchez at Liberal Party presidential candidate na si Mar Roxas.

Pero natatawang sabi ng ABS-CBN newscaster na pangarap pa lang ito, nang nakausap namin siya sa ginanap na MarKorina Press Christmas Party sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

"Nag-aambisyon kami na magbakasyon kahit one week.

"Pero hindi ko alam, parang malabo," nakangiting sabi ni Korina.

Dugtong niya, "Kasi kapag malayo kami rito, normal kami. Normal na normal ang buhay namin."



ARTIFICIAL LEGS. Sunod naming inusisa ang napabalitang pagbebenta ni Korina ng mamahalin niyang relo para ipambili ng artificial legs.

"Aanhin ko yun, sobrang mahal," natatawang sabi niya tungkol sa binenta niyang relo.

Patuloy niya, "One and a half years, nasa kahon ha, brand new.

"On my 50th birthday, I wanted a concert. Ako lang at puro mga kaibigan ko ang papalakpak sa akin.

"I had a repertoire, hindi natuloy. Na-depress ako kasi namatay ang auntie ko. So hindi natuloy.

"The year after, I still wanted to celebrate my 50th, so what's the meaningful way? I decided to buy artificial legs."

Noong October 5 nag-celebrate ng 51st birthday si Korina.

Na-inspire raw siya sa isang Pinay na nabigyan niya ng artificial legs.

Ani Korina, "I met CheChe. CheChe is a housemaid. Eight years ago, maid siya. Sumulat sa akin. Humihingi ng pamasahe.

"Nang malaman kong wala siyang legs, sabi ko, ‘Bigyan ko kaya ito?’

"Binigyan ko siya [ng legs].

"One year later, she is a mountaineer. She climbed Mt. Pulag and she met her husband while mountaineering, Amerikano.

"Ang ganda ng buhay niya ngayon!"

Masaya pang kuwento ni Korina, "Then I met her again. And then I realized, my god, forty thousand ang isa."

At kung 50 artificial legs ang bibilhin niya, aabot sa humigit-kumulang two million pesos ang total.

Saka niya naisip, "1.5 million" ang halaga ng relong hindi niya nagagamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod, naghanap siya nationwide ng mabibigyan ng artificial legs.

Ang tangi niyang requirement: dapat alam niya ang kuwento sa likod ng pangangailangan sa artificial legs.

Saad ni Korina, "Pinahanap ko talaga yung kuwento ng buhay.

"Yung isa, anak ng magsasaka. Kailangan talaga mahirap. Yung isa, araw-araw kinakarga ng nanay papunta ng school. Yung ganung tipo.

"And everyone has a story, and that's more meaningful. I made a difference in 50 lives."

Ano ang susunod niyang ibebentang gamit?

Pabirong sagot ni Korina, "Poor na ako. Wala na ‘kong suweldo sa TV Patrol."

PAINTINGS FOR SALE? Seriously, baka raw paintings ang isusunod niyang ibenta kung kinakailangan.

May sentimental value raw ang paintings na yun.

Sabi ni Korina, "E, kasi, lahat ng paintings ko, hinulug-hulugan ko buwan-buwan. Mayabang kasi ako. Ayokong humihingi ng pera kay Mar.

"You know, I have my obligations.

"Maraming nakasandal sa akin. Meron akong amortizations ng mga pinagbibili kong properties. Ayokong hingin kay Mar yun."

Totoo bang bulto-bulto kung bigyan siya ng pera ni Mar?

Natatawang tugon ni Korina, "Ha? Kailan yun, kailan? Sana mangyari. Paringgan mo nga!"

Diin niya, "I never asked money from him."

Ayon din kay Korina, hindi tumitingin ang asawa niya sa materyal na bagay.

"Mar is not materialistic. Hindi siya nagbibigay ng alahas. Ang mga nagiging gift niya sa akin, life coaching," natawang dagdag ni Korina.

Paliwanag niya, “Ang mahal nun! Sa London yun. Life coaching is like a one week...

"Uy, nakita ko rin naman ang kanyang point of view. Aanhin ko rin ang alahas. Baka ibenta ko lang din yun?"

Ano ang pinakamahal na nairegalo ni Mar sa kanya?

"Pinakamahal? Yung gold watch ni President [Manuel] Roxas [lolo ni Mar]. Ganun siya, e. Hindi niya binili. Pero, hindi ganun talaga si Mar.

"Pero yung relo ng lolo niya, for me, that's very valuable for me at saka unang-una, mahal talaga siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIMPLE THINGS. Simple lang daw sa mga gamit ang mister niya.

"Ang relo ni Mar, Timex na goma. I gave him a Cartier watch. Hinulugan ko ng sampung buwan, hindi sinusuot. Binenta ko na lang ulit.

"Ang T-shirt niya sa bahay, butas-butas. Ang sapatos niya, anim na pares. Pare-parehong itsura."

Ano ang pinakamahal na regalo niya kay Mar?

"Ay hindi na 'ko—ay natuto na ako! Unang-una, hindi ginagamit, e. Pero kapag hindi maluho ang tao, ibig sabihin, hindi magnanakaw."

Ayon kay Korina, ang madalas na ibinibigay niya kay Mar at ang mas na-appreciate nito ay ang pagluluto nito para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN