Do you have oily face?
Hindi dapat balewalain ang ganitong skin type dahil puwede itong pagsimulan ng iba pang skin problems, gaya ng acne, clogged pores, at blackheads.
Pero ano ba ang cause nito?
Ang skin natin ay may sebaceous glands na nagpoproduce ng sebum, na nagsisilbing "protective barrier" para maiwasan ang moisture loss, ayon sa isang article na na-publish sa Harvard Medical School.
Kapag maraming na-produce na sebum ang sebaceous glands, nagiging oily ang skin.
Kadalasan, ito ay dulot ng fluctuating hormones na nagreresulta sa increased levels of androgen, na sinasabing top cause ng oily akin, base sa explanation ng HealthLine.com.
Age, diet, stress level, at genes ang ilan sa mga sinasabing factors na may epekto sa hormones.
ANO ANG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN KAPAG MERON KANG OILY SKIN?
1. Dapat maghugas ng mukha sa umaga, sa gabi, at pagkatapos mag-exercise.
Each time your skin becomes greasy, wash agad.
At huwag hayaang manatili ang dirt or kahit katiting na trace ng make-up sa mukha.
Humanap ng gentle foaming face wash.
2. Dapat gumamit ng skin-care products na may label na "oil free," "water-based," at "noncomedogenic."
Ang mga ganitong klase ng cleansers, moisturizers, toners, at make-up ay hindi nakaka-clog ng pores o nagko-cause ng acne.
Iwasan ang mga oil-based o alcohol-based products dahil nakaka-irritate sila ng skin.
3. Dapat magbaon ng blotting paper.
Kapag pinawisan o nagmantika na ang face, i-press agad ito at iwanan sa loob ng ilang segundo para ma-absorb ang oil.
Do not rub it para kung meron mang dirt, hindi ito kumalat.
4. Dapat gumamit ng sunscreen.
Kung ayaw mo sa greasy feel ng sunscreen, humanap ng brand na may zinc oxide at titanium dioxide, at huwag gumamit ng merong fragrance o oil.
5. Huwag ilagay ang kamay sa mukha.
Naku, kung mahilig kang magkamot ng mukha, tigilan na ang habit na ito para hindi kumalat ang dirt, oil, at anumang bacteria mula sa kamay.
The only time you are allowed to touch it is kapag naghihilamos ka or nag-a-apply ng suncreen o moisturizer. Just make sure malinis ang mga kamay mo.
6. Huwag kumain masyado ng mga high-glycemic foods.
Magbawas muna sa kanin, patatas (yup, French fries), pati na rin mga sweets.
Ayon kasi sa MedicalNewstoday, they contribute to "overactive sebum production," kaya kelangan munang
7. Huwag mai-stress.
Find a way to manage it kasi nag-o-overproduce daw ng oil ang skin kapag stressed out ka. Nakakapangit talaga ito.