Ano ang solusyon sa dry hair o buhaghag na buhok?

IMAGE Unsplash

Buhaghag ba ang hair mo? Na kahit anong suklay mo ay mukha pa rin siyang magulo? Naku, dry hair iyan.


Buhaghag ba ang buhok mo? Na kailangan mo siyang basain para magmukhang maayos? Na kahit anong suklay mo ay mukha pa ring magulo?

Naku, dry hair iyan, at dalawa ang posibleng rason:

(1) Yung anit mo ay hindi nakakapag-produce ng enough oil;

(2) Yung cuticle o protective layer sa bawat strand ng buhok mo ay damaged kaya nagreresulta ito sa moisture loss.

Yung sa una, posibleng hereditary, at posible ring harsh shampoo ang salarin.

Yung sa pangalawa ay overexposure sa araw at hangin o di kaya ay overuse ng blow dryer o hair straightener o curling iron—na nakaka-damage ng strands at scalp. 

Ayon sa WebMD.com, isama na rin dito ang mga pangkulay, perms, relaxers, at mga chemical treatments—na kapag nasobrahan ay nakakarupok ng hair strands.

ANO ANG SOLUSYON SA DRY HAIR?

1. Shampoo

  • Gumamit ng mild shampoo para masigurong mas konti ang drying detergents.
  • Iwasan ang mga brands na may alcohol at sulfate sa list of ingredients.
  • Gumamit ng conditioner to keep the hair cuticles flat.

2. Frequency of washing the hair

  • Bawasan. Hindi mo naman ikakamatay. Once or twice a week, mag-shower cap muna.

3. Contact with chlorinated water

  • Iwasan muna ang mga swimming pools.

4. Oils that are rich in vitamin E and antioxidants to seal the outer hair layer or cuticle with moisture

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
  • Pumili ng isa: Jojoba oil, coconut oil, almond, castor oil
  • I-masage sa buhok bago matulog.
  • Iwanan overnight.
  • Banlawan kinabukasan.

5. Dietary changes

Ang listahan sa baba ay hango sa MedicalNewsToday.com. Sila ay mga pagkaing rich in omega-3 and antioxidants na kailangan para sa healthier and shiny hair.

  • fatty fish, including salmon, mackerel, sardines, and tuna
  • oysters
  • blueberries
  • tomatoes
  • walnuts
  • broccoli
  • kidney beans

6. Take supplements

  • Omega-3: Take one to three 250-milligram capsules of borage oil, flaxseed oil, or evening primrose oil, one to three times a day.
  • Vitamins A and C, biotin, and iron supplements

7. Beer

Yup. Ayon pa rin sa MedicalNewsToday, mainam raw itong conditioner dahil sa protein content niya na nagre-repair ng hair cuticles.

I-spray mo right after shampoo. And don't worry, hindi raw ito mag-iiwan ng amoy.

Cheers!


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close