Chito Miranda gives wife Neri Naig early Christmas gift: a .22 caliber rifle!

Neri Naig on husband Chito Miranda: "Salamat, baby ko! Ibang klase ka talagang magpakilig! Haaaay."


Binigyan ni Chito Miranda ang kanyang misis na si Neri Naig ng isang .22 caliber long rifle bilang early Christmas gift.

Proud na nag-post si Neri ng isang larawan nito sa kanyang Instagram noong December 4.

Sa caption ay inihayag niya kung gaano siya natuwa sa regalong mula sa kanyang mister.

Aniya, "Wow! Early Christmas gift from my husband! Wow!

“Kinikilig ako ng sobra sobra!!!

“While other girls eh gustong makatanggap ng mga mamahaling bags, ako mas trip ko 'to.

“Salamat, baby ko! Ibang klase ka talagang magpakilig! Haaaay.“

Samantala, ipinaliwanag naman ni Chito sa kanyang Instagram post na mahilig sa gun-firing ang asawa kaya .22 caliber long rifle ang iniregalo niya.

Ayon sa caption ni Chito, “Got my wife her own rifle para sumama na sya sa akin tuwing magfa-firing ako, at para kapag may magnanakaw, she'd be able to protect herself better.

“At higit sa lahat, para kapag magka-totoo ang The Walking Dead, dalawa kaming lalaban instead na ako lang.

“I do understand that the .22lr is not the best defensive ammo, but the fact is, it has been, and it will always be used extensively for self-defense.

“And having a .22 is still a lot better than not having anything when you need it.

“;Tsaka sobrang na-enjoy ni Neri yung .22 nung na-try nya dati.

“And that is important kasi kapag nage-enjoy sya, mas madalas sya sa range.

“At mas masasanay sya humawak ng baril at mas magi-improve yung skills nya as compared to her not spending as much time sa range kasi di naman sya nage-enjoy with a higher caliber."

Sa bandang huli ng post ay pabirong sinabi ni Chito, “Todo explain naman ako para ma-justify ko yung fact na bumili na naman ako ng baril.”

Got my wife her own rifle para sumama na sya sa akin tuwing magfa-firing ako, at para kapag may magnanakaw, she'd be able to protect herself better, at higit sa lahat, para kapag magka-totoo ang The Walking Dead, dalawa kaming lalaban instead na ako lang. I do understand that the .22lr is not the best defensive ammo, but the fact is, it has been, and will always be used extensively for self-defense. And having a .22 is still a lot better than not having anything when you need it. Tsaka sobrang na-enjoy ni Neri yung .22 nung na-try nya dati, and that is important kasi kapag nage-enjoy sya, mas madalas sya sa range, at mas masasanay sya humawak ng baril at mas magi-improve yung skills nya as compared to her not spending as much time sa range kasi di naman sya nage-enjoy with a higher caliber. Todo explain naman ako para ma-justify ko yung fact na bumili na naman ako ng baril. #Chiappa

A photo posted by Chito Miranda (@chitomirandajr) onDec 3, 2015 at 11:09am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN