Paano mawala ang eye bags? There are 6 effective and affordable ways!

IMAGE Creative Commons

Want to get rid of your eye bags because they make you look tired and old? Try cold spoon or slices of cucumber.


Ang pagkakaroon ng eye bags ay nagiging common problem kapag ikaw ay nagkakaedad na.

Yung tissues kasi na nakapalibot sa mata mo, pati na rin yung muscles na nagho-hold sa eyelids, ay humihina. As a result, yung normal fat na nagho-hold sa mata, napupunta sa lower eyelids, making them look puffy.

Pero kung bata ka pa at meron nang eyebags, aba, e, dapat mabahala ka, kasi nagmumukha kang matanda at parating pagod.

Alam mo ba na aside from aging, ang isa pang rason ay water retention na sanhi ng pagkain ng maalat na pagkain. 

Idagdag pa rito ang pagpupuyat, paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagbibilad sa araw, at genes. 

PAANO MAWALA ANG EYEBAGS?

Ang tea bag ay sinasabing "age-old method" para mawala ang dark circles. 

Yung caffeine content kasi nito ay nakakatulong i-reduce ang swelling na sanhi ng water accumulation sa eye area.

Kapag green tea bag naman ang gagamitin mo, magbe-benefit ang eye area sa antioxidants, na nagre-rejuvenate ng skin at nagbabawas ng pamamaga at pamumula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tannins din ito na nagbabawas ng eye inflamation, ayon sa StyleCraze.com.  

How can tea bags make eye bags smaller? 

Ilagay ang tea bags sa refrigerator, saka ibabad ang cold tea bags sa eyelids for 10 to 15 minutes.

Isa pang effective treatment na madalas makita sa mga palabas ay ang cucumber o pipino.

Ang cooling effect nito reduces the swelling, habang ang mismong pipino reduces irritation.

How can cucumber make eye bags smaller? 

Palamigin ang sliced cucumber sa refrigerator for 10 to 15 minutes, then ibabad sila sa eyelid for 10 to 15 minutes. 

Samantala, ang lauric acid ng virgin coconut oil ay may anti-inflammatory properties at kayang bigyan ang skin ng essential nutrients.

How can coconut oil make eye bags smaller? 

Bago matulog, i-massage ang oil sa eye area nang dahan-dahan in a clockwise and anti-clockwise motion sa loob ng ilang minuto. Leave it on overnight.

You will never believe it pero kahit ang malamig na kutsarita ay isa sa puwede mong solutions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa HuffPost.com, the cold steel helps "relax the blood vessels and reduce the swelling."

How can cold spoon make eye bags smaller? 

Ilagay sila sa loob ng refrigerator for 30 minutes, saka ilagay ang curve ng kutsarita sa eye area for 15 to 20 minutes.

Ang isa pang home remedy ay baking soda, which helps promote blood flow.

How can baking soda make eye bags smaller? 

Ihalo ang isang kutsarita nito sa isang tasa ng mainit na tubig, saka ibabad dito ang cotton pads.

Tanggalin ang excess water sa cotton pads, saka ilagay sila sa mata. Iwanan sa loob ng 10 to 15 minutes.

Patuyuin saka i-moisturize.

Kasama rin ang petroleum jelly sa listahan ng mga solusyon sa eye bags.

Mabisa ito sa pamamaga, at may moisturizing properties pa.

How can petroleum jely make eye bags smaller? 

I-massage ito around the eye area bago matulog.

If you want a long-term effect for your eye bags, matulog ka nang maaga. Hindi lang ito mabisa laban sa eye bags, kundi pati na rin sa wrinkles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close