Ipinagdiwang ng GMA teen heartthrob na si Miguel Tanfelix ang kanyang ika-17 kaarawan nitong nakaraang Lunes, September 21.
Pero bago ito, nagdaos muna si Miguel ng isang charity event kasama ang mga batang ulila na nasa pangangalaga ng CMSP Community Childcare Center sa Pinagbuhatan, Pasig City, noong Huwebes, September 17.