Paano magpaputi ng singit, inner thighs, at bikini area?

Dec 20, 2019
Dark inner thighs is a common skin problem caused by three factors: skin tone, hair, and friction in the area. According to dermatologist Dr. Cricelda Valenca, treatment entails choosing the right underwear, using whitening products, and going for derma treatments for the sensitive area.
PHOTO/S: lifeforstock

Kahit nakatago ito, diyahe ang magkaroon ng maitim na singit.

Kaya kapag nakikita mo ang mga artista na flawless in their bikinis, hindi maiiwasang mainggit sa mapuputi nilang singit.

Pero ayon kay dermatologist Dr. Cricelda Valencia, ang "deep, dark secret" na ito ay normal lang, lalo na ng mga Pinoy na, ayon sa Fitzpatrick skin type classification, ay may light brown skin o skin type four.

Aniya, "Sa bikini area, iyan talaga is an area of friction, so hindi talaga nakakapagtaka na maitim siya or may konting discoloration.

"Plus we're skin type four. Dark tayo compared to our Caucasian counterparts na skin type 1. Maputi sila so hindi makakakita na maitim ang singit sa kanila.

"So for us, kasi since the groin or the bikini area is prone to friction, iyong chronic rubbing, nagpro-produce siya ng more melanin."

Ang melanin ay skin pigment na pinoprotektahan ang balat mula sa UV rays.

Continue reading below ↓

Kinonsulta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Valencia sa kanyang clinic sa Patient First Medical Center, Quezon City, noong November 22, 2019 upang tanungin kung ano ang mga puwedeng gawin para mapaputi ang iyong singit.

TIP #1: WEAR SOFT UNDERWEAR

Para maiwasan ang friction that leads to darkening, Dr. Valencia recommends wearing underwear that is "not so tight."

Aniya, "Huwag masyadong masikip."

Mas maigi rin daw ang underwear na walang garter sa crotch area, "comfortable, smooth, and soft lang iyong cloth."

TIP #2: apply mild whitening agents

Pagdating sa pagpili ng whitening products, Dr. Valencia suggests looking for products that are gentle on the skin.

"You can apply mild whitening agents like your arbutin or mga kojic acid.

"Puwede ring mga licorice extract, Vitamin C."

Makatutulong ang mga ingredients na ito sa pagpapaputi ng iyong singit dahil pinipigilan nila ang formation ng melanin o dark pigments sa iyong balat.

Continue reading below ↓

Puwede rin bang gumamit ng kalamansi?

Dr. Valencia underlines, "Huwag iyong mga kalamansi, kalamansi!"

She explains, "Meron naman talagang whitening effect ang mga citrus acids, like kalamansi, pero ang problem kasi, some patients, they make babad for a long time.

"It causes contact dermatitis [skin allergy] so imbes na namumuti, nangangati at nangingitim. Masisira lang rin."

TIP #3: GO FOR LASER HAIR REMOVAL TREATMENTS

Ayon kay Dr. Valencia, ang buhok sa iyong vaginal area ay posibleng sanhi rin ng pangingitim ng iyong singit.

Paano?

"Kung ikaw ay may hair, tinutubuan ka ng hair doon, kamot ka ng kamot, puwede siyang magdarken," she says.

If you want that hair removed, the dermatologist suggests getting a laser hair removal treatment at a salon rather than shaving it yourself.

"So I advise my patients to have laser hair removal, so may lightening effect rin siya.

"Kung puwede, wag mag-shave or mag-wax ng pubic area," sabi ni Dr. Valencia.

Continue reading below ↓

Kung sakali mang hindi mo ito maiwasan, mag-shave o mag-wax lamang nang dahan-dahan dahil aggressive shaving o pulling of hair can cause scrapes, cuts, and nicks that would irritate your skin and lead to darkening.

TIP #4: GET CHEMICAL PEELS

Bukod sa laser hair removal, inirerekomenda rin ni Dr. Valencia ang pagkuha ng chemical peels, gaya ng glycolic acid, trichloroacetic acid (TCA), at mandelic acid peels sa mga derma clinics.

"Do it mga two weeks every month," says Dr. Valencia.

She explains the procedure this way: "We apply a chemical solution talaga on the skin.

"We apply it, may ilang number of coats or layers na tinatawag, and then maa-appreciate nila iyong talagang may peeling after three to four days.

"So iyon naman kelangan ginagawa rin ng doctor dapat, kasi malaki rin ang risk na masunog mo ang sarili mo.

"Kasi there are so many online stores that sell chemical peels, e, maraming klase ng peels. And not all peels are suitable sa mga thin skin like iyong singit, so mahirap pumili. Dapat alam mo talaga."

Continue reading below ↓

TIP #5: UNDERGO ND:YAG LASER TREATMENT

Dr. Valencia also recommends getting a Nd:YAG laser treatment na kadalasang ginagawa sa derma clinics as hair removal treatment and treatment of veins on the face and legs.

Although she describes the treatment as "matagal na trabaho," effective naman daw ito sa pagpapaputi ng iyong singit.

She details, "Iyon talaga tina-target niya iyong mga pigmentation sa balat.

"It acts like a hammer. So imagine mo, iyong mga pigment mo sa ilalim ng balat is bato-bato.

"Iyong bato-bato na iyon is tinatarget ng laser mo na parang hammer, dinudurog niya iyon.

"Pero hindi naman kasi with one session, durog na iyon. You have to come back every two weeks, every month until lumiit siya, maging buhangin na lang siya, until it can be naturally secreted out by your body."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dark inner thighs is a common skin problem caused by three factors: skin tone, hair, and friction in the area. According to dermatologist Dr. Cricelda Valenca, treatment entails choosing the right underwear, using whitening products, and going for derma treatments for the sensitive area.
PHOTO/S: lifeforstock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results