Christian Laxamana hopes to be the first Pinoy Mr. Gay World winner

Mr. Gay World Philippines 2016 Christian Laxamana cites his edge over the other contestants: "Pagiging matalino at pagiging articulate sa pagsasalita ng English 'tsaka matatalino po ang mga Pinoy. Naniniwala po ako dun."


Yes, I will!”

Ito ang determinadong sagot ni Christian Laxamana sa tanong kung kaya ba niyang iuwi ang korona bilang pinakaunang Pilipino at Asian na Mr. Gay World.

Si Christian ang representative ng Pilipinas sa international gay pageant na gaganapin sa Malta mula April 19-23, 2016.

Behind these words, I have the people who would extend their arms and hearts just to give me the support that I need,” deklara niya.

Isa sa mga taong ito ay ang national director at unang Mr. Gay World-Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino.

And also, I’m with my mother,”dagdag pa ni Christian.

Alam raw ni Christian na kahit sumakabilang-buhay na ang kanyang ina noong June 2015, dahil sa sakit na cancer ay patuloy siyang ginagabayan nito.

Nagtapos ng Bachelor of Secondary Education Major in Music, Arts, Physical Education and Health, ang 30-year-old na si Christian.

Tubong-Pampanga, first runner-up siya sa “I Am Pogay” contest sa It’s Showtime noong 2014.

Pang-walo si Christian na kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Gay World; wala pang Pilipino na nakakakuha ng titulo.

FEMALE ADMIRER. Kahit isa siyang bakla, may mga nagkakagusto sa kanyang babae.

Sa katunayan, nakatanggap na raw siya ng offer mula sa isang babae na taga-Bicol na handa siyang bigyan ng pera at sagutin ang lahat ng kanyang gastusin para lamang pumunta si Christian sa Bicol at bigyan siya ng anak.

Sabi ko, busy pa po,” ang tumatawang kuwento ni Christian.

Ibig bang sabihin ay ayaw niyang magkaroon ng relasyon sa isang babae?

I would not say no, but I will not close my door.”

Bakit hindi pa niya tinatanggap ang alok ng babae mula sa Bicol?

Busy pa po kasi.”

Papaano kapag hindi na siya busy? Puwede na?

One at a time,” pabiro pa rin nitong sagot.

Pero nais din ba niyang magkaroon ng anak balang-araw?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Everybody wants to have a baby who will extend our practices and beliefs as a responsible man po.

Of course, yes.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang members ng media si Christian sa send-off presscon para sa kanya sa Club 690 sa Roces Avenue noong March12.

EDGE. Ano ang edge niya sa mga makakalabang Mr. Gay World candidates mula sa iba’t ibang bansa?

Lahad niya, “Pagiging matalino at pagiging articulate sa pagsasalita ng English 'tsaka matatalino po ang mga Pinoy. Naniniwala po ako dun.”

Bilang kinatawan ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, and transgender) sa Pilipinas, may advocacy rin siya na hikayatin ang netizens na magpa-AIDS test.

MAN CRUSHES. Samantala, tinanong namin si Christian kung sino sa mga local male celebrities ang tipo niya.

Can I give you five?” balik-tanong sa amin ni Christian.

First and foremost, PioloPascual.

Because I really like po men na tanned, and he has a strong personality.

Second, Alden Richards, because of his dimples po.

Third, Jericho Rosales. His positive attitude in achieving his dreams po.

Iyon pong life niya kasi, from pagiging tindero ng isda and he strove harder po just to achieve his goal.

Fourth, Richard Gutierrez.

Very Adonis! Tatayo lang siya, I would just use these words not just to... wala akong words to describe, but these words perfectly suit him, lalaking-lalaki!

And James Reid, of course. Bata po,” at tumawa si Christian.

GIRL FOR A WEEK. Kung mabibigyan naman siya ng pagkakataong maging isang female celebrity sa loob ng isang linggo, sino ang pipiliin niya?

Mabilis niyang sagot, “Si Maine Mendoza po!

I will use my money to give part of my money to Love Yourself.”

Ang Love Yourself Inc. ay isang organisasyon para sa kabataan at mga miyembro ng LGBT na sinusuportahan ni Christian.

Ito ay isang komunidad ng mga volunteers na may layuning “to reach out to others to propagate ideas, attitudes, and practices that encourage loving oneself; to DARE to be oneself, to CARE for oneself, and to SHARE oneself as a way to multiplying joy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa mga proyekto ng Love Yourself Inc. ay ang Love Yourself Project na ang misyon ay “to prevent the spread of HIV/AIDS among the youth and key affected population through awareness, counseling, and education.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN